抖阴社区

                                    

"Ah si Gabb yung pinsan ni ate Sela" sabi ko

"Uyyy may Joshie na may Gabb pa haba naman ng hair mo ate kakaiba ka" pang aasar niyang sabi

"Isa bakit ba kase late mo ko laging sinusundo ha?" mataray kong tanong

"Iniiba usapannn" may halong pang aasar niyang sabi

"Bagal kase magpagawa ng teacher namin kaya ganun" sabi niya at nanahimik at tumango na lamang ako tsaka naiglip ulit sa isang gilid

"Ate tulog ka ng tulog gising na andito na tayo sa bahay araw araw nalang kitang ginigising" sabi niya

"Gusto mo palunok ko 'tong kotse sayo?" inis kong sabi

"Chill ate hindi kasya sa bibig ko yan" sabi niya

"Che" sabi ko sabay pumasok sa loob ng bahay

"Oh andyan na pala kayo aayusin ko lang ang mga plato ng makakain na tayo" sabi ni mama

"Ako na po mag aayos dito" sabi ko tumango naman si mama

"Ate miss mo na ba si Josh kaya nakabusangot ka dyan" pang aasar niya sabay tumawa

"Tumigil ka Clarence baka iprito kita" naiinis kong sabi

"Chill ate ganyan ka pala maka miss namimrito ng tao hahaha" pang aasar niya pa sabay tumakbo kaya naghabulan kami kahapon pa ako inaasar

"Pag ikaw naabutan ko humanda ka sakin" sabi ko

"Kung maabutan mo ko eh maliit ka kaya maliit din habang mo hahaha pandak" tawa tawa niyang sabi kaya lalo akong nainis

Nang mahuli ko siya agad kong sinabunutan ng malakas lakas akala siguro nito hindi ako makakabawi sakanya tss asa siya

"Tama na yan kumain na kayo" sita ni mama samin kaya binitiwan ko na ang buhok niya at dumila naman ito ng parang bata hmp kaya inambahan ko siyang sasaksakin ko siya ng tinidor

"Sabing tama na yan" may halong inis na sabi ni mama kaya binaba ko na ang tinidor at umupo

Kumuha na ako ng kanin at ulam at ng makatapos kami kumain hinugasan ko na ang mga pinagkainan naming lima

Nang makatapos na akong maghugas agad akong umakyat para gawin ang mga activities na binigay

Nang matapos ko ay nagscroll muna ako sa fb acc ko at nakita kong online si Josh kaya kinausap ko

*Conversation*

Me: Hi Joshieee
Josh: Oh hi Coco bakit hindi ka pa natutulog?
Me: Hindi pa ako inaantok eh
Josh: Matulog ka na baka antukin ka niyan pagpasok bukas
Me: Maya maya na btw ano ginagawa mo ngayon? Nagawa mo na ba mga binigay na assignment ni Miss?
Josh: Nasa trabaho, oo kaya nga ako nauna sayo kanina gusto ko mang intayin ka kaso may trabaho pa ko
Me: Nagtatrabaho ka?!, Okay lang yun hehe
Josh:Oo kailangan kumita eh wala naman palagi dito si mama kaya kailangan magtrabaho
Me: Ah kaya pala so yan yung dahilan bakit ka late palagi kay Miss?
Josh: Oo dapat morning shift ko kaso ginawa ko nalang na hapon kase yun nga kay Miss napapagalitan ako pumayag naman yung manager ko
Me: Ganun ba? Sige na pahinga muna ako ikaw din umuwi ka na mamaya
Josh: Yes boss

*End of the conversation*

Nang makatapos kaming mag usap ni Josh ginawa ko muna ang night routines ko at pinatuyo ang buhok kong basa tsaka naisipang ayusin yung mga pinaggamitan ko kanina at napagdesisyunan ko ng matulog kaso hindi pa talaga ako inaantok kaya tinitigan ko nalang yung kisame at iniisip ang pag uusap namin kanina ni Gabb at napangiti ako dahil masarap pala siya kakwentuhan kaya pala nag eenjoy si ate Ella na kausap siya kase ang gaan niya magsalita pag nakikipagkwentuhan ang cute niya ring tumawa kaso mas cute si Josh hahahaha

Ilang oras na ang nakakalipas hindi pa rin ako makatulog kaya bumaba muna ako at nagtimpla ng gatas ininom ko na tsaka hinugasan papaakyat na sana ako ng makita kong pababa si mama

"Oh anak hindi ka pa tulog?" sabi ni mama

"Hindi po ako makatulog eh kaya po nagtimpla muna po ako dito ng gatas po baka makatulong po sakin para makatulog na po ako" paliwanag ko kay mama

"Ah ganun ba? Sige matulog ka na maaga ka pa bukas" sabi niya at tumango naman ako tsaka umakyat sa taas

Nahiga na ako at tinititigan lang ang kisame dahil ayaw akong dalawin ng antok hindi naman ako nagkape hindi rin ako kumain ng chocolate bakit hindi ako makatulog

Ilang minuto lang ay hindi pa rin ako nakakatulog tiningnan ko ang orasan ng makita ko hala 12 am na hindi pa rin ako nakakatulog huhu pinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa hindi ko na napansing nakatulog na pala ako

----------------------

So yun new update ahead I hope y'all enjoy this chapter thank you sa mga nagvovote at nagbabasa lovelotss have a good day ahead!❤️

Forgetting YouWhere stories live. Discover now