Talaga't dinamay niyo pa talaga ang dalawa!
This time ay di kona napigilan ang sarili kaya naman ay malakas kong binuksan ang pinto ng cubicle dahilan ng uma-alingawngaw ang ingay sa buong rest room dahil sa lakas ng pagkakabukas ko rito.
Napatalon sila sa gulat at biglang naestatwa ng makita nila akong apat.
Ilang segundo akong tumitig sa pagmumukha nilang apat saka ko sila binigyan ng isang matamis na ngiti. Napalingon ako sa repleksyon ko sa salamin at inayos muna ang buhok kong medyo nagulo.
Nagkatinginan silang apat at tila natakot sa kung anomang gagawin ko.
Inaayos ko pa nga lang ang buhok ko ay nababahala na kayo, what more kung magsalita na ako?
Biglang bumukas ang pinto at sabay kaming napalingon roon. Iniluwa nito ang isang matandang babae na nasa mid 40's na. Basi sa dala niyang mga material na panglinis at mop, halatang Janitor siya dito.
Tinignan nila kami isa't isa at mukhang hindi ako kilala nito. Mabuti naman. Medyo nagtaka pa siya, siguro nararamdaman niya ang kakaibang atmosphere dito.
"Ate ano yan?" tanong ko sakanya at tinuro iyong bitbit niyang clear na liquid na nakalagay sa isang spray bottle.
"Pampatanggal po ng dumi at pamatay bacteria ho Ma'am"
"Ah talaga po" lumapit ako sakanya at kinuha iyong spray bottle na siyang ikinataka niya. "Pahiram muna ako saglit Ate"
Huminga ako ng malalim bago ko hinarap ulit iyong apat na babae at hindi ako nagdalawang isip na i-spray ito sa pagmumukha at buong katawan nila na siyang ikinagulat at ikinasigaw nila dahil sa medyo nabasa sila sa pag spray ko.
"Ay mukhang hindi naman to effective ate. Tignan mo oh! Hindi pa rin namamatay ang mga Bacteria" giit kong sabi sa huling salita na sinabi ko habang nakatitig sa apat na babae.
Nakita ko ang kaba sa pagmumukha nila na medyo may bahid na inis. Napataas ang kilay ko kaya naman ay padabog kong inilagay itong spray bottle sa restroom sink na siyang ikinagulat nila dahil sa ingay na nilikha nito.
"Sa susunod na mag chichismisan kayo, make sure na kayo-kayo lang yung tao, hindi itong nandito ako at kung ano anong mga pinagsasabi ninyo na hindi naman totoo" napayuko sila at mukhang natakot sa tono ng boses ko.
"Tatandaan ko yang mga mukha ninyo at sa oras na makita ko ulit kayo? I think hindi ko na kailangang sabihin. Alam niyo na siguro ang kakaharapin ninyo pag kinalaban niyo ako right?"
Nanatili silang tahimik.
"Nagkakaintindihan ba tayo?" giit kong sabi. " Ayaw kong hindi ako sinasagot pag may tinatan——
"O-opo Ma'am"
"Yes p-po Ma'am"
"Good" walang emosyon kong sabi at naglakad papuntang pinto pero bago pa ako tuluyang umalis ng rest room ay may pahabol pa akong sinabi kay Ateng Janitress.
"Ate, next time make sure na malinis yang rest room. Marami kasing mga bangaw, masyadong maingay!" Giit kong sabi saka padabog na isinirado ang pinto.
Nang makalayo ako doon ay tila parang gusto kong bumalik at manabunot nalang ng tao. Nakakainis! Kung makapanghusga sila akala nila nakatira kami sa iisang bubong. Mabait ako pero wag lang nilang subukang sagarin ang pasensya ko dahil lumalabas ang pagiging 'Audrey 2.0 ko'.
Ilang segundo muna akong nanatili dito para huminahon at mawala ang inis na nararamdaman ko kanina at nang mahimasmasan ako ng tuluyan ay naglakad na agad ako papuntang food stall pero hindi ko inaasahang may makakabangga akong tao.

BINABASA MO ANG
When I Reincarnated As the Billionaire's Wife
Romance(The cover is not mine, credits to the rightful owner) Life is too short and Camelle can't accept the fact why some other people just waste it. A girl named Camelle Ann Ramos was raised in an orphanage. She is kind and affectionate toward kids. She...
Chapter 7
Magsimula sa umpisa