Ang totoo ay galing siya sa isang mapanganib na misyon nitong nakaraan. Muntik na namang ikasawi ng buhay niya. Sa larangan ng trabaho niya, hindi niya talaga maiwasan ang bigla na lang mawawala. Iyon ang madalas pagtalunan nila ni Heloise. Hindi kasi nito ipinapalam kung anong klaseng trabaho ang meron siya. Para sa kaniya, baka iyon pa ang maging dahilan nang paghihiwalay nila. At iyon ang ayaw niyang mangyari.
Ganun pa man, she's guilty sa akusa nito sa kaniya na bigla na lamang sumusulpot kung kailan gusto. Hindi rin nito magawang makapag-paalam ng maayos sa kasintahan o sabihin kung nasaan siya dahil pinapatay niya talaga ang phone kapag nasa misyon siya.
Nasa kalagitnaan ng pagluluto si Eva nang mapatigil siya dahil sa pag-ilaw ng kaniyang phone indikasyon na may na-receive siyang text. Nang silipin ay napamura siya sa kaniyang isip. The fresh text message contains her new mission again.
Nagmamadaling tinapos ni Eva ang pagluluto at mabilisang hinain sa lamesa. Pinili niyang lumisan na habang nasa loob pa ng banyo si Heloise. Alam niya kasing mang-uusisa ito kung saan siya pupunta kapag naabutan pa siya.
'I'm sorry, I need to go again. May emergency lang na nangyari sa work. I've cooked breakfast for you, please, eatwell. Iniwan ko na rin ang allowance mo diyan sa mesa. Good luck on your test. I love you so much. -Eva'
Nanlulumong binasa ni Heloise ang sulat na iniwan ni Eva. Pagkalabas niya ng banyo, hindi niya mare-realize na mag-isa na lang pala siya uli kung hindi niya pa nakita ang sulat.
"She's gone again," malungkot na saad ni Heloise. Inis nitong pinunit ang papel.
Lumipas ang ilang araw bago muli nagawang makapagpakita ni Eva sa kaniyang kasintahan. Kada may natatapos itong mission ay kay Heloise agad ito nauwi.
"Akala ko talaga katapusan na ng buhay ko kanina, napaka-taray naman kasi niyang Miss Anna na iyan, nasa menopausal period na yata- ayy nga pala, wuy bakla, pa-kopya ako bukas ah, yari na naman ako kay Sir Magno kapag--"
Napatigil si Heloise sa pagdakdak nang huminto ang kasama niyang si Ryan sa paglalakad. Kakatapos lang nila sa isang madugong maghapon na pakikibaka sa makakapal na modules, at ngayon ay palabas na sila ng school pauwi.
"Teh, jowa mo nandyan," pasimpleng bulong ni Ryan sa kaniyang kaibigan habang may inginunguso.
Napalingon naman si Heloise sa kung saan tumuturo si Ryan. Imbes na tuwa ay pagka-inis ang agad na naramdaman nito pagkakita kay Eva na nakasandal sa sasakyan at hinihintay siya sa tapat ng school nito.
"Why oh why nakasimangot ang face mo, teh?" usisa ni Ryan.
"Wala. Una na ako ah, basta pa-kopya bukas," paalam ni Heloise sa kaibigan.
May sinasabi pa si Ryan ngunit hindi na iyon inintindi ni Heloise at lumapit kay Eva.
Akma sanang hahalik sa pisngi nito si Eva pagkarating nito sa kaniyang harapan, ngunit mabilis na lumihis si Heloise at imbes na salubungin si Eva ay walang salita itong sumakay ng sasakyan. Napa-iling na lang si Eva at dumeretso na lang sa driver seat.
Awkward na katahimikan ang namamayani sa loob ng kotse habang natakbo ito. Kanina pa nag i-initiate si Eva magsalita ngunit hindi siya sinasagot nang maayos ni Heloise. Hanggang makarating sila sa tinutuluyang apartment ni Heloise ay wala sila anumang pag-uusap. Hindi naman kasi matinong tumutugon si Heloise.
"Hey, hey, are you mad?" Habol ni Eva kay Heloise nang magtuloy-tuloy itong bumaba ng sasakyan.
"No," tugon ni Heloise na deretso lang sa paglalakad papasok sa loob ng kaniyang apartment.
"Upset?"
"Nope."
"Then, why are you acting that way?" tanong ni Eva.

BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...
Special Chapter
Magsimula sa umpisa