抖阴社区

CHAPTER 35

2 0 0
                                        

STEP

"Ang ganda dito!" namamanghang sigaw ni MJ at umikot-ikot sa harap namin habang nakadipa ang dalawang kamay niya.

" Huwag ka ngang malikot baka tumaob ito. "  saway sa kaniya ni Ate Cha.

Totoo ngang maganda rito sa pinuntahan namin. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid namin. Napagpasiyahan namin na pumasyal muna rito sa Italy at isa na rito ang tinatawag na Grand Canal bago kami umuwi sa Pinas.

Nakakalula ang  kalinisan ng tubig dito. Dulot ng kalinisan, makikita mo ang repleksyon mo sa tubig na para ka lang nanalamin. Nasa magkabilang -gilid ang mga iba't ibang kabahayan, stores. Nagliliwanag din ang buong lugar dahil sa mga iba't ibang kulay ng  ilaw na nakakabit sa mga poste.

Nakatulala lang ako sa harapan habang nakaupo sa gilid ng aming sinasakyan. Hindi ko alam kung anong tawag dito pero para siyang isang bangka pero mas matibay ito. Para ring barko pero mas maliit din.

"Huy! Nakatulala ka na naman. Enjoy din kapag may time." pag-alog sa akin ni MJ.

Yeah right, ni hindi ko nga ma appreciate ang mga bagay-bagay dito na ngayon ko lang naranasan at nakita, magenjoy pa kaya?

It's been how many weeks since his burial but ever since that day, wala pa ring nangyayari sa akin na masasabi kong mabuti. Araw-araw nalang akong nakatulala sa loob ng kwarto ko. Gabi-gabi akong nagluluksa sa pagkawala niya. Wala akong gana bumangon sa kaalamang hindi ko na siya masisilayan pa. Humihinga ako pero wala ng buhay ang kalooban ko.

I'm trying. I'm still trying to cope up. I'm trying to accept the fact that he's not here anymore. I'm doing my best to move on but I think, not for now. Masakit pa rin kasi. The scene keeps on playing in my mind. Kumbaga, sa isang sugat, malubha pa siya at hindi nadadaling gamutin.

Lumingon ako sa kaniya at bahagyang ngumiti, " I'm enjoying, MJ." wika ko sa kaniya.

Iningusan niya ako. Totoo naman. I'm enjoying the peacefulness it gave me, the serene feeling I am now experiencing at the moment, the calmness brought by the air.

"Hindi naman kita sa mukha mo ,eh. Pumunta nga tayo rito para makalimot kahit saglit man lang. " komento rin ni Ate Chary.

Kaming tatlo lang ang namasyal dito. Sa una, hindi ko nais lumabas at magpasyal pero nagpumilit silang dalawa kaya wala akong magawa kundi samahan nalang din sila atsaka ito rin ang nakikitang paraan nila Tita at mama upang hindi lang ako magkulong sa kwarto.

That's why, I agree kahit na alam ko na tutunganga lang ako rito to help my myself because no one can help me to not be drown in darkness but myself only. Hindi ko pipilitin ang sarili ko pero hindi rin dapat na tutunganga lang.

"Mahirap pero kinakaya ko. Just let me be for now. Magiging okay din ako. I will be okay." ngumiti ako sa kanilang dalawa.

Napabuntong-hininga silang dalawa at nagkatinginan. Ilang saglit pa ay sabay-sabay nila akong dinarag patungo sa pinakaharapan ng sinasakyan namin.

"Wuhoo!" sigaw ni MJ. Mabuti nalang iilan lang ang  tao rito. May sariling mundo ang karamihan. Tinaas ko ang dalawang kamay ko at dinama ang simoy ng hangin. Nakahawak lang si Ate Cha sa railing.

Unti-unting humihina ang makina ng sinasakyan namin indikasyon na tapos na ang paglalakbay namin. Bumaba kami kaagad. It's not wrong to take a break after all.

***

Binuksan ko ang pintuan ng pribadong sasakyan nila Tita Danielle, kinuha ang bulaklak at mga kandila pagkatapos ay sinirado kaagad.

The Page We're On { Book 1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon