Pero sa totoo lang, hindi naman ako bayolente sadyang napuno lang ako dahil iyon na naman ang ugat ng away at nadamay na naman ang gawa namin. Maraming beses nang nangyari ang ganito pero inaawat ko nalang ang mga kaibigan ko at kinakausap nang matino si Gio, pero hangga't hindi ata nakakatikim ay hindi niya kami titigilan.
"Ryu Concepcion, explain what happened!" the proctor said.
Nandito na kami sa office at may tapal na ang mga sugat namin ganoon din ang mga galos ng grupo ni Gio. Masama akong nakatingin sa kanila pero hindi sila makatingin sa akin.
I've had enough. Napuno na ako sa kanila kaya nakasakit ako kahit hindi naman talaga ako ganoon. Ngayon lang talaga ako nasagad sa loob ng ilang taong pambubuwisit nila sa mga kaibigan ko at nadamay pa talaga ang gawa namin so we need to redo it again!
Like what I've said: Im not into violence and physical fight. I'd rather throw a harsh words than to throw a fist. Pero mukhang hindi sila nasasaktan sa mga pinagsasabi ko kaya dapat ipamukha na ang sakit.
"Diosmio, mga hijo. Nasa grade nine palang kayo, wala pa sa kolehiyo pero pagibig na agad ang pinoproblema at pinag aawayan niyo! I need all of your parents tomorrow except for you, Mr. Concepcion," he decided that made us shocked.
"Ang unfair! Siya rin naman nagsimula ng gulo---"
"Kayo nagsimula, mga tanga!" putol ni Harvey kay Gio.
"Shut up! Just bring your parents or I will call them right now while you are all here?" he warned and stood.
"I'll bring my parents too, Sir. To be fair and square," saad ko at lumabas na sa office, sumunod naman ang mga kaibigan ko.
Sinimulan ulit namin ang paggawa ng building structure habang ang mga kaibigan ko ay nagrarant tungkol sa nangyaring gulo samantalang ako ay pinagsasabihan sila na parang ako ang magulang nila.
"What?! Are you serious, Ryu?" Mom said shockingly that she almost choke coz she's drinking tea.
Suminghap ako at yumuko. "Yes, Mom. I'm sorry. Hindi ko naman po sinasadya. You know me, right?"
Mom smiled. "Of course coz you're my son!"
Tumango ako. "Napuno lang po talaga ako dahil nadamay pa ang gawa namin dahil lang sa jowa jowa na yan..." nagtiim bagang ako.
Ngumisi si Mommy and she sipped on her tea. "Now I understand completely. Ayaw mo nga pala sa mga love love na yan---"
"It's not that, Mom. Ayaw ko lang po sa masyadong kalandian nila. And I don't think that's love? In our generation, it's not love. It's just attractions and infatuation..." I stated.
Mom nodded and she tousled my hair. "You're so full of wisdom, anak! Dinaig mo pa kami ng Daddy mo noong nasa edad mo kami..." aniya at ngumisi ako at tinanaw ang asul na tubig sa swimming pool ng mansion namin dito sa Maynila.
"But you know what, hijo. At your generation, they take love as an inspiration and motivation. Nasosobrahan at nagiging OA lang talaga minsan, ano?"
Tumango ako. "Exactly, Mom." sambit ko at nag apir pa kami ni Mommy sabay tawanan.
Lumipas ang mga araw sa Maynila at nasa school lang ako maghapon at kapag uwian na ay sa mga bahay bahay ng mga kaibigan ko't nagmomovie marathon o video games.
"Gusto mo pa bang bumalik sa Casa Poblacion, Ryu? Ilang linggo lang ay pasukan niyo na rin naman..." si Dad nang nasa dinner na kami sa may restaurant.
"Babalik pa po ako, Dad. Two weeks pa before school year starts so..." sabi ko habang hinihiwa ang medium steak.
"Why? You like it there?" said Mom.

BINABASA MO ANG
Memories in the Roads (Street Series #3)
Romance?Nuestra Street Ryu Concepcion, the matured, smart and wise son never expected that he will met a boy who's opposite to him. He met Felizardo Reyes on a hot summer in Casa Poblacion. He already knew his gender identity and he discovered more when...
Chapter 7
Magsimula sa umpisa