抖阴社区

OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #7:

10.3K 459 40
                                        

Typos and grammatical error ahead!!


¤¤¤
XAVIEL POV:
¤¤¤

"Sigurado ka bang hindi mo ito pineke?" Kunot ang nuong tanong ko sa kanya ng hiningan ko siya ng impormasyon about his educational backround.

Graduated siya ng Summa Cum Laude at isa na siyang Licenced Engr. Kaya ba hindi na siya nagtratrabaho dahil may maibubuga naman pala siya?

Malamang. Dahil ang pagkakaalam ko sa isang engr. ay hundred of thousand na ang kikitain sa isang sketch lang nila.

"No! Totoo lahat iyan. Kahit tawagan mo ba ang Licensor na nakalagda dyan." Nakangiti niyang sagot sa akin na hindi naman sa papel na bigay niya siya nakatingin kundi sa akin.

"Okay! But I told you, you don't need to do this. Mayroon na akong personal assistant." Inilapag ang mga papel na hawak ko at itiniklop ang envelope.

"But I insist." Balewalang sagot niya. "By the way."

"What?"

"Here." At sa isang kurap ko lang ay may isang tangkay ng rosas na siyang hawak.

"What are you? A magician? And Where did you get that?" Magkakasunod na tanong ko dahil hindi ko naman inaasahan iyon.

"Haha! So cute." Bago pa man ako makahuma ay pinisil na niya ang pisngi ko. Niyuko at ginawaran ng halik sa labi.

"Hey! What are you doing?" Pasitang tanong ko sa kanya. Nakagiliwan na yata niyang halikan ako.

"Uhmmm! Just giving you a good morning kiss." Nakangiti niyang sagot at hindi pinansin ang pagsita ko. "At ayaw mo bang kunin to?" Sabay abot ng bulaklak sa akin.

Tinanggap ko na lang iyon mula sa kanya. "Basta huwag mo akong halikan na lang." Saad ko sa pananitang tuno.

"Hmmm, how about in the cheeks?"

"No!."

"Forehead?"

"Still no! Pinapasok kita dito sa opisina ko at hinayaang makalapit sa akin kaya huwag mong abusuhin ang pagbibigay ko sayo ng pagkakataon."

"Uhm." Tanging narinig ko mula sa kanya na tila nalungkot sa sinabi ko.

At bakit kailangan niyang malungkot gayong tama naman lahat ng sinabi ko. Hindi kami magkasintahan kaya wala siyang karapatang halikan ako ng wala akong pahintulot.

"I will hire you if that what you like pero tulad ng sabi ko. Don't just kiss me if you like."

Ngumiti siya na sinabayan ng pagtango.

"Atleast makikita kita minu-minuto." Nasinabayan din ng pagkindat at flying kiss.

Nailing na lang ako.

"So..." napasandal ako sa upuan ko at pinagalaw habang nakatingin sa kanya.

"I will wait there." Itinuro sa sofa sa gilid.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga.

"Whatever." Ikinumpas ang kamay ko na manatili na nga lang siya sa gilid dahil sa totoo ay marami pa nga akong tatapusin sa mga trabaho ko. Lihim na lang akong napangiti ng hindi na siya nagreklamo at sumunod na lang na parang bata.

Hindi naman ako nanibago sa presensya niya habang nakaupo lang siya sa sofa at patingin-tingin sa akin kapag nagsawa sa mga magazine na binabasa.

Matuling lumipas ang mga oras ng mapansin kung tumayo na siya at lumapit sa akin.

?Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon