抖阴社区

Oliveros Series 2: Unang tikim sa Putahe ni Single Mom

34 6 0
                                        

"Mama, may work po ikaw ulit po?" tanong ni Lyra habang nakatingala kay Melody na inaayos ang mga gamit nito.

Tiningnan ni Melody ang anak, bahagyang yumuko at inayos ang magulong buhok nito. Kagagagising lang nito at siya agad ang hinahanap.

"Good morning, baby ko! How's your sleep?" Hinaplos niya ang mukha nito. "Yes, Mama will be going to work again. Birthday mo na sa susunod na buwan, kaya kailangan ni Mama mag-work para may handa tayo. You want to invite your friends, right?"

"Opo, Mama. Pero sana po, hindi po ikaw palaging work nang work po. Miss ko na po ikaw, Mama ko," sagot ni Lyra, bakas ang lungkot sa munting boses nito. Niyakap pa nito ang baywang ng ina at isinubsob ang mukha sa tiyan.

Huminga nang malalim si Melody at niyakap din ang anak. "I know, baby. Sorry kung masyadong busy si Mama, anak. Pero lahat naman ginagawa ni Mama, para sa'yo. Gusto kung ibigay ang lahat ng gusto mo, ang hinihingi... at gusto lagi ni Mama na maging masaya ka araw-araw." Pinisil niya ang pisngi ni Lyra at malambing na hinagkan ang noo nito. "Gagawin lahat ni Mama para sa'yo, anak ko."

Ngumuso ito at tiningnan siya. "Pero pwede naman po tayo maging masaya Mama, kahit nandito lang ikaw sa bahay. Ayoko po ng maraming handa sa birthday ko po, gusto ko lang po ikaw sa birthday ko. Promise po Mama, hindi po ako hihingi ng handa po basta nandito ikaw," inosenteng sagot ni Lyra, habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

Natigilan si Melody. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang bigat sa bawat salita ito. Palagi niyang sinisikap magtrabaho nang maigi para mabigyan ng maganda at masaganang buhay si Lyra, pero hindi niya napapansin na ang pinakaimportanteng bagay pala para sa anak niya ay ang presensya niya. Gusto niyang maiyak ngunit kailangan niyang maging matatag sa harap ng anak niya.

"Lyra anak," mahina niyang tawag habang hinahaplos ang buhok nito. "Alam mo ba na ikaw ang pinaka-importanteng tao sa buhay ni Mama? Kaya kahit sobrang hirap na iwan ka dito, kailangang gawin ni Mama para sa future mo. Gusto ni Mama na secure na lahat para sayo."

Yumuko ito, ngunit nang tumingala sa kanya ay malaki itong ngumiti. "Opo, Mama. Pero sana, ako rin po ang pinaka-importante sa oras ninyo," inosenteng sagot nito na lalong tumagos sa puso ni Melody.

Huminga nang malalim si Melody at niyakap nang mas mahigpit ang anak. "Okay, baby. Ganito ang gagawin natin. Magpapahinga si Mama sa work sa araw ng birthday mo. I promise, buong araw tayong maglalaro at magsasaya. Pumili ka na kung anong gusto mong gawin sa araw na iyon, okay?"

Talagang sumilay ang saya sa mukha ni Lyra nang marinig iyon sa ama. "Promise po, Mama?"

"Promise," sagot ni Melody habang iniabot ang pinky finger niya. "Pinky swears."

Tuwang-tuwa si Lyra na inabot ang pinky finger ng ina at ginaya ang pag-lock nito. "Yehey! Thank you po, Mama ko! Mahal na mahal po kita!" Sinapo ni Lyra ang mukha niya at pinugpog ng halik ang mukha niya.

Napatawa si Melody at tinapik ang ilong ng maganda niyang anak. "That's why, huwag kang pasaway kay Ate Joy mo. Sundin mo ang sinasabi niya, okay?" Tumango-tango naman ito kaya lalo pa siyang napangiti. "Now, mag-breakfast ka na, ha? Ako na ang maghahanda ng paborito mong pancakes bago ako umalis."

Nanlaki ang mata nito. "Yehey! Pancakes!" sigaw ni Lyra, sabay talon pabalik sa kwarto nito para magbihis.

Paborito talaga ng anak niya ang Pancakes. Hindi niya alam kung saan ito nagmana doon. Pero si Melody nagsimula lang na kumain non nang dumating ang anak niya sa buhay niya. Habang pinagmamasdan ang anak na masiglang tumatakbo, napatigil si Melody at napangiti. Sa gitna ng lahat ng hirap sa trabaho, si Lyra ang nagbibigay liwanag sa buhay niya. Kahit anong pagod, kapag nakikita ang anak ay nawawala yon.

OLIVEROS SERIES (Short Story Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon