“Kumusta naman ang Papa mo?”
“Masayang-masaya siya noong sinundo ako sa airport, Telle. Tapos noong nayakap ko siya, pakiramdam ko bigla akong naging buo. Naisip ko na sa wakas, tapos na ang paghahangad ko sa father’s love.”
“I’m happy for you, Lalaine.” Umangat ang labi ko. “Sana ay mabait ang pamilya ng Papa mo riyan. Wait, Filipina ba ang step-mother mo?”
Umiling siya at umirap. “Hindi, Telle. She’s pure American. And… my father, too.”
Namilog ang mata ko. Ngayon ko lang ‘to nalaman dahil never naman namin napag-usapan ang tungkol sa Papa niya. Hindi ko rin alam na American-Filipino pala si Lalaine.
Literally, I had no idea sa ama niya. At hindi rin naman talaga namin napag-usapan masyado ang tungkol sa kaniya. Iyon lang, iba ang ganda niya. Parang ngayon ko lang tuluyang na-appreciate ang matangos ilong ni Lalaine.
“Hindi mo pala siya tatawagin na ‘Papa’, e!”
“I guess so. Telle, problemado ako.” She sighed. “I need to speak English dito. Hindi puwedeng mag-Tagalog dahil walang makakaintindi sa akin.”
Natawa ako. Iyon lang. English people na ang makakasalamuha niya roon kaya it’s necessary to speak their language, too.
“As if hindi ka marunong mag-English.”
“Marunong, pero sanay ako sa Tagalog. Itong mga kapatid ko, English speaking! They are also younger than me.”
“Adjustment, Lalaine. Kailangan mo talaga ‘yon gawin dahil nasa foreign country ka.”
Ganoon ang naging routine namin ni Lalaine. Tinatawagan niya ako para ibalita sa akin ang mga nangyayari sa kaniya habang naging abala na rin ako sa pag-aayos ng ibang requirements para makapag-turo na ako.
Tuwing Linggo, pinupuntahan ako ni Nectarine. Nagsisimba kami at kakain sa labas para tatambay na lang sa apartment maghapon. Kahit papaano ay unti-unti na akong nasasanay mag-isa sa apartment.
Mabait ang pamilya ng Papa ni Lalaine sa Las Vegas. Ibig sabihin lang noon ay malabong umuwi siya rito dahil gusto niya na rin doon pagkalipas pa lang ng dalawang linggo.
Of course, I’m happy for her. Nakikita ko sa Instagram ang post niya kasama ang mga kapatid niya. They were three, at babae ang sumunod sa kaniya. She’s sixteen years old at close na close na agad sila ni Lalaine.
Napansin ko rin na unfollowed na si Santino sa account niya, even her other family members sa Pinas. I guess she have finally removed toxic people in her life. Maliban kay Santino, a? Hindi naman ‘yon toxic.
“Magdala ka na lang ng gamit mo rito tapos occupy mo ang kuwarto ni Lalaine,” sabi ko kay Nectarine.
Hindi na naman uuwi si Lalaine. Kung magbabakasyon dito, baka matagal pa. It’s better kung si Nectarine na lang muna ang gagamit sa naiwan niyang kuwarto. Malinis naman ‘yon.
“Are you sure?” He looked hesitant.
Dahan-dahan akong tumango. “Mukha bang hindi? Para kapag pupunta ka rito, hindi mo na kailangan magdala ng damit.”
Dahan-dahan siyang napangiti habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang balakang ko at hinimas-himas.
“Parang live in?” Kung saan-saan na yata agad nakarating ang imagination niya.
Piningot ko siya. “Para hindi ka na palaging nagdadala at nag-uuwi ng gamit. Iyon lang. Live in ka riyan!”
Inalis niya ang kamay ko sa kaniyang tainga at nilagay sa batok niya. Napapikit ako nang dumampi sa noo ko ang malambot niyang labi. Dahan-dahang pumulupot ang kamay niya sa bewang ko.

BINABASA MO ANG
Later It Ends (Alimentation Series #3)
General FictionALIMENTATION SERIES #3 Broken family, a manipulative mother, guilt tripper sibling, criminal father, and a cheating boyfriend. Shantelle was so unfortunate to have those in her life. For all she knows, she was really unlucky. And even though her lon...
Chapter 40
Magsimula sa umpisa