Nagbuntong hininga ako at pagod na isinandal ang likod sa lababo.
"Akala ko katapusan ko na," bulong ko at pinahid ang pawis na umaagos mula sa aking noo at ang pawis na malayang umaagos sa aking leeg.
"Anong gagawin natin diyan?" tanong ni Queen na nakaturo sa kamay ng zombie na nasa sahig.
Nagkibit balikat ako at marahang sinipa ang kamay ng zombie patungo sa gilid. Kumalat ang dugo sa tiles na sahig.
"Mamaya na natin problemahin 'yan, bilisan na natin sa garahe," saad ko at naunang lumabas ng kusina.
Pumasok ako sa garahe at itinulak pataas ang switch ng ilaw na nasa labas.
Kapag bumukas ang mga ilaw sa labas alam na ni Zia na nakapasok kami ni Queen.
"Bubuksan ko na ba?" tanong ni Queen na nasa tapat ng opening button ng railings.
Tumango lang ako at agad na pinindot ni Queen ang button.
Unti-unting tumaas ang railings habang ako ay umatras at inihanda ang baril kung sakali mang may zombie na bumungad sa amin.
Nakahinga ako ng makitang malinis ang labas.
Sumilip kami ni Queen at nakita ko silang tumatakbo.Nauuna si Rhio na buhat buhat si Jay.
"Bilis," saad ko ng makalapit si Rhio, sinundan iyon ni Agatha at Haslie.Naningkit ang aking mata nang makitang nahuhuli si Patricia at may tatlong zombie ang humahabol dito.
Huminto si Zia at ganoon din ang ginawa ni Niall. Binaril nito ang zombie at inalalayan si Patricia sa pagtakbo hanggang sa makarating sa amin.
Nakapasok na silang lahat pwera kay Zia na naiwan at naglalakad na lamang.
Lumaki ang aking mata ng makita ang biglang maraming zombie na sumulpot sa likod ni Zia.
"Bilis! Zia!" sigaw ko at sinenyasan siyang tumakbo.Lumingon pa ito sa kanyang likod at tila doon lang nakuhang tumakbo ng mabilis.
"Isara niyo na, pota!" saad ni Zia nang makapasok.
Pare-parehas pa kaming napapitlag nang matapos sumara ng roll-up door ay malakas na kumalampag iyon, marahil ay sa ginawang pagsugod ng mga zombie.
Binuhat ko si Jay at iniwan na silang lahat sa garahe. Si Queen ay may sinabi pa kay Zia.
"Matulog ka na, Jay," bulong ko sa bata habang hinahaplos ang likod nito.
"Gisingin kita mamaya kapag kakain na," saad ko na sinagot ng bata nang isang paghikab.
"Archer," tawag ko kay Archer nang mapansin kong nakasunod ito sa akin. "Can I ask for a help?" tanong ko na tinanguan nito. Bahagya pa itong hinihingal dahil sa ginawang pagtakbo.
"Halika," saad ko at pinasunod siya sa akin papuntang kusina.
"Pakitapon naman sa basurahan niyon," nakangiwing saad ko at itinuro ang kamay ng zombie na nasa gilid ng lababo.
"What the," rinig kong mura nito habang kunot na kunot ang noo. Agad din itong nakabawi.
"I need cellophane," saad nito na nagpanguso sa akin."Cellophane ka riyan, plastik na lang pinasosyal mo pa," saad ko at binuksan ang isang maliit na cabinet. Kumuha ako roon ng isang plastik at inabot sa kanya.
"Ibuhol mo maigi baka mangamoy," saad ko at iiwan na sana ito sa kusina ng bigla itong magsalita.
"Okay lang kayo ni Queen?"
Minsan ay masarap talaga sa pandinig ang boses nito kapag nagtatagalog, isama pa na may accent ito.
"Okay naman kami, medyo nahirapan lang kasi masikip 'yong daan."
"Good to hear that. Aren't you tired?" tanong nito at tiningnan si Jay na buhat buhay ko.
"Do you want me carry him?"
Agad akong umiling sa inaalok niya.
"Tulog naman na, ihihiga ko na lang ang bata. Ikaw rin, you look tired. Pahinga ka na rin muna," ani ko at tipid na ngumiti.
Nang hindi ito kumibo ay lumabas na ako ng tuluyan sa kusina.
"Anong ihahanda ko?" tanong ni Queen nang magkasalubong kami.
"Mag gisa ka na lang ng cornbeef," saad ko na tinanguan nito. "Huwag mo damihan ang bawang," pahabol na bilin ko.
"Hindi na ako magtataka kung ang utot ko ay amoy cornbeef," sabat ni Agatha na pailing-iling.
Hindi ko napansin ang paglapit nito sa kusina.
"Huwag ka na lang kumain. Ako kakain ng parte mo," turan ni Zia na tinaas baba ang kilay na para bang tuwang tuwa siya.
Umismid si Agatha at sinimangutan si Zia. "Hindi pwede! Parte ko iyon, mayroon kang sariling parte sa cornbeef, ang takaw mo," nakangusong ani ni Agatha.
Nag make face si Zia bilang pang-asar.
"Isip bata," biglang saad ni Rhio.
Tiningnan ito nang masama ni Zia at eto na naman po ang bangayan nilang walang katapusan.
Nagkibit balikat na lamang ako at iniwan silang nagbabangayan doon. Mahirap na at baka magising ba ang batang si Jay.
senseigan

BINABASA MO ANG
FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)
Fanfiction| COMPLETED | UNDER EDITING METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas? Makaligtas? Kung ang bansa na tinitirahan mo ay iba na sa dating kinalakihan mo. Ang...
FIGHT THIRTY NINE
Magsimula sa umpisa