"Ang ganda po" Manghang Sambit ni Almira ng Mahinang tumawa sina Lira at Mira sa Tabi nina Danaya at Pirena.
"At Hindi lang yan, Subukan mong Hipan ang Kabibe" Sambit ni Alena ng hipan ito ni Almira.
Lumabas sa Kabibe ang ang Magandang Tinig na Tila nag hehele sakanya.
"Kaya kapag natatakot ka, o Hindi ka Makatulog Hipan mo lang ang kabibe na iyan" Sambit ni Alena ng Yakapin sya ng Paslit.
"Naungusan tayo ni Alena gamit ang isang Kabibe" Hindi makapaniwalang Sambit ni Pirena.
"Pirena, Ipapaalala ko lang ulet na Sampung taon pa lamang si Almira" Sambit ni Amihan ng Irapan sya ng kanyang Kapatid.
"Mahal na Reyna, andito na po ang mga mag tatanghal para Mamaya" Sambit ni Myca ng Tingnan ng hara ang nga Kapatid.
"Lira, Mira maari nyo ba Munang Tutukan si Almira may Aayusin lang ako sa Hardin ng Sapiro" Sambit ni Amihan ng Tumango at sumama kina Lira at Mira ang Paslit.
"Tutulungan ka na namin Hara" Sambit ni alena at Saka sumunod sakanila ang mga Hara.
_________
Gabi na, ng Dumating ang Lahat ng mga Inimbitahan ng Mag Asawa sa Sapiro.
Isang Napaka laking Kasayahan ang hinanda nila, Sapagkat hindi nila ito nagawa kay Lira Noon kaya Kay Almira nila ito pinaparanas.
"Avisala Sainyong Lahat" Pag bati ni Ybrahim ng mag tinginan sakanya ang lahat.
"Nais naming mag pasalamat ng aking Asawa, sa Pag Punta sa Kaarawan ng Aming Munting Prinsesa.
Napaka espesyal ng Okasyon na ito para saamin, lalo na't hindi namin nagawa ito kasama si Lira at Cassandra Noon Kaya Avisala Eshma Kay Emre Sapagkat binigyan nila kami ng pag kakataon na Maranasan ito kasama si Almira" Sambit ni Ybrahim ng Itaas ng lahat ang kanilang mga Baso.
"Hasne Ivo Live Diwani Almira!" Sabay sabay na Bati nila ng mag palakpakan ang mga Ito para sa Munting Diwani.
"Ahh Nay Pwede po ba naming Hiramin muna si Almira?" Tanong ni Lira ng Tumango naman si Amihan.
"Bakit Ate?" Tanong ni Almira ng Dumating si Mira.
"Sapagkat Ibibigay namin ni Lira ang Aming Regalo para saiyo" Naka ngiting Sambit ni Mira ng Iabot nito ang Isang regalo na nakabalot sa kulay Lilang Tela.
"Isang Plauta!" tuwang tuwang Sambit ni Almira ng Makita nya ang Plauta.
"Hindi lang yan Isang Plauta Almira, Nanggaling pa yan sa Ating Ilo Raquim binigay yan saakin ni Inang Amihan Nung Akoy nasa Edad mo" Sambit ni Mira sa Kanyang Pinsan.
"At Binigay yan saakin ni Mira, ng Mag balik kami sa Lireo" Sambit ni Lira na lalong ikinatuwa ni Almira.
"pangako Ate Lira ate Mira papangalagaan ko po ito" Sambit ni Almira ng Yakapin nya ang Dalawang Sanggre.
Habang patuloy ang Kasiyahan sa Sapiro, Napansin ni Pirena ang pananahimik ng Kanyang nakababatang Kapatid na si Alena habang pinag mamasdan sina Amihan at Ybrahim Kasama ang Tatlong Paslit.
"Ano't pinag mamasdan mo sila Amihan?" Nag tatakang Tanong ni Pirena ng mapatingin sakanya si Alena.
"Napakasaya nilang pag masdan no?" Tanong ni Alena ng Sumangayon naman si Pirena.
"Naalala mo nanaman ba si Ybarro?" Tanong ni Pirena ng Mapayuko si Alena.
"Akala ko Madaling Makalimutan si Ybarro, Ngunit sa Tuwing nakikita ko si Amihan at Ybrahim lagi kong naalala na Wala na saakin ang aking Mahal" Malungkot na Sambit ni Alena ng Hawakan ni Pirena ang kanyang Kamay.
"Andito ako para Sa'yo Alena" Sambit ni Pirena dahilan Upang Mapangiti si Alena.
Ng Biglang Sakupin ng Isang Liwanag ang Gitna ng Hardin na Ikinagulat ng lahat.
Iniluwa ng Liwanag na ito ang Ivtre ng Namayapang Hara Minea.
"Ina!" Gulat na Sambit ni Amihan ng Lapitan nilang mag kakapatid ang Kanilang Ina, upang Yakapin.
"Masaya kaming makita ka Ina" Sambit ni Alena ng yakapin nitong Muli ang Kanialbg Ada
"Masaya Din akong Makita kayo mga Anak ko" Sambit ni Minea ng Lapitan nina Ybrahim at ng tatlong Paslit ang mag kakapatid.
"Avisala Ybrahim" Nakangiting Sambit ni Minea ng mag bigay pugay Si Ybrahim.
"Avisala Inang Reyna Minea" Sambit ni Ybrahim ng Lapitan nina Lira at Mira ang kanilang Ila.
"Kamusta na kayo Lira Mira?" Tanong ni Minea.
"Ayos naman po Ila" Sambit ni Lira, "Masaya po lalo na't wala ng Kalaban sa Encantadia" Dagdag pa ni Mira sa sinabi ng Kanyang Pinsan.
"Ina, nais kong makilala nyo si Almira, ang Bunsong Anak namin ni Ybrahim" Sambit ni Amihan ng Lumapit sakanya Si Almira.
"Avisala Almira, kinagagalak kitang makilala" Nakangiting Sambit ni Minea.
"Kinagagalak din po kitang Makilala Ila, Madami pong Kinukwento sila Ina At mga Ashti Tungkol po sainyo" Sambit ni Almira ng Yakapin nya ang Kanyang Ila.
"Ngunit Ina, Anong ginagawa nyo dito sa Encantadia?" Nag tatakang Tanong ni Alena ng Tingnan ni Minea ang Apat Na Sanggre.
"Nandito ako, upang Bigyan kayo ng babala tungkol sa nalalapit na Kaguluhan Na pinaplano ni Ether" Sambit ni Minea ng mag katinginan ang mag kakapatid.
"Anong klaseng Kaguluhan ito Ina?" Nag tatakang Tanong ni Amihan.
"Hindi din namin Alam, Ngunit mas mabuti kung Muli nyong hawakan ang inyong mga Brilyante upang Mapangalagaan ang Encantadia" Sambit muli ni Minea.
"Mukhang Hindi titigil si Ether hanggat hindi nya tayo napapabagsak" Sambit ni Danaya, habang napuno ng Takot at kaba ang lahat ng naka rinig sa Sinambit ng dating Inang Reyna.
___________________________________
Ano kaya ang Kaguluhan na Sinambit ni Minea? Ano ang pinaplano ni Ether? At anong gagawin ng mga Diwata Laban dito? Abangan!

BINABASA MO ANG
Whisper's In the Shadows
FantasyMatapos maibalik ang kapayapaan sa Encantadia, ang nakaraan ay sumilip sa magkapatid. Sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay nakataya, dapat silang bumalik sa nakaraan upang pigilan ang isang kaharian sa kanilang planong sirain ang kasalukuyan. Sa...
Kabanata 2: Ang Babala ni Minea
Magsimula sa umpisa