Napatingin ako dun sa lalaki na bugbog sarado kay devil. Ika ika siyang naglakad at nung nakita niya ako bigla siyang nag smirk ng nakakatakot at automatic na nagsitayuan ang mga balahibo ko.
Kilala ba niya ako?
***
Hindi ko padin maiwasan isipin yung nakita ko kaninang umaga sa hallway. Hanggang ngayon iniisip ko padin kung bakit ganun nalang yung galit ni devil dun sa lalaki. Ano bang ginagawa nun sakanya? At sino ba yung sinasabi niya na nagutos dun sa lalaki at hindi na paglalamayan kasi deretso na siya sa impyerno?
Aish bakit ko ba iniisip si Kent? At bakit parang nagaalala ako sakanya nung nalaman ko na may gustong manakit nanaman sakanya? Bakit naman kasi hindi siya nauubusan ng kaaway. Geez!
"Yuri!" Tawag sakin ni Kahi nung palabas na ako ng school gate.
"Oh bakit hingal na hingal ka ata?" Paano kasi daig pa niya ang sumali sa marathon .
"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka lumilingon. Ano bang iniisip mo ha?"
Kilala talaga ako ni kahi.
"Wala akong iniisip. Di ko lang talaga napansin na tinatawag mo ko." i denied.
"Nabalitaan mo ba yung nangyari kaninang umaga? May na bully nanaman daw si Kent ah."
"Oo. I was there. Nakita ko."
"Bakit kaya? Ano kayang atraso nun kay Kent? Ang tagal ng walang binubully si Kent pero bakit kaya nagsisimula nanaman siya ngayon?" Nagtatakang tanong ni Kahi.
Pansin ko nga na ang tagal ng hindi nambubully ni Kent. Ako lang ang lagi niyang binubully.
"Hindi ba nasabi sayo ni Kirby yung dahilan? Mukha kasing may alam siya kasi galit na galit din yung tingin niya dun sa lalaki kanina eh." Sabi ko.
"Ano?! Pati si Javier nakipagaway?!"
"Hindi. Nasa gilid lang siya ni Kent pero mukhang galit din siya dun sa lalaki. Ang sama kasi niya makatingin." i explained.
"Nako! Yun talaga! Sabi ko naman wag siyang makikipagaway kasi baka lalo siyang pumanget pag nasapak siya eh!" Sus if I know concern lang siya kay Kirby.
So hindi din pala sinabi sakanya ni Kirby. May alam din kaya dito ai Nico?
*beeeeeeppppp*
Nagulat kami ni Kahi nung biglang may sumulpot na sasakyan sa harap namin.
"Oppa?!" Gulat na sabi ko pagkababa nung sakay ng kotse.
"O bakit parang gulat na gulat ka pito pito?" Tanong niya sakin.
"Bakit ka nandito?"
"Sinusundo ko kayo." Matipid na sagot niya.
"Sinusundo kami?"
"Oo. Kayo ni Kahi"
Napatingin naman ako kay Kahi na hindi makapagsalita dahil sa sinabi ni oppa.
"Ako? Kasama ako? Sinusundo mo din ako?" Sunud sunod na tanong ni Kahi na hindi makapaniwala.
"Ang kulit niyo no? Sakay na nga! Maglalaro tayo!" Pagaya ni oppa.
"MAGLALARO?!" sigaw namin pareho ni kahi.
"Oo. Parang dati lang. Tara na!" hinila na niya kami pasakay ng kotse.
Ano kayang trip niya at bakit gusto niya kami kasama ni Kahi ngayon? Pero ayos lang nakakatuwa lang kasi ang tagal din namin hindi nakapunta sa lugar na yun. Ang tagal din naman hindi nakakapaglarong tatlo. At ok nadin ako para hindi ko na maisip yung nangyari kanina kay Kent.
***
"Wow!" Sabay kaming napanganga ni Kahi. Para kaming bata na amuse na amuse favorite place kasi namin to simula bata eh.
"Ang tatanda niyo na amaze na amaze padin kayo dito sa Enchanted Kingdom?" Pangongontra ni oppa. Bakit ba? Pag nandito kasi ako feeling ko bata padin ako.
"Tara na! Gusto ko ng corndog! Namiss ko yun!" Sabi ko habang hinila ko silang dalawa papasok sa entrance.
Pagpasok namin ang saya lang. Naalala ko yung carnival sa Korea. Parang ganito lang. Feeling ko talaga bata ulit ako.
Nagmadali akong bumili ng corndog sa lagi kong binibilhan. Eto kasi yung kinakain ko sa tuwing pumupunta kami dito. Ang sarap kaya lalo na pag madaming mustard at ketchup.
"Miss dalawang corndog po!" Masiglang sabi ko.
Agad naman kumilos si ate at prinepare yung order ko.
"Here's your order ma'am" sabay abot niya sakin nung corndog na umaagos pa yung mustard.
"Magkano po?"
"200 pesos po." nagabot naman ako ako sakanya ng 500. dati lang 30 pesos lang isang corndog ngayon triple na yung presyo.
Excited akong bumalik kung saan ko iniwan si Kahi at oppa pero bakit wala sila?!
Bakit nila ako iniwan?! Sabi ko wag silang aalis eh! Bumili lang ako ng corndog saglit tapos wala na sila. Excited na excited lang sumakay sa rides?
Naglakad lakad ako pero hindi ko talaga sila makita. Bata palang kami hilig na nila ako taguan. Pero ang kaibahan lang dati umiiyak ako ngayon naman syempre hindi na no.
Palakad lakad lang ako habang kinakain ko yung corndog. "asan naba sila?" Tanong ko sa sarili ko.
Medyo kinabahan ako kasi iniisip ko paano ako uuwi kung iniwan nila ako. Hawak hawak ko yung angel necklace ko. Sa tuwing kinakabahan ako at nalulungkot ako eto lagi yung hawak ko nung bata pa ako. Akala ko nawala na siya simula nung naglipat kami ng bahay pero bigla ko nalang siya nakita nung nagaayos ako ng gamit.
Kamusta na kaya siya? Malamang kaedad ko nadin siya ngayon.
Napangiti ako nung naalala ko siya. Yung taong nagbigay sakin ng necklace na to. 12 years na pala. Kung hindi kaya kami nagpunta ng Korea magkaibigan padin kaya kami?
I remembered, dito ko siya nakilala at dito ko din siya huling nakita.
"Oh my!"
Nabalik ako sa katinuan nung biglang may mga batang nakabunggo sakin dahil sa paghahabulan nila at aksidente kong napwersang hatakin yung necklace ko kaya napatid siya at nahulog.
Hala! Nasaan na yun? Hindi pwedeng mawala ulit sakin yun!
Halos gumapang na ako sa Enchanted para lang mahanap yung angel necklace ko. Malamang nung napatid siya nasipa sipa nadin siya nung mga batang naghaharutan kanina.
Nakatungo ako habang hinahanap sa sulok sulok yung necklace ko nang bigla akong nabunggo sa pader kaya napaupo ako.
Bakit naman nasa gitna ang pader dito sa EK?
Pagangat ko ng ulo ko, hindi ko inaasahan yung nakita ko. Sa isang tao pala ako nabunggo hindi sa pader. Sana nga sa pader nalang ako nabunggo eh!
Kung mamalasin ka nga naman oh!
"DEVIL?!"
A/n: i'll try to have fast updates 😂 comment please???? I'd like to hear it from you guys 😘

BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...
TWENTY SEVEN: Frozen
Magsimula sa umpisa