抖阴社区

                                    


"Let's go," he simply said, then started driving back to our condo's building.


Gusto ko siyang kausapin dahil sobrang tahimik na niya, pero alam ko naman kung bakit ganito. Maybe it's better. I don't even know if I still want to be in a relationship. I feel tired of it.


Hanggang sa makabalik kami ay wala siyang imik, bago kami pumasok sa condo namin ay nagpaalam lang siya kaya nagpasalamat rin ako sa kanya sa breakfast at sa pagdala niya sa akin sa bangko.


Tanghali na pero hindi pa naman ako nagugutom dahil nga kumain naman kami ng breakfast kanina. Pwede na lang rin muna akong umorder ng mga pagkain sa mga restaurant.


Nang makapasok ako sa kwarto ay agad akong nagpalit ng damit, nag-t-shirt na lang ako at shorts at saka humiga sa kama para tawagan sila Jade. Sa naman ako tumawag, sa IG para kausapin sila dahil sabi nila tumawag ako kapag nandito na ako.


Si Jade ay agad naman na sumagot. Magkasama lang pala sila ni Reece sa condo niya.


"Amoy London ba d'yan?" tanong agad ni Reece.


"Parang ganun," sagot ko.


"Nasaan ka?" tanong ulit nila.


"Sa condo ko? Dito ako hinatid eh, eto raw binigay ng ospital sa akin."


Tumawa lang silang dalawa at paminsan-minsan ay nagtitinginan sila na parang sila lang ang nagkakaintindihan.


"Nakita mo na ex mo?" pang-aasar nila sa akin.


Pucha, sabi na nga ba.


"Huh? Hindi ah! Paano ko makikita 'yon eh hindi ko nga alam kung nasaan siya." pagsisinungaling ko. Kapag sinabi ko na oo mas lalo silang mang-aasar tapos ipapakwentopa kung ano reaksyon ko, ganito, ganyan.


Nagtatawanan silang dalawa, bago nagsalita si Reece, "Okay, sige, pero sabi ni Nate nagkita na raw kayo? May picture pa nga kayo eh."


"Hah?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "Parang hindi naman siya nagpicture kanina?" tanong ko pa kaya nagtawanan ulit sila.


"Ay, gaga." sabi ni Jade at tawang-tawa sa akin.


"Oh, diba, nahuli ka namin, so ano? Nag-date agad kayo?" pang-aasar nila.


Umirap ako at saka nagsalita, "Tanga, hindi. Nagkita lang kami sa elevator. Nagulat ako nung bumukas pumasok siya, pero hindi kami nag-usap. Wala namang ganon ano ba." pagtatakip ko sa sarili ko.


Humagikgik sila, "Kinilig ka ba? Or maybe your heart raced when you saw him? Did you blush? Did you hug him? Or... baka you kissed him 'no!?" Jade suspected.


"Bakit ko naman gagawin 'yon? Tanga ba 'ko?" sagot ko sa kanila.


Identifying Our Trope (Metanoia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon