抖阴社区

                                    

...

I woke up at my desk, realizing I must have dozed off during the night. Glancing at the clock, I saw it was already 7 in the morning, and I hurriedly left my room to head to the bathroom for a shower.

After a few minutes ay natapos na ako at pumili na ng damit while blowing my hair to make it dry.

I opted for a simple yet stylish outfit, pairing a white t-shirt with sleek black pants, tucking the shirt neatly into my pants and adding a black belt for a polished look. To prepare for the training in the afternoon, I also grabbed a turtle neck khaki coat, adding an extra touch of sophistication to my ensemble.

Bumaba na ako dala ang bag kong puno ng materials para sa paintings, nakahanda na ang breakfast pagkadating ko sa table.

That's why I like it here pag kasama ko sila mom because I don't have to cook for myself at hindi na ako namomoblema ng kakainin.

"Drink your coffee, sweetheart." Sabi ni mom while handing me the coffee she made.

"Thanks mom! I love you," sukli ko dito at nginitian niya ako. Napansin kong wala si dad kaya nagtanong ako.

"Asan pala si dad?" tanong ko.

"Your dad has an appointment with someone from US," Mom replied.

Naisip kong baka ayon nga ang ate ni Charlotte kasi galing raw sa US tapos si dad ang makakatrabaho.

Sana hindi tumawag ang gagang ʼyon mamaya baka ma-late na naman ako and btw hindi ko na nakikita si Raya, nasan na kaya ang gagang ʼyon?

Natapos akong kumain at nagmamadali ng lumabas na mansion. Nagmamadali akong sumakay ng kotse may isang oras at kalahating minuto pa akong babyahiin para makarating sa University.

Bakit ba ang layo ng Silvestre.

Ginusto mo ʼyan Elie, wag ka na magreklamo!

Nasa kalagitnaan ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, napapikit ako, sigurado akong ang bruha na naman ʼyan.

Tiningnan ko ang pangalan ng tumatawag at hindi ako nagkakamali, si Charlotte na naman.

"Anooooooo?" tanong ko sa kabilang linya, magpapasundo na naman ʼtong bruha na ʼto.

Tumawa muna ito bago sumagot sakin, "Wala ingat ka! malapit na pala dumating si Ma'am Rhea, malalagot ka na naman Ms. Mercedez HAHAHAHAHAHAHAHA" sabi ni sabay tawa at baba ng call.

Napapikit ako sa inis, sarap talaga tanggalan ng balat ang babaeng ʼyon!

Tumingin ako sa orasan at alas nuwebe na pala pero malapit naman na akong makarating sa unibersidad. Konti nalang at sanaʼy hindi ako ma-late.

Papasok na ako sa gate nang may nahagip ako imahe ng babae, naglalakad ito papasok ng gate, I stopped the car and squint my eyes to clarify the person.

"Raya?" tanong ko dito.

Napatingin naman agad ito sakin saka dali-daling pumasok ng kotse ko kasi hindi pa naman ako pumapasok sa gate.

"Thank God!" she exclaimed, halatang pagod.

"Anong nangyari sayo? saka bakit ngayon lang kita nakita ulit?" tanong ko sa kanya.

Mas inuna niya pa ang manalamin at mag lagay ng lipstick keysa sagutin ang tanong ko.

"Nag vacation kami sa Hawaii at na-stranded ako mag-isa kasi nawala ang passport ko," sagot nito sakin sabay lagay ng make ups niya sa bag nito.

"Tanga kasi. Asan ang sasakyan mo at bakit naglalakad ka?" tanong ko, pumasok na kami sa gate at papunta na sa parking lot.

Sinking Deep (GL)Where stories live. Discover now