Hindi kalakasan ang ceiling fan sa kama ni Juan Miguel at wala ring umiihip na hangin mula sa labas dahil nakasara ang mga bintana ng kwarto namin, pero nilalamig ang batok ko at ramdam kong pinagpapawisan ako. Sa nakalipas na mga minuto at sa susunod pa, sa pakiwari ko’y, wala akong sakit na in-born analgesia dahil sa komprontasyon namin ng roommate ko.
“You don’t need to know what—”
Alam ko kung saan siya papunta kung kaya’t pinutol ko siya.
“Mapagkakatiwalaan mo ‘ko, Juan Miguel!” pabulong kong bulalas sabay pagtayo sa harap niya.
He takes a deep breath before answering. “I don’t trust anyone. I won’t trust anyone,” he hisses with his mind as he remains his stance.
“But you can trust me,” sagot ko. Akma ko na sanang hahawakan ang balikat niya ngunit umatras siya ng isang hakbang. “Bahagi na ‘ko ng asylum na ‘to. Kung ano mang milagro ang nangyayari dito, may pakialam ako dahil damay na ‘ko dito, Juan Miguel. Apektado na ‘ko. Hindi ko naman hahayaan ang sarili ko na mabuhay dito sa asylum na hindi ako sigurado sa buhay ko.”
“If that’s what you really think, you can always go back to your home and leave me alone with this mission.”
“Are you out of your mind? Gusto mo bang labagin ko ang Treaty of the Illed? Gusto mo bang maging kriminal ako? At ano’ng idadahilan ko kina Mr. Adrius kung bakit ako aalis ng asylum? Ha? Pumasok na ‘ko dito, Juan Miguel. . . at hindi ako lalabas dito hangga’t hindi ko malalaman and katotohanan.”
For a second there, iniisip ko kung saan ko hinugot ang katapangan kong ‘yon. Ang alam at binubugso lang kasi ng damdamin ko ay kung ano ang tama. Para sa’kin, ito ang tama. Ang malaman ko ang katotohanan sa asylum.
Nanatili siyang walang imik nang ilang saglit, at nanatili ring nakatuon ang mga mata ko sa mga mata niya. I learned this from my friend last year. Ang sabi niya, kung gusto ko raw na paniwalaan ako ng kausap ko, I just need to stare into their eyes—the window of the soul—letting my heart speak.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang sinok niya. Sa katunayan, hindi lang naman siya ang stressed dito. Baka nga mas doble pa ang nararamdaman ko kesa sa kanya.
“If I tell you this, remember that humanity rely to you. I don’t know if you love your family, but if you do, they rely to you. So, this must never pass through the both of us.”
Talking about my family is something that would melt my heart kahit nitong huli naming pag-uusap ay hindi maganda. But in this case, mas lalo na ‘kong nag-aalala. This is the second time tonight that Juan Miguel used my family as something to make me repress his secret forever. If he used it that way, that means this is indeed extremely serious.
“I promise.”
“You can’t trust anyone. You should never trust anyone. Even your best friends, our classmates, Mr. Adrius, literally anyone.”
Inaasahan ko namang ‘our lives are at stake here’. Pero ‘yong marinig mo ‘yon mismo ay nakakapanindig balahibo. At pati ba naman si Mr. Adrius, hindi pa namin pagkatitiwalaan?
Napapalunok ako nang malalim bago magsalita nang tunog kalmado at seryoso. “I promise.”
Bawat paghinga ko ay mabigat. ‘Yong aakalain mong kulang ng supply ng oxygen ang silid na kinatatayuan namin. Maliwanag naman ang silid ngunit nagmumukha itong madilim dahil sa bumabalot sa aming tensyon.

BINABASA MO ANG
THE ILLED: SECRETS OF THE ASYLUM (ON-GOING)
Mystery / ThrillerWE'RE ILLED AND WE'RE BEING KILLED! AFTER YEARS OF VIOLENCE AND WRATH, AT LAST, THE ILLED HAVE GRASPED WHAT THEY SOUGHT FOR--THEIR CHANCE OF LIVING A SAFE LIFE. OR DO THEY? . . . o0o . . . Count Dracula, Robert Langdon...
KABANATA 5 - SUICIDE IN ROOM 231
Magsimula sa umpisa