"2"
"1"
"Go!"
Agad na lumangoy ito habang ako ay nakatayo pa rin, pinapanood siya. Nang makitang nasa kalahati na lang ay malapit na siya sa tungkod na iyon ay nagsimula na rin akong lumangoy.
Hanggang sa mapunta ako sa tabi niya. Pokus ito sa paglangoy na hindi niya napansin na nasa tabi niya ako.
Tumigil muna ako at hinayaan siyang mauna sa tungkod na iyon.
Nang makitang kaunti na lang ay malapit na siya don ay agad kong ibinaon sa tubig ang mukha ko at kunwaring lumalangoy pa rin.
"I won! I won!" Sigaw nito.
Dahan-dahan kong inahon ang mukha ko at sinuklay ang buhok ko pataas bago ngumiti sa kaniya.
"Nanalo ako Grid!" Tuwang tuwa nitong sigaw sa'kin habang nakahawak sa tungkod.
"Yes baby. Congratulations." Nakangiting pinalakpakan ko pa ito.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang dalawang kamay ko nang maramdaman ang tubig na tumutulo sa mukha ko.
Inangat ko ang tingin ko kay Jien na ngayon ay nakatitig na sakin. May kakaibang emosyon sa mata nito.
Nagulat ako nang lumangoy ito palapit sakin at agad na niyakap ako sa bewang bago hinalikan ng mariin sa labi. "Ang gwapo mo, Grid."
Napangiti ako at inilagay ang mga kamay ko sa pang-upo niya. "Really?"
"Yes po, sobra."
"You're handsome too baby." Sagot ko dito kahit na gusto kong sabihin ay maganda ito pero baka magalit lamang ito tulad nong nangyari noon.
"I know." He proudly said making me pinch his chubby cheeks.
"Mahal kita baby."
"Mas mahal kita." Sagot nito habang nakatingin sa mga matataas na puno.
I stared at him lovingly before reaching the back of his head and placing a kiss on his forehead gently making him turn his head to me.
Smile appeared on his lips. "I love you so much Grid."
D*mn! Him smiling, and saying those words to me melt me. Nakakapanghina.
Nagtitigan kami ng matagal bago ko siya hinila sa bewang, nakasandal ang pisngi nito sa dibdib ko at pinanood namin ang tanawin sa harapan namin.
Dalawang linggo ang tinagal namin kay Tito. Ngayon ay pauwi na kami.
"Papa, pupunta ka po sa bahay ha! Sa birthday ko. Kapag hindi po kita nakita don, maglalayas po kami ni Gris at Grid." Pangalawang paalala ni Jien kay Tito na ikinatawa naming dalawa ni Tito.
Niyakap ni Tito si Jien at pinatakan ng halik ang ulo nito. "I will, Son, para hindi kayo maglayas." Natatawang sagot ni Tito.
Lumapit ito sakin at kinuha si Gris sakin at pinugpog ito ng halik. "Take care little Jien." Nakangiting kausap nito kay Gris. Maingat na ibinalik nito sakin si Gris bago tinapik ang balikat ko. "Take care of them, Grid. Mag-iingat kayo."
Tumango ako dito. "Opo, Tito."
"Sige na. Nasa labas na si Manuel. Ihahatid kayo." Tukoy ni Tito sa driver niya.
NAPAILING ako nang binagsak ni Jien ang katawan sa sofa nang makarating kami sa bahay dahil sa antok.
Tiningnan ko si Gris na buhat ko. "Ikaw baby Gris? you already sleepy hmm?" Natawa ako nang parang naintindihan ako nito dahil umiling ito sakin habang nakatitig sa mukha ko. Napapikit ako nang hampasin ako nito sa mukha.

YOU ARE READING
Jien Of Grid (M-preg)
Fanfiction"Jien." - Grid "Po." - Jien "You're my angel, baby." - Grid "You're my lord, then." - Jien 04, 25, 22
Chapter 34
Start from the beginning