抖阴社区

                                    

Eksakto naman ay pumasok na si Manang Donna, may dala dalang food tray. Tinignan ko yung wall clock and it's 5 pm na rin pala.




"Sir, pasensya na, medyo nahuli pagdala ko. Namalengke pa po kasi ako." paghingi ng paumanhin ni Manang Donna. Tumingin rin siya saakin at ngumiti.




They knew about what happened but they never mentioned it to me since then. Nagtataka  nga ako but kahapon, I overheard the conversation of our two maids sa may kitchen, nung kukuha ako ng water. Blagden asked them not to mention it saakin nor talk about it na naririnig ko, he said it might make my trauma worst.




He cares so much.




Blagden said it's okay kay Manang. Umalis na rin si Manang and we ate our meryenda. It's sadwich and orange juice. Habang kumakain ay may naalala ako.




"Hey, isang buwan na tayo bukas..." lumingon saakin si Blagden. His eyes are teasing. "since we moved here." pagpapatuloy ko.




Tumawa lang siya. Inirapan ko naman ang loko na 'to.





"Yes. Let's celebrate." sabi niya at kumagat sa sandwich niya.




Umiling ako. "No, you can give me a gift." I demanded.




Ang inaasahan kong reaction niya ay magtataka siya but instead, he asked immediately kung anong gusto ko.




"But Alair..."




I stomped my feet on the floor. "Please please, I'm fine now." sabi ko. "I really miss school."




Hiniling ko na alisin niya na yung pag cancel ng klase. Fifth day na today and tomorrow is Monday. Gosh, I miss that bruhang Athena na. Sila daddy kasi, kahit close friends ko or kahit sino, bawal daw bumisita.




"I'll talk to our parents." I hid my smile nang napapayag ko siya. I clapped dahil sa excitement making him chuckle. "You're cute..." he said.




Umirap ako. "I'm not a kid."




"You are, to me. I'm 5 years older than you." he said.




Mataray akong tumingin sakaniya. "Then should I call you 'kuya'?" asar ko.




"Nah. You can call me--"




I cut him off. "What?" hamon ko.




"Daddy..."



He smirked. Naghanap ako ng pwedeng ibato sakaniya pero binawi niya na yung sinabi niya. "I'm kidding."





Padabog kong isinara yung pintuan sa BMW niya. Wala akong pakealam kung apat na milyon ang presyo neto. Mas mahal niya ako, char.




"Alair, just four guards." malambing niyang sabi nang pumasok sa driver's seat. Papasok na kami ngayon dahil pumayag naman sila mom and dad na pumasok na kami. That's why, tuloy na ang klase. Yey!





Tumingin ako sakaniya ng masama. "Don't listen to my parents! They're treating me like a kid!" reklamo ko saka humalukipkip.




"But this is for your own safety, Alair." he said. Umirap ako nang makitang lumabas yung mga guards na pinadala ng parents namin para bantayan daw kami sa univeristy.



I looked at him with my doe eyes. Need ko parupukin siya. "But I have you... I know you can protect me."




Natawa ako nang iniuntog niya ng kaunti yung noo niya sa steering wheel. Sumulyap pa siya sa akin kaya I brought back my doe eyes. Kunwari akong inosente at kaawa awang naghihintay ng desisyon niya.




Tutorial for MarriageWhere stories live. Discover now