抖阴社区

                                    

"Naka enroll ka na ba?" Tanong niya habang hinahaplos yung buhok ko.

"Oo, malamang. Mas nauna ako pumunta dito kesa sayo eh. Pero kay Kuya Zac muna ako nag stay nung nauna ako." Kako naman na kinatango niya.

"How about you?" Tanong ko naman.

"Mage enroll ako bukas. Samahan mo ako." He said as I nodded and lied my head on his chest.

"Kain tayo sa labas mamaya, libre ko." Sabi niya na kinanguso ko.

"Excuse me but you may be richer than me pero I'm also rich kaya. I can buy my own food." Kako na kinatawa niya. Ang hilig mang spoil eh parang gago.

"Sure. Half half nalang tayo." He said as I smiled.

"Isabay nadin natin yung pagbili ng grocery natin." I said as he hummed.

Later on we heard a knock on the door. Ang aggressive ah parang masisira na yung pintuan eh.

"Wag ka ganyan papasukin mo kami par." A guy pushed Wallace out of the way and came inside. Dalawa sila and mukhang sila yung Eiji and Jio na sinasabi ni Wallace sakin. I mean nakita ko naman na sila sa mga group pictures nila pero hindi ganoon yung mukha nila sa personal eh.

Nung makapasok sila they froze when they saw me. Ops, well wala namang case na malaman nila kase nasabi ko naman na kay Flynn yung tungkol sa amin. It won't be a hassle kung malaman ng one or two friends niya.

"Tangina, sabing wag muna pumunta dito hanggat sinasabi ko eh." Wallace hissed and closed the door behind him.

"Gago kakapasok pa lang natin sa college may babae ka na." The guy na mas matangkad said. Luh, nakaka offend naman ito. Hindi ako babae ni Wallace pota. My forehead creased and Wallace saw that so he laughed.

"Sino yan gago?" Tanong naman nung isa. Sana nag ayos nalang talaga ako nung kwarto ko.

"She's..........." He looked at me so I raised a brow at him.

"Nililigawan ko." Sabi niya na kinalaglag nung panga nung dalawa.

"Tangina ka ba? Wag mo kami ginagago." Sabi naman nung diko alam kung sino yon basta yung mas matangkad.

"This is Jio." He pointed at the mas matangkad na lalaki. Ah, Jio pala so si Eiji yung mas payat na mas maliit.

"And Eiji." He pointed at the other one. I nodded.

"This is Kriszchna Zeyn Lazaro." He held my waist and grabbed me closer to him.

"Yung kaibigan ni Chrizzna?!?!" They exclaimed as Wallace massaged his head and sighed as I just laughed.

"Sabihin mo sa amin, Kriszchna." Jio said as I smiled.

"Just Ishna is fine." Kako naman. It just doesn't feel right sometimes kapag tinatawag ako sa buong pangalan ko. Parang nahihirapan sila mang pronounce non eh.

"Ah, Ishna. Sabihin mo samin. Ginayuma ka ba ni Wallace?" Tanong ni Jio na kinatawa ko.

"Gago ka ba? Mukha ba akong nangga gayuma?" Inis na sabi ni Wallace.

"Eh sa ang ganda niya eh. Mukhang hindi ka magugustuhan. Tsaka ang red flag mo kaya. Kaya hindi ka pinili ni Chrizzna." Sabi naman ni Eiji na kinasimangot ni Wallace.

"Bakit sinabi ko bang nasa option ako ni Chrizzna? I don't like her that much para makipag agawan ako kay Jace. It was just infatuation." Sabi niya tsaka naman tumango tango yung dalawa.

"Pero ang red flag ni Wallace. Anong nagustuhan mo sakanya Ishna?" Tanong ulit ni Jio sakin.

"He's not red flag though. Binibigay niya sa akin yung mga notes niya kapag busy ako sa student council." Sabi ko naman na kinalaglag ng panga nila. Is it that unusual?

"Gago? Nagno notes ka?!" Gulat na tanong ni Eiji. Why the heck do they look so surprised? Parang ang imposible ng mga ginagawa ni Wallace eh.

"Oo malamang. I just did kase sinabi niya tsaka alam kong busy siya sa council nila. Magkaparehas naman kami ng strand so same lessons lang. Binibigay ko yung notes para maka catch up siya sa lessons." Sabi niya tsaka pinatong yung ulo niya sa ulo ko and wrapped his arms on my waist. Ano ba naman to ginawa na namang patungan yung ulo ko. Hindi naman mabigat pero ang liit ko kase tignan sa ganoon.

"Thank you sa pagpasok sa buhay niya, Ishna. Nagbago na siya ng tuluyan at naging masipag pa sa pagno notes. Maraming salamat talaga." Jio said and was about to shake my hand pero tinabig ni Wallace.

"She's off limits. Di pwedeng hawakan ng mga taong ayoko." Sabi niya na kinabuntong hininga ko.

"I'm sorry about that. Ang lakas kase ng tama minsan eh." Kako na kinatawa nilang dalawa.

"Hindi okay lang. I know the feeling." Sabi naman ni Eiji.

"We don't mind at all. Alam naman naming possessive siya tsaka may hinala na kami noon na may nagugustuhan na siya. Parehas lang sila ng Kuya niya magmahal. Sobrang possessive."

Endless Game (TRF#2)Where stories live. Discover now