抖阴社区

Trickling of Blood

Start from the beginning
                                    


Bumuntong hininga ako at tinignan ang binatang iyon at mukhang tama nga si manager kung bakit bothered ang mga customers namin kanina sa kanya. Wala ng laman ang kanyang plato kanina pa ngunit ayaw niyang pakunin ito ng ibang waiters. Nakatingin pa rin sa akin ito at nakangiti.


I bit my lip as I slowly approached him and smiled.


"Hi, miss. Akala ko po talaga hindi niyo mapapansin ang pagpapacute ko kanina pa lang." Natawa siya at napakamot sa kanyang batok. "Miss..ano..pwede ba humingi ng...number mo?" He nervously laughed as he tried to get his phone from his pocket.


I wanted to stop him when I noticed another customer from another table na na ka sumbrerong itim at na ka black jacket din. Sa pagkakaalala ko, juice lang ang order niya kanina tapos hindi na nag-order pa ng pagkain. I didn't question his appetite pero hindi man lang nagkalahati ang pag-inom niya sa kanyang juice.


Hindi ko nalang ito pinansin at bumaling sa kumakausap sa akin.


"Miss?" He waved his phone in front of my face nang napansin niya ang pagkakatulala ko.


I was about to give in nang may kumuha ng phone sa kamay niya.


"Hindi pwede makipaglandi ang mga employees namin dito. Wala din po itong cellphone, sir." Plastik na ngumiti sa kanya ang manager namin. "Since kanina pa kayo tapos kumain, baka pwede na po kayong magbayad, sir."


"Bakit? Ano po ba mali sa ginawa ko? Hindi ko naman po binastos ang waitress niyo. Nagandahan lang naman po ako kaya gusto ko lang po sana humingi ng number niya." Sagot naman ng binata.


"Sir, according to your uniform, halatang hindi ka pa umaabot sa edad ng 18. Don't you watch the news? May curfew kayo dahil sa mga bampira! You need to pay for your meal and go home now."


"Well, I'm not a high school girl! Tsyaka pinatay na ang mga bampirang iyon!" Galit siyang tumayo.


Gusto ko sana silang pigilan nang may isang waitress na tumawag sa atensyon ko.


"Grace! May tumatawag sa'kin. Gusto ka daw makausap! Ano mo daw-"


"Oh, yes!" Nabigla ako sa pangingibabaw ng sigaw ng aming manager. "Tumatawag ang boyfriend mo, diba?" May diin ang kanyang sinabi. She signalled me with her eyes to go.


"May boyfriend kayo, miss?" Nalulungkot na tanong sa'kin ng binata.


"Oo nga! Rinig mo naman ako, sir. Diba?" Hinarangan niya 'yung binata para 'di ako makita. "Umuwi na kayo. I'm not even joking. Sigurado akong kayo ang puntirya ng mga bampira ngayon even if you say that those group of vampires are dead. Marami pa sila."


Mabilis naman akong pumunta doon sa counter kung saan nilahad lang sa'kin ang cellphone ng kasama ko bago ko kunin sa kamay niya. 


"You're welcome!" Ngiting bulong niya sa akin bago umalis.


Random thoughts (ONE SHOTS/ENCOUNTERS)Where stories live. Discover now