Tuluyan na akong pumasok sa building at sumakay sa elevator.
Nang makarating sa opisina ay hinubad ko ang coat ko at nahiga sa couch.
"I'm tired." I blow a loud breath.
Nang makapagpahinga ay umupo ako sa swivel chair at nagsimula ng tingnan ang mga papel na ibinigay ni Mr. Laxinton.
"Come in." I said strictly when someone knocked.
"You have a meeting with Mrs. Dilema at 2 PM and Mr. Rivera at 4 PM, Sir."
Mrs. Dilema and Mr. Rivera? They're one of the powerful business magnate. Gusto kong magalak pero hindi ko magawa tuwing pumapasok sa isip ko na aalis si Jien.
Tumango ako dito.
"Make me a coffee, the instant one."
"Yes, Sir."
My secretary is already a married woman, she also have a kids which gives me a peace of mind.
Binitawan ko ang hawak kong papel at napatitig sa kawalan.
Did he leave already?
Will he come back?
Umukit sa labi ko ang malungkot na ngiti. Kinuha ko muli ang binitawan kong papel at binasa ito.
Nang makarating ako sa coffee shop ay nandon ang mag-asawang Dilema.
Nakangiting binati ko sila at nagsimula ng mag-usap.
Nang matapos kami ay tiningnan ko ang oras at nakitang 3:45 na ng hapon. I also have a meeting with Mr. Rivera.
Nakarating ako sa usapan naming lugar ng 4:05.
"Good afternoon Mr. Rivera. I'm sorry if I came late."
Tumango ito. "It's okay."
Napatitig ako saglit sa mukha nito. He looks like someone I know. Familiar siya sakin.
Oo nga pala, sa birthday ni Alvin. Nakita ko siya.
Nagsimula kaming mag-usap at tulad rin sa mag-asawang Dilema ay maganda ang kinalabasan nito.
Nakarating ako sa office nang maggagabi na.
Should I sleep here?
Sino pa ba uuwian ko don.
Kung dati ay hindi pa naggabi umuuwi na ako, ngayon parang ayaw ko na umuwi.
Tumambay ako saglit dito sa office ko. Nang makitang alas otso na ay kinuha ko ang coat at sinuot ito.
Binati ako ng mga guard na tinanguan ko naman.
Walang gana akong naglakad papasok sa bahay.
Gusto kong uminom ng alak ngayon pero wala namang stock dito dahil kay Jien. Ayaw kong makakita siya ng alak.
Nagtimpla na lamang ako ng gatas at pumunta sa sala. Tinatamad akong kumain ngayon.
Binuksan ko ang TV at nanood.
Nang makaramdam ng antok ay umakyat na ako sa taas at binuksan ang pinto ng kwarto ko.
Napatingin ako sa kama at nakita don si Jien na padapang nakahiga.
Kinusot kusot ko ang mata ko dahil baka mamaya ay namamalik mata lang ako.
Baka dahil lang sa antok to.
Napalunok ako nang hindi ito nawala.
Dahan-dahan akong umupo sa kama at tinitigan ang likod ni Jien.
Hinawakan ko ito para itihaya ng higa nang bigla siyang gumalaw at tumingin sakin.

YOU ARE READING
Jien Of Grid (M-preg)
Fanfiction"Jien." - Grid "Po." - Jien "You're my angel, baby." - Grid "You're my lord, then." - Jien 04, 25, 22
Chapter 24
Start from the beginning