"Aish! Nevermind! Panget mo!" Inis na sabi niya.
"Alam mo ang labo mo! Pinapunta moko dito para laitin lang?! Wow ha! Diyan ka na nga!" Inalis ko yung glasses at tali ko at tumayo sabay naglakad papunta sa exit.
Nakakinis si Kent! Sayang siya ng oras eh!
Paglapit ko sa exit ng gym hindi ko mabuksan yung pinto. Hala! Sira ba to? Kanina naman ok to ah! Dito pa nga ako nakapasok. Sinubukan ko ulit buksan pero ayaw talaga! Parang naka lock!
"Hoy stupid ano bang ginagawa mo jan?" Lumapit sakin si Kent.
"Eh devil ayaw bumukas eh!" Tumingin ako sakanya at parang mangiyak ngiyak nako.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Tinabig niya yung kamay ko at sinubukan niyang buksan yung pinto.
Nagiba yung itsura niya nung hindi din niya mabuksan yung pinto.
"Sabi sayo naka lock eh!" I whined. Panic mode na ako dito si devil naman pilit padin binubuksan yung pinto.
"Guard! Kuyang janitor! May tao po dito! Tulong!" Sigaw ko habang pinupukpok yung pinto.
"Kuya! Pabuksan naman yung pinto! May tao po dito! Na trap po kami!" Hindi ako tumitigil kakasigaw
"Wag kang magulo jan! Hindi ka nila maririnig! Soundproof kaya tong gym! Kasalanan mo kaya ayaw bumukas eh!" Tignan mo to ako nanaman nasisi.
"Bakit ako?"
"Eh sino bang huling pumasok? Diba ikaw?!"
"Wala naman akong ginagawa ah! Ok pa naman yun kanina pagpasok ko eh!"
"Tch!"
Lumayo nadin siya sa pinto at umupo sa gilid tapos yumuko. yung ulo niya nakasandal sa dalawang tuhod niya. Ganun nalang yun? Wag mong sabihin balak pa niyang umidlip dito!
"Hoy devil anong ginagawa mo jan?! Buksan mo na yung pinto!"
Inangat niya yung ulo niya at tumingin sakin. "Gusto mo talaga makalabas?"
"Oo! Kaya gumawa ka na ng paraan para makalabas tayo. please naman oh." pagmamakaawa ko.
"Sige, ganito gawin mo. Lumabas ka tapos pumunta sa maintenance office at hingin mo yung susi ng gym. Naiintindihan mo?" He instructed calmly.
Nag nod naman ako. Tumayo na ako at pumunta ulit sa pinto, teka...
Lumabas ka tapos pumunta sa maintenance office at hingin mo yung susi ng gym.
Anak ng! Nadali nanaman niya ako dun! Stupid ko talaga! Paano nga ako makakalabas eh naka lock nga yung pinto?! Urgh devil!
Paglingon ko kay devil halos mamatay na siya sa kakatawa. anak ng siomai! Lagi talaga niyang pinagtritripan yung stupidity ko!
"Ang sama mo talaga!" Nanggigigil na sigaw ko sakanya.
"Grabe! Stupid mo talaga! Hahahaha!" Hindi padin siya tumitigil kakatawa.
Lumayo ako sakanya at umupo sa kabilang side ng gym. Bahala siya sa buhay niya! Epal talaga! Kasalanan niya to eh, kung hindi niya ako pinapunta dito edi sana hindi din ako nakulong. Lagot ka sakin pag nakahanap ako ng idea na gantihan ka!
Thirty mins na kami ni devil dito at nagdismissal nadin. Ni janitor or security wala man lang napadaan para buksan tong gym. Hindi kami nagpapansinan ni devil. Naglalaro lang siya sa phone niya, ako naman nakikinig lang sa music sa ipod. Naiwan ko kasi yung bag ko sa sa room at nandun yung phone ko.
Lagot ako kala oppa neto.
Ding! Bright idea! Bakit ko nga ba ngayon lang naisip to?! aish!
Lumapit ako kay devil.

BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...
TWENTY EIGHT: Stuck
Magsimula sa umpisa