Content Warning: exchange of harsh words, confrontations, physical violence (slapping) —this chapter is extra long.
"Bakit kayo nandito? Ginugulo niyo kwarto ko." Sinamaan ko silang lahat ng tingin. I planned on staying in bed the whole day. Saka ko na aasikasuhin ang mga namiss ko sa school. Gusto ko muna magpahinga. Ang sabi ko kay nila Myrene padamay na lang ng excuse letter ko pero nagulat ako bigla noong pumasok sila dito e ang alam ko may mga pasok 'to?
Nag-cut daw sila, ngayon lang naman daw tas sinabi naman daw nila kay Kian kaya ayos lang 'yon. "Inaabuso niyo na kabaitan ni Kian, ah?" Agad na pinagalitan ko 'yong dalawang babaita na kinakalikot 'yung mga stuffed toys ko. "Ano ba! Miss ka namin bakit ba?!"
Kasama rin nila si Red. Si Red, puro cutting naman talaga 'to mula high school pa pero himala na hila niya rin si Kei?! "Bad influence ka." He slammed his hand on his chest, acting like he was deeply offended with what I said. "Nakakasakit ka na talaga ng damdamin, bawiin mo 'yon!"
"He didn't force me into this. I just heard him talking to Erin and Myrene and I invited myself and offered to drive them here since we live in the same neighborhood. Plus, this is my first cut anyway." Kei calmly explained. Nakita ko pang bumelat si Red sa likod niya kaya napairap na lang ako.
May sakit rin kasi talaga ako kaya si Kei nag-doctor mode bigla. Sinabi rin kasi ni ate sa kanya na may sakit ako. The whole day they kept me entertained in my room. Nagdala pa si Red ng mga baraha. Tinuruan niya pa sila Myrene maglaro ng Pusoy Dos at Bullshit.
Mamaya tinawag na kami ni mama para kumain sa baba. Ako na nagpumilit na maghuhugas ng pinggan pagkatapos kumain. Pero tumulong din si Kei na maglinis tutal doon siya masaya. "You can go ahead and follow them outside. I'll just finish drying these up." Utos ni Kei habang may hawak na twalya na pangpunas niya sa mga basang plato.
I washed my hands first before following where my other friends were. I'm sure they were playing badminton. That's what they talked about awhile ago, so I assumed they were. Pero paglabas ko sa garahe, nag-uusap lang pala sila habang naiwan sa tabi ang mga badminton racquet nila. They haven't noticed my presence yet so they continued their discussion.
"Gago? Gusto ko magalit. Kung hindi lang 'yan babae, susugurin ko 'yan." I didn't know what they were talking about but I silently scoffed when I heard Red say that. Kahit lamok 'di niya kaya patayin. "Akala ko ba kaibigan niyo 'yon?"
Nagkasalubong ang dalawang kilay ko. Sino tinotukoy nila?
"Hindi na. Wala kaming kaibigan na traydor." Ramdam ko ang gigil at galit sa tono ni Erin. Mahigpit pa ang hawak niya sa shuttlecock na parang malapit na niya masira ang hugis noon.
"How can she do that? Alam niyang sensitive topic 'yon kay Sab, e. At tayo nga lang ang may alam sa nangyari. Sab has been nothing but kind to her! Pinayagan na nga niya si Cole na tulungan siya na kahit parang nakikihati na siya sa jowa ng iba tapos ganito ang isusukli niya? Lakas loob niya ibackstab best friend ko, ah?!"
They were talking about Miguella. Ever since then, Myrene had really been suspicious of Miguella and her intentions with Cole. Openly 'yan nagtataray sa kanya sa classroom. Ano nanaman 'tong sinasabi nila? Anong backstab?
"Paano niyo nalaman na siya nagkalat noon?" It was Red who asked.
I was slowly connecting the dots. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinakatayuan ko ngayon na naiintindihan ko na kung ano tinotukoy nila. "I couldn't just stand there and do nothing. Sab broke down because of it. Kaya tinanong ko sa mga nagbubulungan noon kung kanino nila narinig 'yon. Pinilit kong sabihin nila sa akin. Tapos ayun nga, kay Miguella nga raw galing—"

BINABASA MO ANG
Map of the Lost
Romance┊┊? EL CASA SERIES #1 ★ Entrepreneurship student Sabrina Elaine Buenavista was always been hesitant about taking new paths. The hesitance extended to college, career planning, and, of course... relationships. She was not the type to be ready for co...