Gulat siyang napatingin sakin. Tumayo ito para kunin ang cellphone niya pero hinawakan ko siya sa bewang at pabagsak na pinahiga sa kama.
"Grid." May takot niyang bigkas.
"Now you're talking? Kailan ko pa palang ihagis ang cellphone mo para makinig ka sakin?" Sabi ko at pinipilit ang sarili na wag siya taasan ng boses.
"A-ano bang itatanong mo sakin?"
Napapikit ako at huminga ng malalim bago dahan-dahan na idinagan ang katawan ko sa katawan niya. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya.
"Ano bang ginawa ko para magkaganto tayo? Para magbago ka? Is this the time that Josh' referring to where you're gonna act by your age? Kasali ba don ang hindi mo pagpansin sakin?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Jien, ayaw mo na ba sakin? Narinig kita kanina na gusto mo ng bumalik sa kanila Josh. You said you're not gonna leave me. Don't you love me anymore? Ano bang pwede kong gawin para kausapin mo ako ulit?"
Inangat ko ang mukha ko mula sa leeg niya. Paulit-ulit kong pinatakan ng halik ang panga niya.
"W-wala. Hayaan mo na lang ako." Hindi makatingin sagot niya sakin at tinulak ako.
Agad kong inangat ang katawan ko at galit siyang tiningnan sa mata.
"Bullsh*t! Hayaan?! You think I can do that?!" Hindi ko na napigilang sigaw na nakapagpapitlag sa kaniya.
Napausod pa ito.
Umalis ako sa ibabaw niya at kinuha ang maleta niya.
Malakas na hinagis ko ito malapit sa kama. "If you wanna leave then leave. Pack your things." Malamig kong sabi dito at lumabas na ng kwarto.
Nagdrive ako papunta sa office.
Lumabas ako ng kotse nang makarating don.
I look at Shanaiah frustratedly who blocked my way.
"Move." I uttered coldly.
She just smiled at me sweetly.
Napatitig ako sa ngiti niya. I miss that smile.
Miss ko na ang ganiyang ngiti ni Jien.
Pumulupot ang mga braso niya sa leeg ko.
"I miss you Grid." Malambing niyang sabi at hahalikan sana ako sa pisngi pero agad akong lumayo, Jien don't want me to be kissed by someone again.
"I said move, are you deaf?" Lumakas ang boses ko. Bumakas ang hiya sa mukha niya pero agad ring nawala ito.
"I know you're mad and I also know what possibly solution can get rid of your anger." She bit her lips while looking at me seductively. Bumaba ang kamay niya sa dibdib ko.
Sa sobrang irita ko ay tinulak ko ito palayo sakin at sinigawan ito. "Hindi ka ba makaintindi?! May asawa na ako, pero dikit ka pa rin nang dikit sakin na parang linta. Don't you feel ashamed that you're still flirting with a married man?!"
Agad na maraming napatingin samin dahil sa lakas ng boses ko.
Nahihiyang nilibot ni Shanaiah ang tingin at dahil sa sobrang hiya ay sinampal niya ako ng malakas.
"Y-you, you don't need to shout! My parents never shouted at me. Even at once! Tapos ipapahiya mo lang ako!"
"I'm not your parent." Malamig kong sagot dito.
Sinampal muli ako nito. "As*hole!"
"Never ever approach me again kung ayaw mong mapahiya ulit." Malamig kong sabi dito at iniwan na ito.

YOU ARE READING
Jien Of Grid (M-preg)
Fanfiction"Jien." - Grid "Po." - Jien "You're my angel, baby." - Grid "You're my lord, then." - Jien 04, 25, 22
Chapter 24
Start from the beginning