抖阴社区

                                        

Nang matapos ako ay agad kong inayos ang sarili ko at nagpasyang bubuksan na sana ang pinto ng cubicle pero may narinig akong mga babae na kakapasok lang din dito sa rest room at mukhang nag uusap.

"Talaga? Hindi ko nakita ang asawa ni Sir Theo dito" rinig kong sabi pa ng isang babae. Tansya ko mga apat silang pumasok dito.

"Hala dae! Maraming nag uusap doon sa may working area natin. Pumunta raw dito kasama ang anak nila ni Sir"

"Balita ko maldita daw iyon saka kung saan nag lalakwatsa, parang walang anak"

"Aba sinabi mo pa, rinig ko nga kung sino-sinong lalaki ang kinakasama kahit may asawa at anak na. Di marunong makontento, masyadong makati"

"Hala alam niyo naman kapag maagang nabuntis at hindi na enjoy ang pagkadalaga ay talagang kakarengkeng payan at kung kani-kanino payan titikim. Gusto sigurong tikman lahat ng putahe"

Rinig kong nagtatawanan ang mga kasama niya. Tumamlay ako bigla sa mga naririnig ko. Hindi ko alam na sa likod ng ngiting pinapakita ng ibang tao dito sa kompanya na nakakasalubong ko ay may nakatago palang lihim na masamang kwento tungkol kay Audrey.

Kahit na hindi ako si Audrey, tumagos parin iyon sa dibdib ko dahil ako na ngayon si Audrey kaya ako narin mismo ang sumasalo sa mga masasamang salita ng mga tao.

Ayos lang. Kaya kong isikmura lahat ng mga salita nila tungkol kay Audrey basta wag nalang nilang idamay sina Theo at Kaiden at baka hindi ko sila matansya.

"Hindi ba halos hindi din iyon nakatira sa bahay nila?"

"Talaga? Saan mo naman narinig yan?"

"Napag chismisan din kasi Si Sir Theo noon, nong may event na nangyari? Charity ball yata ang tawag doon tapos ang tema yata  ng  ball eh tungkol sa pamilya o partner"

"Oh tapos?"

"Walang kasama kasi wala ang asawa, siya lang mag isa. Parang pumunta na nga lang siya doon para magbigay respect nalang sa pag imbita sakanya, ni hindi nga siya umabot ng 30 minutes doon sa party. Umalis agad"

"Alam mo namang hindi maayos yang pamilya nila. Malay natin kaya nagkaganon nalang yung asawa ni Sir Theo kasi baka may kulo din itong si Sir"

"Ay correct ka diyan dae! May bali- balita masyado daw iyong obsessed sa asawa niya kaya ayon nasakal siguro ang babae kaya naglalakwatsa"

"Huy grabe naman"

"Sa tingin niyo sasama kaya iyong asawa ni Sir Theo ngayon sa darating nanaman na event?"

"Ewan ko. Kawawa si Sir, lagi ding napagchichismisan ng mga tao doon party"

"Alam niyo naman, laging may pakpak ang mga balita kaya kung saan-saan nakakarating"

"Hindi ba't dati ay nag away pa nga sila dito at saktong may nakakita kaya ayon kumalat agad. Ayon sa nakakita narinig pa niya si Madam Audrey na nagsabi na masyadong boring daw si Sir kaya hindi mo siya masisisi kung kani-kanino siya sumasama"

"Sayang kay gwapo at yaman pa naman pero wala rin naman kung di marunong"

Nagtawanan sila at parang ikinatagumpay pa ng buhay nila ang pagchismisan kami.

"Oo at gwapo iyong si Sir pero mukhang nasa ilalim ang kulo, wala tayong alam baka nga ay nananakit iyon"

Napahinga ako ng malalim at napapikit nalang sa mga naririnig ko tungkol kay Theo. Napakuyom ang dalawa kong kamao at pilit na pinapahinahon ang sarili.

"Kawawa ang bata nadamay sa kaguluhan nilang mag-asawa"

"Aba eh deserved lang ng batang iyon. Mukhang nagmana din sa nanay eh! ramdam kong spoiled brat at masungit "

When I Reincarnated As the Billionaire's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon