抖阴社区

TWENTY FIVE: Prince Charming

Magsimula sa umpisa
                                    

Naisip ko tuloy si Nico. Magustuhan kaya siya ng kapatid ko?

"Bakit naman?"

"He's a bad boy. Sasaktan ka lang niya" pagkatapos niyang sabihin yun umalis na din siya.

Paano naman niya nalaman na bad boy si Kent? Dahil siguro sa itsura niya.

***

Dahil sa ginawa ni Kent kahapon, hindi ako tinantanan nila mommy sa pagtatanong tungkol sakanya. Kahit alam nila kung sino talaga siya, tanong sila ng tanong kung paano daw nagkagusto sakin yun. Kahit din ilang beses kong ideny sakanila na hindi talaga nanliligaw sakin si Kent eh kinukulit padin nila ako. Kaya nga ang aga kong umalis ngayon para pumasok. Hindi na ako nagbreakfast para makaiwas sa panggigisa nila. No choice tuloy ako kundi maglakad.

They know that he's Kent Matthew Mendoza. The whole country knows. Well, except from me, nuon.

"Hoy miss." napahinto ako sa paglalakad nung may tatlong lalaki na humarang sa dinadaanan ko.

Mukha silang mga gangster. Halatang mahilig makipagaway. tadtad kasi ng nga tatoo yung mga katawan nila.

Tumingin ako sa paligid ko to make sure kung ako ba talaga yung tinatawag nila.

"Hoy miss ikaw kausap namin. Ikaw lang naman nandito." sabi ni burdadong tabachoy.

Ang taba niya kasi tapos ang lalaki ng tatoo niya sa braso.

"Sana hindi mo nalang ako tinawag na miss kung iho-hoy mo lang din ako. Wala kang respeto." tinarayan ko siya.

Akala ba nila masisindak ako sa itsura nila?

"Aba't keliit liit mo sumasagot ka pa!" susugurin na ako ni tabachoy pero pinigilan siya nung kasama niya.

Si burdadong tingting. Payat kasi.

"Miss nasaan ba yung boyfriend mo ha?"

"Boyfriend? Nanadya kaba? Tanggap ko na forever alone ako tapos tatanungin mo kung nasaan boyfriend ko?!"

Nakakaasar kasi. Tanungin ba naman ang single na tulad ko kung nasaan daw boyfriend ko. Bastos.

Tanungin nila ulit ako pag sinagot ko na si Nico. pft!

"Wag mo na siyang pagtakpan kung ayaw mong masaktan." pagbabanta niya sakin.

"Wala nga akong boyfriend! Sino bang boyfriend yung tinutukoy niyo? Akin na at majowa para magtigil kayo!"

"Si Kent!" Sabi nung isa na kasing tigas ng walis ang buhok.

Ano?!

"Si Kent? Boyfriend ko? Kahit na gumunaw ang mundo hinding hindi ko magiging boyfriend yun no!"

"Ang galing mo naman magmaang maangan. Sabihin mo na kasi kung nasaan siya!" bigla akong hinawakan sa kwelyo ni tabachoy.

Halatang galit na galit sila at desperado silang makita si devil. Ano nanaman ba kasing gulo ang pinasukan nun at pati ako nadadamay?!

"Hindi ko alam kung nasaan siya! At hindi ko siya boyfriend no!" Sabi ko habang pinipilit makawala sa higpit ng pagkakahawak sakin.

"Sinungaling! Alam namin na ikaw yung girlfriend niya! Kaya pwede ba kung mahal mo pa ang buhay mo at buhay ni Mendoza eh sasabihin mo ngayon kung nasaan siya!"

Halos hindi ako makahinga kasi nasasakal ako sa pagkakahawak niya sa kwelyo ko. hindi ko nadin maabot yung sahig kasi naitaas na niya ako.

"Hi-ndi ko n-ga a-a-la-m" I weakly said. Bi-bita-wa-n mo ko." Pagpupumiglas ko.

"Ah ganun? Tutal wala ka naman palang silbi eh buburahin ka nalang namin sa mundo." parang anytime pwede na akong malagutan ng hininga sa higpit ng pagkakahawak niya sa kwelyo ko.

I wanted to shout for help pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko at hinang hina ako dahil hindi na ako makahinga.

Lord please, kung ibibigay niyo po sakin yung prince charming ko pwede po ba ngayon nalang?

"Kawawa ka naman. Hindi ka na makakapagpaalam sa boyfriend mong kupal"

Alam ko katapusan ko na. I can barely see his fist curled up ready to hit my face.

I was ready for how painful it would be pero bigla nalang...

*boogsh*

"You fvckin pig! Let her go!" out of nowhere someone came to rescue me.

He punched him hard kaya nabitawan niya ako at bumagsak ako sa sahig.

I'm nearly fainting at hinahabol ko yung hininga ko kaya hindi ko masyadong makita kung sino yung lalaking nagligtas sakin.

He was still fighting with those three bad guys at wala silang laban sakanya. Kahit magisa lang siya parang walang kahirap hirap para sakanya na patumbahin yung tatlong lalaki.

Likod lang niya ang kita ko and I can barely get up dahil hinang hina padin ako.

He punched them, kicked them. and then punched them again. The three guys were already crawling in their own blood pero mukhang walang balak tumigil yung lalaki na bugbugin sila.

Gusto ko siyang pigilan kasi parang makakapatay siya sa galit

"St-st---" sht! Hinang hina ako para magsalita. But I have to. I can't stand seeing him nearly killing those guys.

"STOP IT PLEASE!" dun ko binuhos lahat ng natitirang lakas na meron ako.

And thank God that he stopped .

He was walking towards me now. Hindi ko parin makita ng malinaw yung mukha niya.

Inangat niya yung ulo ko and he finally spoke.

"I'm sorry for coming late Seven."

That was the last thing I heard bago ako tuluyan nang mawalan ng malay.

And with that voice, I know who God had sent.

A/N: sino kaya si prince charming?
What team are you on? #SevEnt or #YuLo???
Happy 1,000+ reads! Waaahh!

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon