抖阴社区

OS- Kabanata 15

Magsimula sa umpisa
                                    

"I will make them leave. Sleep kana baby.." sagot ko.

"No. Let them stay. Diba po despedida nila ito for you? We're leaving tomorrow, mama. You go there. I'll sleep now."

Tumingin ako sa anak at sa huli ay bumuntong hininga. He's growing too fast. I'm scared that he might leave me too. Ayokong iwanan din ako ni Riley. He's my life.

Ang totoo, natatakot ako sa kung anong mangyayari sa amin sa Pilipinas. If we stay here, it's safe and nothing to worry. Pero, kung hindi ako susugal at susubok, paano ako tatayo mag isa? Hindi naman din habang buhay nandito si Alice at Raffy. Soon, magkakaroon na sila ng sariling pamilya para maging priority nila.

And besides, going back to Philippines is inevitable. Hindi ko din naman gusto na habang buhay kami dito.

Hinalikan ko ang noo ng anak. "Are you sure?" tanong kong nag-aalala. Over protective ako sa anak ko at ayaw kong maramdaman niya na hindi siya ang priority ko.

"Yes mama. I'm a big boy na!" he said. Bit annoyed. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa sinalita ng anak. He looks like his father.

"You're just four, baby.. I don't want you to grow fast. I want you to stay this way."

"But I want to grow fast.. I want to protect you and help you mama. You really look tired."

Parang may nagbara sa lalamunan ko. Paano ito nasasabi ng isang apat na taon na bata? Nagsisikap ako para buhayin at maibigay ang pangangailangan niya. Hindi naman ako nagkulang sa kanya sa pagmamahal kahit abalang abala ako sa pagtatrabaho.

"I won't get tired. Ikaw ang lakas ko Riley. You sleep. Maaga pa ang alis natin bukas." umiwas ako ng tingin at hindi pinahalata ang pamumula ng mga mata ko.

"Okay. Enjoy the night mama. Yabyu." salita niya tsaka pinikit ang mga mata. Ang bigat ng pakiramdam ko habang titig na titig sa anak.

Bukas ang balik namin sa Pilipinas. Paano kung makita ko doon ang papa niya? Paano kung itakwil niya ang anak ko? Iniisip ko palang ay parang nawawasak na ako. I won't let that happen to my son. Nabuhay kaming dalawa at mananatili kaming dalawa lang.

His father has a girlfriend. Yun ang huli kong balita. Nasa Seattle siya nakabase ngaun kasama ang kasintahan.  Sinarado ko ng marahan ang pinto ng kwarto niya. Halos mapalundag pa ako ng bumungad si Alice sa akin na halatang lasing na.

Inikot ko ang mata ko sa paligid. Si Jace at Raffy ay napatingin sa akin. Nang magtama ang mata namin ni Raffy ay nag igting ang panga niya sabay iwas ng tingin.

"Ang tagal mo!" salubong sa aking ni Alice. Maingay ang sala ng pad ko at biglang sumakit ang ulo ko sa dami ng kalat.

"Pinatulog ko si Riley. Ang ingay mo." sagot ko sabay dampot ng mga bote ng alak sa sahig. Kita ko ang mga kaibigan na talagang lasing na at wala sa katinuan.

"Nako naman Icai, aalis ka na nga ang sungit mo pa din. Hindi mo ba ako ma-mimiss?" madramang salita ng kaibigan. Umirap ako sa kanya at umiling kaya natawa siya.

"Susunod ka naman. Why would I miss you?" sagot ko at nagpatuloy sa ginagawa.

"That's the thing. Kung hindi ko lang kayo mahal ng inaanak ko ay hindi ko iiwanan ang buhay ko dito sa Australia."

Umirap nalang ako sa drama ni Alice. I told her that we're going to be fine pero hindi ko siya mapigilan. Well.. Hindi ko naman siya masisisi dahil halos magkapatid na ang turingan namin at anak ang turing niya kay Riley.

"Plano mo ba sabihin sa tatay niya na may anak kayo?" biglang salita niya na ikinatigil ko.

"Wala akong plano." sagot ko at umiwas ng tingin.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon