Chapter 23
"Zyer, bakit 'di na lang natin sundin ang gusto ng kidnapper? Naga-alala na ako para sa anak ko e," sabi ni Farrah, habang patuloy lang sa pag-iyak.
Tinapunan siya nang masamang tingin ni Zyer. "Do you even hear yourself Farrah? Nag-i-eager na akong mabawi ang anak ko, tapos ikaw ang ipapalit ko dun?" Napailing siya. "Sorry, but I can't do it," lumapit siya kay Farrah at hinawakan ito sa magkabilang pisngi. "I love you, Farrah. At hindi ko gagawin sa 'yo ang bagay na 'yan, okay? You're mine, only mine. Understand?" mahinahon niyang sabi.
Malamig ang aircon sa buong kwarto, ngunit ramdam ni Farrah ang pag-init ng mga pisngi niya. She never thought that Zyer could be this sweet and gentle towards her. Nung mga nakaraan kasi ay halos murahin siya nito nang paulit-ulit, lubayan niya lang ito.
Ngunit naiintindihan naman na niya, kung bakit nagawa ni Zyer ang mga bagay na 'yon. Hindi niya masisisi ang binata na naging ganun ang trato nito sa kanya. At kasalanan yun ni Celine at Angela.
Buti na nga lang at nalaman na ni Zyer ang totoo.
Tumango lang si Farrah. "I understand you, Zyer. But what about my child?" nag-aalala niyang tanong.
Huminga nang malalim si Zyer, at hinawi ang hibla ng buhok ni Farrah, na nakaharang sa pisngi nito. Sinabit niya ito sa likod ng tenga ng dalaga. "Mababawi ko si Zye sa ibang paraan. Mababawi ko siya, nang hindi ka napapahamak, Farrah. Trust me, okay?" sabi niya.
Nararamdaman naman ni Farrah na nagsasabi si Zyer ng totoo. Nararamdaman naman niyang gagawin nito ang lahat upang mabawi ang anak nila. Sadyang hindi niya lang mapigilan ang pag-aalala niya para kay Zye.
Hindi niya kayang kumalma lang habang ang anak niya ay nanganganib ang buhay sa mga kamay ng kidnapper nito.
But Zyer, gave her an Assurance na mababawi nila si Zye. And she trusted him for that. Nakita niya naman na marami itong kinu-contact na mga tao, para tumulong sa paghahanap sa anak nila, at kay doktora.
Sa ngayon, walang ibang paraan kun'di ang magtiwala kay Zyer. Alam ni Farrah na gagawin nito ang lahat, para kay Zye.
It's s somehow a good turn, na naging okay muna sila ni Zyer, bago mangyari ito. Dahil kung si Farrah lamang, ay baka nagpakam*tay na siya sa sobrang stress. Talagang hindi niya alam ang gagawin niya upang mahanap si Zye, kung wala sa tabi niya ngayon si Zyer.
Inakbayan siya ni Zyer. "Huwag ka nang masiyadong mag-alala, Farrah. Marami na akong binayarang tao upang hanapin si Zye. Handa rin akong magbigay ng pabuya sa makakapagbalik ng anak anak natin, at kay doktora," sabi niya.
Tumango naman si Farrah. "Salamat Zyer, huh? Buti na lang nandito ka," sabi niya.
LUMIPAS NA ANG magdamag, ngunit wala pa ring balita kung nasaan si Zye. Kagabi pa si Farrah hindi makatulog sa kaiisip, sa kalagayan ng anak niya.
Kahit si Zyer ay kung sino-sino na ang tinawagan upang hingian ng tulong.
Maraming mga bodyguard na nakabantay sa labas ng condo. Nandito kasi sila ngayon.
Kanina pa tahimik si Zyer, at tila malalim ang iniisip. Tinabihan siya ni Farrah sa upuan, at hinawakan sa kamay. "Zyer, bakit hindi na lang tayo humingi ng tulong sa parents mo?" sabi niya.
Umiling kaagad ang binata. "This is not the right time na ipakilala ko kayo ni Zye, sa kanila. Gusto ko lang na maging maayos ang magiging first meet niyo ng parents ko. Hindi sa ganitong way, na nasa gitna tayo ng problema, 'tsaka ko sasabihin sa kanila na may anak ako?" Umiling siya. "No Farrah, that's a bad idea. Isa pa, wala silang magagawa kahit sabihin ko sa kanila 'to. Trust me, mapu-protektahan ko naman kayo ni Zye, na ako lang e," sabi niya.

BINABASA MO ANG
This Time I'll Be Sweeter : Zyer Montino (Casanova Series #4) ? COMPLETED?
RomanceZyer Montino, is excellent in enticing a woman to warm his bed. But he avoids loving a woman like it's an incurable disease. Iniisip kasi niyang ang mga babae ay pera lang ang habol sa mga lalaki. Farrah Dhane Legazpi, is a friendly woman with a ki...