"Hija! Limited edition lang to! Iisa lang to! Syempre kailangan masyos ang pipiliin Kong bumili Neto at ikaw ang Napili ko kaya ibibigay ko to sayo! Syempre sobrang ganda mo tapos pang model pa yung height mo! Mas Lalong mapapaibig ang lalake sayo kapag pinainom mo to sa kanya!" Paliwanag Niya sa akin at may kasama pang paggalaw ng kanyang Kamay.
Bumuntong hininga na lamang ako at sabay na nilabas ang wallet ko.
"Magkano ba ito manang?"
"Ten thousand pesos. Kung gusto mo bigyan kita ng fifty percent discount at ibibigay ko ito sayo ng five thousand pesos. Kung iboboto mo si Marie sa susunod na eleksyon" diretsahang Sambit nito. Laglag ang panga ko sa gulat dahil sa presyo Pati narin sa Sinabi niya.
"Huwao, need pa iboto si Marie para may discount?"
Si Marie ang tatakbong mayor dito sa aming bayan at kalaban Niya ngayon ang mayor na diktator na si Ogie. Pero ayun naman talaga ang plano ko na si Marie ang iboto ko. Nabubwisit na ako sa mayor na to, di man lang lumalago o inaayos yung kalsada. Kasi naman binubulsa niya yung pera ng bayan kaya walang improvement na nagaganap. Kainis.
"aba syempre! Manok ko Yun eh!"
Nakanamput-
"Ang mahal naman niyan manang, kahit five thousand napapamahal na ako dyan" ani ko sa kanya. Ngumuso si manang sabay yumuko.
"Sorry na hija, wala kasi akong makain ng ilang buwan, uhaw na uhaw na ako at may apo pa akong papakain, wala rin kaming masilungan na bahay dahil sa kahirapan. Tignan mo, uugod-guod na ako at may sakit na. Walang pera pambiling gamot. Maawa ka naman sa matanda hija. Okay lang naman kung hindi mo bilhin, ilalako ko nalang ito sa ibang customer na gusto itong makuha" mahinang Sabi Niya sabay nag-puppy eyes sa akin. Napabuntong hininga nalang ako.
Huwao, di ako aware na mmk pala to
Maam charo, pumasok ka na.
Maala-ala mo kaya~
Eme lang .
"Hindi ba ako maiiscam dyan manang? Mamaya hindi ma-fall yung lalakeng crush ko dahil dyan"
Tumawa siya ng mahina habang winawasiwas ang kanyang Kamay at umiling-iling.
"Ano ka ba! Mafafall sayo ang lalakeng iinom nito! Ihalo mo lang sa inumin Niya o di kaya sa kahit ano basta dapat ikaw ang una niyang makita! At kapag natupad na iyon Edi Sana all!"
"Ano ate? Bibilhin mo ba? Kung wala Kang Dalang cash meron ako gcash. Meron ako dito QR code para i-scan mo nalang. Meron rin ako paymaya, SSS, Pag-ibig, RCBC, MetroBank at marami pang credit card na pwede mo dun ihulog. If wala Kang ganun swipe mo nalang yung credit card mo dito may dala akong machine" Saad Niya sabay labas ng machine na ginagamit na pang-swipe sa credit card.
Nalaglag ang panga ko dahil sa ka-high-techan ng tinderang to. Biruin mo mas madami pa yung credit card nyang hawak kesa saken na nagtatrabaho bilang copywriter!?
"Wala na bang ibabawas yan manang? Gawin mo na two thousand five hundred. Oh di kaya five hundred Tas with refund kapag di gumana" Sabi ko sabay nag-puppy eyes.
"Ay kung ayaw mo dun ka sa quiapo at maraming nagtitinda dun ng gayuma. 5k na nga lang hinihingi ko sayo, nakakainis naman to mukha ka namang mayaman Pero kuripot" aba't!
Bumuntong hininga na lamang ako at kinuha ang five thousand sa wallet ko at Binigay sa kanya.
"Siguraduhin mo lang na tatalab to ah, mamaya hindi to tumalab" Saad ko at Binigay sa kanya ang pera. Malawak ang ngiti Niyang tinanggap iyon at Binigay saken ang kulay ginto na pouch na naglalaman ng thread of fate kuno na galing Kay kupido.
"Ano ka ba! Tatalab yan! Galing yan sa diyos ng pag-ibig eh!" Ani Niya. Napailing nalang ako at umalis na duon.
"Diyos ng pag-ibig. Tsk. Walang ganun
Kung meron man Edi Sana hindi na ako single hanggang ngayon"--------
Nandito ako ngayon sa office kung saan nagdududa parin ako kung tatalab ba tong strings of fate kemerut ni Kupido. Bwisit pang Isang buwan Kong pagkain yung binayad ko dito sa naman tumalab ka!
Lunch break ngayon kaya lahat ng mga co-workers ko ay pupunta sa cafeteria Pati narin si Lukas. Kaya pasikreto ko siyang sinundan. Pero habang sinusundan ko siya ay napatigil ako nang narinig ko ang Boses ni Olivia.
"AMANDA! TARA NA AT BAKA MAUBUSAN PA TAYO NG UPUAN SA CANTEEN!" sigaw Niya. Napapikit ako ng mariin at mariing kinagat ang ibaba Kong labi.
"Relax Amanda, don't choose violence. Hindi bagay ang katulad mong dyosa sa kulungan, okay? Breath in, breath out."
Mabilis akong humarap sa kanya sabay kinamot ang likod ng aking ulo sabay tumawa ng Peke.
"Haha~ kayo nalang muna ng jowa mo Busog pa kasi ako eh?" Ani ko sabay pumeke ng tawa. Pero mas Lalong kumunot ang noo ni Olivia at ang nakabusangot niyang mukha ay napalitan ng malaking ngising aso sa kanyang labi na umabot na hanggang Tenga.
"SUS! YUNG MATA MO LANG NABUSOG KAKATITIG KAY SIR HUGO! GRABE KA NA AMANDA PINAPAPAK MO NA SIYA SA UTAK MO!"
"Ikalma mo ang sarili mo Amanda, wala Kang hawak na Baril o kutsilyo para maisaksak sa bwisit na bibig ng kaibigan mo. Wag mong kunin ang fire extinguisher sa gilid para ibato sa kanya, okay?"
"Enjoy nalang kayo" ani ko sabay kumaripas ng Takbo paalis doon. Narinig ko pa ang malakas na sigaw ni Olivia Pero hindi ako tumigil sa pagtakbo.
Nang nakarating na ako sa canteen ay dali-dali akong nagtago sa may bush at tinignan si Hugo na nakapila. Nilabas ko sa aking bulsa ang pouch na may laman na strings of fate kuno. Ininom ko na ang Isa dahil kailangan daw konektado siya sa akin at mapapadali ang pag-fall Niya sa akin.
Habang iniimagine ko palang na may Pamilya na kami, may quintuplets na anak Tas may tatlong hamster, nakatira sa beach house, mapapatalon talaga ako sa tuwa.
Binalik ako sa aking huwisyo nang makita si Hugo na nag-oorder na sa counter. Nang natapos na siya ay umalis na siya duon at bumalik sa kanyang table.
Bago pa tawagin ng counter ang pangalan ni Hugo para kunin ang order niyang black coffee. Mabilis akong tumakbo at nilagay kaagad ang strings sa may kape Niya at umalis duon na walang nakakakita sa ginawa ko. At nang bumañik ako sa pwestong pinagtataguan ko. Mas Lalong lumawak ang ngiti ko sa labi at gusto ko nang tumalon sa tuwa nang hinawakan Niya ang kapebg nilagyan ko ng strings Pero nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa hindi ko inaasahang makita.
Papalapit si Mathew sa kanya at napag ulit ni Hugo ang kape Niya sa lamesa. Nag-usap pa sila nang ilang minuto at nanlaki ang mga mata ko nang nagkapalit sila ng kape. Napatayo ako kaagad at napasigaw Pero huli na ang lahat...
Nainom ni Mathew ang kape na nilagyan ko ng strings of fate! At ako ang una niyang tinignan!
Napaestatwa ako nang nakaramdam ako ng kakaibang nararamdaman sa aking puso, bumilis ang pagtibok nito at nakaramdam ako ng paru-paro sa loov ng aking tiyan habang nakatingin Kay Mathew. Napatingin ako sa kapaligiran at napagtanto Kong Tila ba'y tumigil ang oras. Then, nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong red strings na nakatali sa ring finger ko at naka-konektado iyon Kay... Mathew!
ANO BA NAMAN KLASENG KAMALASAN TO!!!

YOU ARE READING
Two Strings, One Heart
RandomSabi nga ng iba, kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo lahat ng makakaya mo para mahalin ka Niya pabalik. Bibilhan mo ng regalo, gagawan mo ng letters o di kaya magluluto ka para sa kanya. At syempre, iba ako dun! Dahil sa gusto Kong mangahad ang...
CHAPTER 02
Start from the beginning