抖阴社区

                                        

“Teh wag! Sasabihin ko ‘to kay Leo. Alam mo naman yun, super conservative pa man din.”

“Go ahead, sige po. Baka nga ikaw pa ang i-target nila sa performance task. Imbes na magluto, ikaw ang pagdiskitahan.”

“And remember, be careful kay Marco. He’s a troublemaker.”

I sighed. “Yeah...ang hirap pigilan ‘yung mokong na ‘yun. Si Leo madali kausap, pero si Marco? Diyos ko.”

“Talaga ba na madali siyang kausap kasi nahuhulog na siya sayo?” tanong ni Isabelle, sabay kindat.

“Anong klaseng tanong 'yan, teh? Masyado ka nang delulu! Parang shiniship mo na kami ni Leo, ah.”

“Oo, no! Botong-boto ako kay Leo kaysa doon sa ex-crush mong red flag! Mas better na si Leo na lang ang maging jowa mo, teh.”

“Aba, teh, ang advance mo naman mag-isip. Straight si Leo, di siya magkakagusto sa lalaki o gay.”

“Ows? Talaga ba, Rylle? Sus, kahit straight siya, hindi mo alam baka mabaliko rin siya sayo. Ayiee!”

“Ay naku, teh, tigilan mo na 'yang mga pahirit mo. Hindi mangyayari ‘yan, promise,” sagot ko habang pilit pinipigil ang pag-init ng pisngi ko. I tried to reassure her at siguro ako hindi na rin sure.

“Sure ka diyan, teh? Wag mong pangunahan ang tadhana, Rylle. I can already feel it may gusto sayo si Leo.”

“Aba, Isabelle, ikaw na talaga ang love expert. Masyado mo kaming shiniship, ah!”

“Well, alangan. You two are perfect for each other maganda, pogi, matalino, at higit sa lahat, ang comfy niyo sa isa’t isa.”

“Sus, yang mga jokes mo, hindi na nakakatuwa. Isa pa, wala nga akong feelings sa kanya, okay?”

Pero deep inside, naguguluhan na nga ako. Kasi everytime na nandiyan si Leo, ang lakas ng tibok ng puso ko. Ewan ko ba, ang gulo na ni akla niyo lalo na sa mga pinapahiwatig niyang actions. Ayoko na sa mundo... char lang. Pero tadhana, grabe ka naman ang damot mo sakin. Huhuhu!

Nagsimula na ang performance task namin sa ground floor kung saan naroon ang laboratory complete with all the tools and equipment we’d need. Excited at kabado ang atmosphere. Yung iba sa mga kaklase ko, nagbibihis na ng PPE dahil sila ang mauunang mag-practicum. Nakaayos na rin lahat ng gamit.

“Mga nakshies, nasaan na ang Group 1? Be ready, magsisimula na kayo sa laboratory” tawag ni Mrs. Millares.

“Okay po, Ma’am! Nagreready na po kami,” sagot ng unang grupo.

Bumaba na si Ma’am Millares para masimulan ang activity. Ayan na, simula na ang performance task!

Bigla namang lumapit sa akin si Leo.

“Magpapaalam lang ako. Punta lang ako ng canteen, gutom na ako,” sabi niya.

Tumango lang ako. “Sige, ingat.”

Umalis na siya agad. Kahit group 1 pa lang ang magpe-perform, parang kami na ang susunod. Ramdam ko na ang kaba.

At syempre, bigla namang sumulpot si Isabelle sa tabi ko like she read my mind..

“Huy, Rylle! Wag ka ngang kabahan ang layo pa ng Group 7, jusko teh! Para kang tanga jan sa kinauupuan mo,” sabay tapik ni Isabelle sa balikat ko.

“Gaga, malamang kinakabahan ako! First time ko to, hello?”

“Alam ko namang first time mo, pero hindi naman kailangan magpanic. Nandyan naman si Ma’am Millares, siya bahala satin. Chill ka lang.”

“Eh iba talaga yung feeling, teh. Tapos kasama ko pa yung dalawang mortal na magkaaway. Jusko, baka mag-espadahan sila ng kutsilyo sa gitna ng kitchen lab!”

     My Forbidden Crush On The School BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon