抖阴社区

TWENTY FIVE: Prince Charming

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakit kaba kasi nagpapadala sa emosyon mo?!

Ang totoo kasi niyan inis padin ako dahil sa ginawa niya sa cookies ko at mas lalong nadagdagan yung inis ko sa ginawa niya ngayon.

Halata naman na nagulat ko siya sa sinabi ko. Huh! Kala mo hindi ko nakita yun ha!

"So it was all about that huh?" he smirked. "Masasarap na pagkain lang ang alam kong kainin." Cool na sabi niya.

"Wow ha! Ni hindi mo naman tinikman paano mo nalaman na hindi masarap yon?! Kailangan talaga itatapon pa sa basurahan?!"

"Sa susunod kasi wag kang magbibigay kung napipilitan ka lang!"

"Sinong may sabing napipilitan lang ako?! Pinaghirapan ko kayang ibake yun!" I whined.

Natahimik kaming dalawa ni devil sa sinabi ko. Pabo! (Stupid) Yuri! Bakit ba ang big deal sayo ng cookies na yon?

"Are you guys fighting?" nagulat kami pareho ni devil sa boses ni mommy.

Bigla akong hinatak ni Kent palapit sakanya tapos inakbayan niya ako.

"Hindi po tita. Nagulat lang po si Seven na nagpunta ako dito."

Akalain mong marunong pala siyang rumespeto.

"Ah. Sige I'll leave you guys alone muna. Nice meeting you again Kent." My mom said then she left.

Tinanggal ko yung pagkakaakbay sakin ni Kent at hinarap ko ulit siya.

Huminga ako ng malalim. Palalagpasin ko na yung ginawa niya sa cupcake ko tutal ang isyu dito eh yung ginawa niyang pagpapakilala bilang boyfriend ko.

"Bakit ka ba nandito devil? At bakit ka nagpakilala na boyfriend ko?" Inis na sabi ko.

"Tch. Ano gusto mo sabihin ko? Classmate mo ko? Yun lang? Tingin mo ba maniniwala sila na classmates lang tayo pag sinabi ko yun? Syempre, in order to have fuller access sayo, eh pati bahay mo ininvade ko na."

Ugh! I hate him now!

"G-ASTERISK-G-ASTERISK!" i shouted. Hindi ko kasi mabuo yung word na yun. (G*G*) lalo na't nandito kami sa bahay.

Kent laughed as hardly as he can. probably thinking that I'm pathetic for not saying the word correctly.

Masaya siya? Pwes ako hindi. Strike two na siya.

"Stop this devil. I'll be your slave but I'll never be your girlfriend" seryoso kong sabi.

Hindi ko nagustuhan yung ginawa niya. Wala sa usapan na magpapakilala siyang boyfriend ko sa pamilya ko.

Biglang lumambot yung expression niya.

"Sev--"

"Umalis ka na." sabi ko bago pa siya makapagexplain. Hindi na siya nagsalita. Yumuko lang siya at umalis na din.

"Ano yun nabasted?"biglang sumulpot si oppa sa likod ko.

Narinig kaya niya lahat ng pinagusapan namin?

"Kanina ka pa ba jan oppa?" kinakabahan ako.

"Ngayon lang. Bakit umalis yun ng mukhang nalugi? Binasted mo na?"

Hay buti nalang wala siyang ibang narinig.

"Nope." I said shortly. Ayokong magexplain na hindi ko naman talaga manliligaw yun.

"I don't like him" nagulat ako sa sinabi ni oppa.

First time ko kasing naramdaman na protective siya sakin. Siguro kasi first time din naman na may humarap sakanya na nanliligaw sakin kahit hindi totoo.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon