"I ate chicken salad and green grapes. Wala akong gana lalo na kapag nandyan ka at nandito ako sa Paris."
Napabuntong-hininga ako dahil nagpapababy talaga ang taong ito. Kailangan ay ako pa ang kikilos para lang makakain siya ng maayos. Gusto ko ang ginagawa ko sa kanya, yung pag-aalaga ko sa kanya dahil doon ko binubuhos yung pagmamahal ko na hindi ko nagagawa sa mga magulang ko. Sa kanya ako humuhugot ng lakas at ganun din siya sakin dahil ako lang ang may kakayahan na pagtibayin siya sa kalagitnaan ng problema na kinakaharap niya.
"Bukas kumain ka ng heavy meals. Alam ko madali ka lang gutumin kaya kumain ka para hindi ka gutumin agad. Magpahinga ka rin."
"Yeah I will. Huwag ka ring magpapagutom. Stay safe and I love you. Good night from Paris my love."
"Good night sayo diyan. Mag-iingat naman talaga ako. Stay safe too at mahal kita." sagot ko.
"Love you." Huling sabi niya bago ko pinatay ang tawag.
Binaba ko ang cellphone ko sa may center table dahil uminit yun nang tumawag si Phoebian. Binaba ko para lumamig yung likod.
Pagkatapos kong maglinis ay pumasok ako sa kusina at binuksan ang ref para uminom ng malamig na tubig. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay kinuha ko ang cellphone ko sa center table at umakyat sa kwarto ko para magpahinga. Hinintay kong dumilim para magpahinga ako. Kumain din ako ng mac and cheese na ginawa ko kaninang alas onse ng umaga. Nabusog ako dahil dalawang bowl ang naubos ko. Uminom din ako ng malamig at pakiramdam ko ay sasabog na ang tiyan ko dahil sa kabusugan ko.
Nakatulog din ako pagpatak palang ng alas otso. Dala narin sa pagod ko kaninang tanghali dahil sa paglinis ng kalat kanina.
Umaga palang akong nagising at naghanda sa pagpasok sa trabaho. May tinititigan akong bagong design ng necklace sa susunod na release nang mapansin ko na yung babaeng papasok sa elevator. Hindi ko siya kilala at hindi rin siya pamilyar sakin. Nagmamadali ang kilos niya.
Kumunot ang noo ko nang sumara ito at bigla ding lumabas ng opisina si Oxford. Nandito ako sa top floor at sa top floor ang office ng big boss namin na si Oxford. Wala akong ideya kung anong problema dahil mukhang may problema talaga. Pero mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko nang sumunod ang nag-iisang Valentine kay Oxford.
Tumalikod ako agad para hindi niya ako makita. Ilang buwan ko na siyang hindi nakikita at sa mga nagdaang buwan ay hindi na siya nagpaparamdam sa amin ni Phoebian. Good sign siguro yun na wala ng demonyo na nagsisira sa amin ni Phoebian.
At ngayon, kay Oxford na naman siya kumakapit. Pero may isang babaeng involve. Maaaring girlfriend yun ni Ox dahil may emosyon akong naramdaman nang habulin niya yung babae.
Mabilis kong binigay sa designer yung sketch pad niya. May bagong collection na naman na irerelease ang Oxford jewelry dahil ang daming nakalinyang bagong desinsyo.
Bumalik na ako sa department namin nang masigurong wala na si Valentine. Bumalik ako sa mesa ko at humarap sa computer at bumalik sa trabaho.
Hindi ko na nakita si Valentine after niyang pagsunod kay Phoebian. Alam niyang dito ako nagtratrabaho sa kompanya ni Oxford at sa big boss siya naghahabol. Hindi ko alam sa laman ng kukute niya kung bakit naghahabol siya sa mga hindi naman naghahabol sa kanya. Kumbinsedo ako na sa tawag ng laman lang ang pinapairal niya. O di kaya ay obsess na siya sa mga magkakaibigan.
"Uuwi ka na ba Maia?" si Jane ay sumalubong sakin pagbalik ko sa loob ng department namin.
"Oo uuwi na ako. Grab lang ako ngayon."
"Sige. Ako rin. Pagod narin ako." reklamo niya.
"Magliligpit pa ako. Ang kalat kasi ng mesa ko." sabi ko.

BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...
Chapter 33
Magsimula sa umpisa