Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi dahil doon. Ophthalmologist? Hindi ba't para sa mata iyon?
Katulad ng sabi ng doctor na kumausap sa akin ay hinatid ako ng isang nurse sa second floor, kung saan ipapasa ako sa isa pang doctor para naman sa mata. Nang makapasok kami roon ay sinenyasan ako ng nurse na maupo muna sa visitor's chair habang may ipinapaliwang siya sa naabutan namin na doctor doon.
Sandaling binasa ng babaeng doctor ang mga result ko, may mga notes pa siyang ginagawa sa isang malinis na papel sa gilid kaya mas lalo akong kinabahan.
"Hello, how are you, Miss Naligo?" panimula niya.
"Hmm, okay naman po, pero Mavis na lang po, Doc," asiwang sabi ko.
Tipid siyang ngumiti, sa tingin ko'y nasa late forties na siya.
"Okay, Miss Mavis... I will be straight to the point and honest with you." Deretsyo niya akong tinitigan sa aking mata. "Based on the findings of the tests that we conducted, you are diagnose with malignant ocular melanoma in your right eye."
Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react nang sabihin niya iyon lalo't wala akong masiyadong maintindihan, bago lang sa akin ang salitang iyon pero alam kong hindi magiging maganda kung ano man iyon.
Ilang beses akong huminga nang malalim upang pakalmahin ang aking sarili.
"A-Ano pong ibig sabihin? Ocular Melanoma?"
Tumango siya. "It's a rare eye tumor. The melanocytes, which are the cells of the body that produce pigment... arise. It occurs when the DNA of the pigment cells of the eye develops errors."
Sandali akong natulala, may ipinakita siya sa aking picture ng eyeballs sa kaniyang monitor.
Tumor... may cancer ako.
Para akong nanghina nang marinig ang balita na iyon.
"Uhm... wala naman po akong nararamdaman sa... sa mata ko na gano'n kalala, minsan lang nanlalabo at sumasakit po ang ulo ko," pag-aamin ko.
Baka nagkakamali lang sila, baka hindi naman cancer.
Unti-unti akong natauhan, naisip kong 'yong mga simpleng sakit ng ulo ko noon ay hindi stress kung hindi mga sintomas na ng cancer na ito.
"Maraming maaaring sintomas na hindi mo lang napapansin, Miss Mavis... Based on this result, your tumor is in the back of your right eye, in the choroid layer, and going towards your optic nerves."
Kaagad akong binalot ng kaba, kaagad kong naisip ang bata sa sinapupunan ko at si Draco.
"M-Maaapektuhan po ba ang baby ko?"
Malakas siyang bumuntonghinga. "As of now, you need to get your MRI and CT scan. This cancer can metastasize throughout your entire body, including your brain, lungs, or even your spine, if not treated early. Kaya kailangan natin malaman kung anong klaseng treatment or surgery ang gagawin, hindi na lang mata at buhay mo ang nakasalalay rito, may bata na kasama, mas delikado lalo't nasa first trimester ka pa lang," seryosong sabi niya.
Hindi ako nakapagsalita kaagad.
"Can surgery be delayed until the second trimester to minimize risk of my baby, doc? K-Kung maapektuhan na po ang baby ko... hindi na po muna ako magpapa-opera..."
Nakita kong malakas siyang bumuntonghininga.
"In your case, your tumor spreading faster, Miss Mavis."
"Ano pong ibig niyong sabihin? Na kailangan ko na talagang magpaopera? P-Pero 'yong baby ko..." nangilid ang aking luha.
"Hindi ko ito sinasabi para matakot ka, Miss Mavis kung hindi para maging handa lalo't may bata sa sinapupunan mo. Lalo na kung dadating ang panahon na kailangan mong mamili. You need your next checkup so we will know what kind of treatment you need. This is a high-risk situation, so I want you to be prepared for whatever happens."

BINABASA MO ANG
Conrad Series 2: The Preacher
General FictionConrad Series 2: THE PREACHER ??? Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry. Ang mga patay ang dahilan kung bakit siya nabubuhay, dahilan kung bakit sila nakapagpatayo ng bahay...
KABANATA 27
Magsimula sa umpisa