"Ang bilis ah." natatawang saad nia nang makita akong pababa na ng hagdan.
"Wala. Naexcite lang ako sa pupuntahan natin ngayon." sagot ko naman na umupo sa may kitchen stool.
"Ok, let's eat."
...
Nang palabas na kami ng bahay ay nalaman kong sasakay pa pala kami ng kotse na magdadala sa amin sa may tabing dagat. At doon naman naghihintay ang isang private yacht na pag mamay ari rin nia Jacob.
Ang yaman talaga nia.
Habang lulan na kami ng yate ay hindi ko naiwasang mamangha sa ganda ng paligid. Ngayon ko lang to nakita simula nung magising ako mula sa pagkaka comatose.
Habang papalapit na kami sa main city ay hindi ko maikakailang nababaguhan ako sa paingay na paingay na paligid. Dahil na rin siguro sa nasanay ako sa isla, tahimik lang.
Nang tumigil na ang yate sa may daungan ay agad na rin kaming bumaba, nakita kong may isang kotse roon na naghihintay kaya muli kaming sumakay. At si Jacob na ang nagmaneho.
"Wala ka bang driver ngayon?" tanong ko nang kasalukuyan na naming binabagtas ang daan papunta sa lugar na binanggit nia sakin kanina.
"I want to spend my whole day with you. Just you. No other than you." sabi nia na nakafocus lang ang tingin sa daan.
"Wala naman akong sinasabi na isama natin ang driver mo sa bawat pupuntahan natin. Magsama ka lang para may magmaneho satin, baka mapagod ka pa."
"With you, I don't feel tired." sagot nia na saglit na sumulyap sakin bago ibinalik agad ang tingin sa harap namin
Hindi ako nakasagot kaya napangiti na lang ako.
I found my real happiness in you, Jacob. Loving you back is my biggest right decision I made.
...
Jacob's P.O.V
Naisip kong dalhin siya sa isa mga pinakapaborito kong kainan sa syudad. Matagal ko na itong balak pero ngayon lang talaga nangyari.
"Anong trip mo kainin?" tanong ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin.
"Hmm..parang nake-crave ako ng siomai. Yung maraming sili at bawang ang sawsawan. Tsaka ramen na rin." sagot nia na ikinangiti ko.
"Sure. But let's eat first on one of my favorite restaurant here."
"Sige. Walang problema."
Hindi ko sinasadyang napatingin sa may rear-view mirror.
Teka, kanina pa tong itim na sasakyan na to sa likuran namin ah. Sinusundan ba nila kami?
Nakakaramdam na ako ng hindi maganda pero siguro napa praning lang ako.
Ang intindihin ko na lang ay ang kung anong meron sa araw na to, siguro nagkataon lang din na kung saan kami pupunta ay doon rin ang tungo nila.
"Jacob? Nakikinig ka ba?"
Gulat na napatingin ako kay Earl.
"H-ha? M-may sinasabi ka?" sabi ko pero kumunot lang ang noo nia.
"Kanina pa kasi kita tinatanong kung ano pang magandang pasyalan rito maliban sa mall. Pero mukhang ang lalim ng iniisip mo, tsaka kanina ka pa nakatingin dyan sa salamin, bakit, ano bang meron sa likod?" akmang titingin na sana siya sa likod nang pigilan ko siya.
"A-ah, wala!" sabi ko na humawak sa pisngi nia para pigilan siya na lumingon sa likuran namin. "Wala, ano lang,..basta, wag mo na lang akong intindihin." pilit ngiting saad ko pero ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko, lalo na nang makita ko ang disenyo ng sasakyan.

BINABASA MO ANG
THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]
Random[UNEDITED] I'm now content. I'm now free. After three years, my agony from the past is over, from the hands of the one who owned me and made me his world. I am aware that love is painful. I once again embraced him because of his justifications. But...
CHAPTER 56: ANNIVERSARY
Magsimula sa umpisa