Breaktime ko ngayon sa work at habang kumakain ay agad akong tumawag sa kaniya.
I heard him take a deep sigh. "Baby, can you come over? After your shift?"
When I heard him say that, I ended the call at agad kong iniwanan ang pagkain at pumasok sa loob para magpaalam sa Boss ko.
"Ha? Two hours pa bago ka mag-out, Donna..." kunot ang noo at takang sambit niya.
I bit my lower lip. Mahigpit din ang hawak ko sa phone bago bumuga ng hangin.
"I'm so sorry, Sir. Emergency lang po talaga..." I reasoned out.
Pero gaya ng inaasahan, hindi siya pumayag. Kaya naman wala akong nagawa kung 'di agad na magdesisyon.
As I trailed my way out of the restaurant, I called West. Agad naman niyang sinagot.
"I'm on my way, Love. Hintayin mo ako, ha?" bungad ko sa kaniya.
"What? Baby. You still have two hours, right? What do you mean you're on your way?" gulat na tanong niya.
Sinukbit ko ng maayos ang bag sa likod. Wala sa sarili akong napangiti habang pinupunasan ang pawis na namumuo sa noo dahil sa pagod.
"I resigned, Love..." sambit ko.
Rinig na rinig ko pag singhap niya kaya naman bago siya umangal ay inunahan ko na siya.
"I can always find a job. Alam mo naman 'yon, 'di ba?" Nakangiting sambit ko kahit alam kong hindi niya nakikita. "I love you, West. Please, don't worry. You're more important..."
Nakangiting ibinaba ko ang tawag. When I say he's more important, I really mean that.
West and I met when he opened the restaurant he owns. I was his regular customer until we clicked. Masaya kasi siyang kausap at ramdam na ramdam ko ang passion niya sa pagluluto. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya kamahal ang negosyo niya.
At nang sabihin kong kaya ko humanap ng trabaho, totoo rin ang isang 'yon. Sikat ang mga magulang ko sa Food Industry, kaya naman nagsilbi iyong tulay para mabilis akong makahanap at matanggap sa trabaho.
But they died due to a car accident. Minana ko ang mga restaurant na naitayo nila ngunit kalaunan ay kinailangan ko rin ibenta. I was left with nothing but the restaurants and money from my bank account that was enough to pay for my college tuition until I graduated. When I graduated, I needed to sell all of that to buy a house and essentials.
Naubos ang pera kaya kinailangan kong magtrabaho. But good thing, malakas ang impact ng mga magulang ko sa larangang ito kaya naman mabilis akong natatanggap.
My phone rang and my boyfriend's name flashed on the screen. Agad akong napangiti.
"Baby," I heard him sighed. "You can't do that. Please? Sapat na ang lahat."
Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko. "I love you. Open the door, please?"
Sumalubong sa akin ang pagod niyang mga mata nang pagbuksan niya ako ng pinto. I saw how tired his eyes were but he managed to give me a small smile.
"Come here..." mahinang sambit niya.
Agad akong lumapit sa kaniya at dumiretso sa bisig niya para yakapin siya. He rested his head on my shoulder and hugged me tight. Walang salita ang namutawi sa amin ng ilang minuto. Nanatili lang kaming nakatayo at magkayakap sa harap ng office niya.
"At least, I feel a little better now..." bulong niya.
Humalik siya sa noo ko bago humiwalay sa yakap. Tinitigan niya ako gamit ang pagot at malungkot niyang mga mata. Nilabanan ko naman ang titig niya.
"I'm sorry, baby..." paumanhin niya. "Pasensiya na kung palaging ganito."
Rinig na rinig ko ang pagod sa boses niya, kaya naman gaya ng palagi kong ginagawa, ngumiti ako sa kaniya at binigyan siya ng magaang halik sa labi.
"You don't have to be sorry. I got you, love. I got you always..." I sincerely said.
Muli niya akong binigyan ng malungkot at maliit na ngiti. "Nahihiya na ako sa'yo. Ikaw na lang palagi ang sumasalo sa akin tuwing bumabagsak ako at sa tuwing nalulugi ang negosyo ko."
"Isn't that normal, love?" I gave him a reassuring smile. "We're partners. Normal lang na tulungan kita."
"But not with this one, baby. Ako dapat ang nagtatayo sa sarili ko..."
"But that doesn't mean that I can't help you, right? We're together, love. Your fight is also my fight. Alam kong ikaw dapat ang magtatayo sa sarili mo, pero hindi naman ibig sabihin nun ay kailangan mo na gawin 'yon ng mag isa."
Natahimik siya at napatingin na lang sa akin. Sa muling pagkakataon ay binigyan ko siya ng matamis ngiti.
"Hindi naman ito sayang dahil lahat ng ginagawa ko ay para sa pangarap mo, Love. Kung sakali man na malugi ka ulit, pwede pa rin naman tayo sumubok ulit. Wala namang masama kung paulit ulit na sumusubok," kinuha ko ang kamay niya at hinaplos. "Hindi ba palagi kong sinasabi sa'yo 'to? Ang pangrap mo ay pangarap ko rin. Seeing you happy will make me happy as well, Love. At sa tuwing nakikita kitang malungkot, nadudurog ako."
"Donna..."
"I want to make you happy, Love. Gusto ko palagi kang masaya..." sambit ko. "Ang pangarap ni West ay pangarap ni Donna, hindi ba?"
Nagliwanag ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko. Muli niya akong niyakap at doon naramdam ko ang kaginhawaan sa kaniya. Natapos din ang gabing iyon na puro yakap at presensya ang ibinigay ko sa kaniya, umuwi rin ako para gawin ang dapat at palagi kong ginagawa sa tuwing ganito ang sitwasyon.
I smiled and a relief filled my entire body when I clicked the confirm button.
"I love you, West. I'll do anything for your dreams, love..." I whispered as I stared at my phone after sending the money to his bank account.
Para sa pangarap ni West.

YOU ARE READING
Only To Stand By
General FictionBound to Suffer Duology 1 Donnatella Degracia, an independent woman who was left alone after her parents' death, met the restaurant owner, West Alistair Vegaz. She supported him during his lowest moments and continues to support him during his hig...
Kabanata 1
Start from the beginning