"JC alisin mo yan." Striktong utos ko kay JC.
Hindi ako nito pinakinggan, lumapit lamang ito sakin ng nakanguso. "He started it. Ayaw ko nga siyang pasalihin e tapos pinapatigil ko pa siya sa pag-iyak but he didn't listen." Masama ang tingin at nakangusong sabi ni JC.
"I said alisin mo yon JC." Nagbabantang sabi ko sa kaniya.
Hindi parin tumitigil sa pag-iyak si Gian pero wala itong ginagawa para alisin ang magaan na karton na nakataklob sa kaniya.
"Magaan lang naman yan Uncle e, kaya niyang alisin yan ng mag-isa." Naiinis niyang sabi bago naglakad muli palapit kay Gian at dahan-dahan na inalis ang karton kay Gian.
Nakatakip sa mata ni Gian ang mga kamay niya habang umiiyak. Hinawakan ni JC ang mga kamay ni Gian at inalis ito sa pagkakatakip sa mata. "Ang arte mo naman e ang gaan-gaan lang naman nan, kaya mong alisin yan ng mag-isa."
"G-gusto ko ikaw mag alis nan sakin." Sagot lamang ni Gian habang umiiyak na nakatingin kay JC.
"Naalis na so stop crying na." Napapakamot sa batok na sabi ni JC pero hindi parin tumigil sa pag-iyak si Gian.
"Ano ba yan, ang arte mo naman!" Nab-bwiset na na sabi ni JC na ikinatawa ko. Lumapit siya kay Gian at pinunasan ang mga luha nito gamit ang mga kamay niya.
"Why your tears won't stop from falling!" Sigaw ni JC sa sobrang inis. Natawa ako ng malakas nang biglang hawakan nito ang ulo ni Gian at binaon niya ang mukha nito sa tiyan niya.
"Yan na, titigil na siguro yan." Nakayakap parin ang mga kamay ni JC sa ulo Gian at mas lalong dinidiin ni JC ang mukha ni Gian sa tiyan niya.
"H-hindi na ako makahinga." Si Gian na sumisigok na lamang.
Agad na pinakawalan ni JC si Gian at pinunasan nito ang mga natitirang luha ni Gian bago natawa. "Ang panget mo."
Napangiti na lang ako dahil naaalala ko si Kuya noong kabataan namin, si Kuya palagi ang nang-aasar sakin at laging nagpapaiyak pero never niyang hinayaan na may magpaiyak saking iba kahit mga pinsan pa namin.
"Wag ka na umiyak, bati na tayo. Wag mo ako aawayin ulit ah? Saka wag mo na ako itulak. Sali ka na sakin." Tumayo ito sa likod ni Gian at inusod niya ito palapit pa sa mga paper cups.
"Opo." Sagot ni Gian at nagsimula na muling magpatong ng mga baso.
Tahimik na muli sila habang pinagpapatong patong pataas ang mga paper cup
Inilabas ko ang cellphone ko at nagmessage kay Jien.
"Have you already eaten?" I asked.
Mga ilang minuto bago siya sumagot.
"Yes po, si Nanay Rita po nagluto tapos tinulungan siya nila Kuya Shin. Ano po ginagawa nila JC dyan?"
"Naglalaro sila nila Gian. Nasaan ka?"
"Bahay po." His answer that made me laugh.
"I mean saan sa bahay."
"Bathroom po."
Kumunot ang noo ko. "You're taking a shower?"
"Opo while taking a picture po."
Napaayos ako ng upo. "Why? Para saan?"
Send some. Napailing na lang ako sa naisip ko.
"Parang ang handsome ko po ngayon e tsaka may nakita akong lalaking nagpipicture sa harap ng salamin, gusto ko gayahin, pampagwapo."
"So nag-gwapuhan ka don sa lalaki?" Nakakunot noo kong reply.
"Opo pero mas gwapo ako kapag ako nagpicture. I'll send it to you later po."

YOU ARE READING
Jien Of Grid (M-preg)
Fanfiction"Jien." - Grid "Po." - Jien "You're my angel, baby." - Grid "You're my lord, then." - Jien 04, 25, 22
Chapter 21
Start from the beginning