抖阴社区

Kick-out

86 3 0
                                        

Clara's POV

Magdamag kaming magkasama ni grey at mabuti nalang dahil hindi ako nito naisipang galawin o harasin. Naging maginoo na ba siya kaya hindi siya nagiging agresibo na? Pero bakit ang bastos pa rin ng bunganga niya.

"Hoy! Anong iniisip mo?"
Nagising ako sa malalim na pag-iisip at nilingon ang tumapik sa balikat ko and saw Yuri. Nginitian ko naman agad ito habang siya umupo sa harapan ko.

"Ikaw pala Yuri" Aniko.

"Ano ba yang iniisip mo?"
Tanong nito saka napatingin sa'kin. Napabuntong-hininga na muna ako bago magsalita.

"Wala naman, iniisip ko lang yung  homework ko."
Pagsisinungaling ko. Nasa canteen kami ng university ngayon dahil may pasok kami at maaga naman akong hinatid ni grey rito, dun na kasi ako naligo at nagbihis.

"Homework ba talaga o lalaki?"
Biglang turan nito, nagsalubong naman agad ang kilay ko rito.

"Ha! Anong lalaki pinagsasabi mo Yuri?" Pagkukunwari ko. Mapanukso naman ako nitong nginisihan.

"Ugh! C'mon, alam ko may lalaki kana ngayon, nakita kitang hinatid kaninang umaga, tapos kagabi pumunta ako sa bahay niyo wala ka raw dun sabi ni kuya vince. Saan ka ba galing ha, clara?"
Wika nito habang nakapangalumbaba sa harapan ko, napaikot naman ang mata ko rito.

"Wala! Sa isang kaibigan lang."
Nakangiting sagot ko rito.

"Talaga? Im your bestfriend kaya kilala kita kung nagsisinungaling ka clara."
Panunudyo nito na tila may pagpupumilit, wala na rin akong nagawa kaya umamin na rin ako rito.

"Fine! Kasama ko si grey kagabi Yuri,"
Turan ko, napaawang naman ang labi nito sa akin.

"What? So may nangyayari na ba sa inyo nung grey hunter na yun!? Diba siya yung sa bar at siya rin yung nag-sponsor sa'kin nang scholarship?" Gulat nitong tanong sa'kin.

"Siya nga bff," Maikling sagot ko,

"So may nangyari na ba sa inyo?" Napaikot naman ang mata ko sa tanonh nito at nagpalabi.

"Wala nga! he's being gentle on me yuri," Tila dismayado kong sagot rito.

"Hmm-- i think dismayado ka ata na walang nangyayari sa inyo bessie? Bakit gusto mo ba ikama ka niya?"
Panunudyo nito sabay tawa. Tinakpan ko naman agad ang bibig nito dahil sa ingay.

"Stop laughing! Nakakahiya bff, ugh! Syempre ayoko, pero kapag magkasama kami bakit parang gusto ko may mangyari samin." Pag-amin ko sabay tangal nang kamay ko sa bibig nito, sumeryoso naman siya at tinignan ako.

"Umamin ka nga sakin clara, is grey your ex-boyfriend?" Prangka nitong tanong sa'kin, napalunok naman agad ako at hindi ko alam kung dapat ba akong umamin o hindi.

"So yes? Your silence means yes bessie!"
Anito. Napapatango naman ako rito.

"Mahal mo pa rin siya hangang ngayon? Pagkatapos nang mga nangyari?"
Seryosong tanong nito sa'kin.

"Oo yuri, alam mo ba kung gaano ko sinusubukan na kalimutan siya pero kahit hangang ngayon hindi ko pa rin magawa and the moment na nagkakasama kami parati mas unti-unti na naman akong nahuhulog ulit." Pag-amin ko, nilapitan naman niya agad ako at nginitian.

"Okay lang clara, ganyan naman talaga ang nagmamahal eh' nasasaktan tapos magmamahal ulit, it's part of a love cycle."
Anito. Napangiti na rin ako rito dahil kahit kailan hindi pinaramdan sakin ni yuri na disappointed siya sa'kin at tanggap niya ang mga flaws ko pagdating sa pagiging marupok.

"Salamat yuri dahil hindi mo ako hinusgahan," Aniko.

"Of course, hinding-hindi kita huhusgahan clara, instead susuportahan kita sa mga magiging desisyon mo." Nakangiting turan nito sa'kin. Niyakap ko naman siya at gumanti rin ito nang yakap sa akin.

"From now on pwede mo nang sabihin sa'kin ang lahat clara, matagal na tayong magkaibigan tapos paglilihiman mo pa rin ako." May pagtatampo sa tono nito, nagkamali nga ako dahil kahit siya hindi ko man lang nagawang pagkatiwalaan.

"Promise, magsasabi na ako sa'yo."

Aniko, kumalas ito sa pagyakap at nginitian ko ito, saka sabay kaming nagtawanan tulad 'nong dati.

---

"Saan ka natulog kagabi?"
Biglang tanong ni kuya sa'kin habang sabay kaming naghahapunan.

"Sa hotel kuya,"
Maikling sagot ko. Nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil hindi niya pinaalam sa'kin na matagal na pala silang may relasyon ni Valerie.

"Are you still mad at me?"Tanong nito. Hindi naman ako umimik.

"Bunso! I want you to talk to me!"
Tila may pagmamando na ang pananalita nito, ngunit hindi pa rin ako umimik.

"F*ck!"

Pagmumura nito saka tumayo at nilisan ang dining area. Habang ako nagulat sa naging reaksyon nito pero nagpatuloy pa rin ako sa pagkain. Ilang saglit pa at sumulpot bigla si Val sa dining area at hinila ang buhok ko dahilan para mahulog ako sa upuan.

"Nagmamaldita kana ngayon ha! Pwes! Ako ang harapin mo!"
Sigaw nito sa'kin. Mabilis naman akong tumayo at nilapitan siya saka pinukol nang matalim na titig.

"Napakawalang hiya mo naman pala eh! Talagang sa pamamahay kapa namin talaga mag-gaganyan! Akala mo ba aatrasan kita, ha!"
Pagkasabi ko ay bigla ko siyang sinampal at hinila rin ang buhok nito, dahilan para gumanti rin ito kaya halos naghihilahan na kami nang buhok sa dining area, nagulat naman ang mga katulong na nadatnan kami ni Val na nagkakasakitan.

"What's going on here!?"
Sigaw ni kuya habang nakatingin samin sa may pinto, tinulak naman agad ako ni Val at mabilis itong lumapit kay kuya.

"It's all her fault! Inaway niya ako, she provoke me!" Sigaw nito habang dinuduro ako, nagsalubong naman agad ang kilay ko sa kanya at masamang titig naman ang pinukol sa'kin ni kuya.

"Is it true clara!?" Galit na tanong ni kuya sa'kin,

"Of course not! Siya ang biglang sumulpot rito at hinila ang buhok ko habang kumakain ako." Pagtatanggol ko sa sarili.

"Your lying! Don't believe her babe, siya ang nauna! Dahil ayaw niya raw ako dito sa bahay, at peste daw itong pinagbubuntis ko." Mapanlinlang sulsol ni Valerie kay kuya. Nagngingit-ngit naman akong tinignan ni kuya at tila masisigawan na ako.

"If you don't like Valerie here! You can leave now! Maghanap ka nang bago mong matitirhan, total magkapatid lang naman tayo sa ama! Don't worry susuportahan pa rin kita." Ganun kadaling turan ni kuya sa akin. Natigagal naman ako sa kinatatayuan ko.

'Ganun nalang ako kadaling pinalayas ni kuya para lang sa babaeng 'to! Ganito rin ang ginawa ni grey sa'kin noon dahil sa kanya, then now! Pati si kuya? Anong mayron ba ang empaktang ito at halos kinababaliwan siya nang mga lalaki!'

"Fine! If that's what you want! Sana maging masaya ka sa naging pasya mo kuya! Hindi ko alam na ganun mo lang pala ako kadaling itatakwil tulad ng ginawa sa'kin ni grey dati,"
Pagkasabi ko ay mabilis ko silang tinalikuran. Sumigaw naman agad si Val.

"Diba nagkikita naman kayo ni grey, bakit hindi nalang kayo magsama ulit? Total, nagsawa naman rin ako sa kanya at sobrang babaero."

Hindi ko na ito pinatulan sa halip tinungo ko ang kwarto at nag-impake, pagkatapos ko mag-impake ay umalis ako nang bahay nang walang paalam. Total sanay naman akong mag-isa. Hindi ko alam bakit ganun ako kabilis na tinakwil ni kuya pero talagang nasaktan ako sa ginawa niya sa'kin.

Nang biglang may bumusina sa kung saan, at pagkalingon ko nakaabang pala si grey sa labas ng gate namin.

----------------

Lies Behind TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon