"Maayos naman ang kalagayan niya ngayon," sagot ng school nurse.
"Maayos ang tibok ng puso mo, pero mukhang kailangan mong magpahinga," sabi ng school nurse namin habang tinitingnan ako.
"May nararamdaman ka bang kakaiba?" tanong niya. Napatingin silang lahat sa akin, at umiling ako bilang sagot.
"Dahilan po ba sa sobrang pagod at hindi kumain," sabi ni Fyang. "Ganoon po ba?"
"Oo, kailangan siguraduhin ni Shang na kumakain siya ng tama bago ang training. Kapag hindi, puwede siyang mahimatay ulit," paliwanag ng school nurse namin.
"Lagi mong alagaan ang sarili mo. Kumain ka ng tama at magpahinga nang maayos," sabi ng school nurse sa'kin, sabay abot ng isang baso ng tubig.
"Kung may nararamdaman kang kakaiba, sabihin mo agad, ha?" dagdag niya habang tinatapik ako sa balikat nang marahan.
"Wala namang malalang problema, pero mas mabuti nang magpahinga ka muna rito sandali," sabi niya, nakangiti habang inaayos ang kumot sa ibabaw ng kama.
"Okay po, ma'am. Salamat po," sagot ni Fyang, nakatingin habang sinusunod ang bilin ng nurse.
Bago siya lumabas, sumulyap ulit ang nurse at sinabi, "Huwag mong kalimutan, mahalaga ang kalusugan. Magpakatatag ka, at pakinggan ang katawan mo."
Lumabas na ang school nurse matapos siyang tawagin ng isa pang nurse sa labas, at naiwan kaming tatlo sa loob, tahimik at nag-iisip.
"Shang, ok ka lang ba?" tanong ulit ni Fyang, may halong pag-aalala.
"Baka nagutom ka lang kakatraining-" Hindi na natapos ni Yshay ang sinabi dahil tiningnan siya ni Fyang ng masama.
"Kaya nga, over fatigue, diba," naiinis na sabi ni Fyang.
"Ah... gusto mo, Shang, tawagan ko si Iro para ihatid ka pauwi, o kaya si Ma'am-"
Bigla akong bumangon mula sa pagkakahiga, parang may bumalik na lakas sa katawan ko. "Huwag na, Fyang… ayos na ako," sabi ko habang pilit na nginingitian siya para hindi siya mag-alala.
"Sigurado ka ba, Shang? Ayos ka lang talaga?" tanong ni Fyang, halatang may pag-aalala sa mga mata niya. Nakaalalay pa rin ang kamay niya sa braso ko, para bang natatakot siyang baka bigla akong matumba.
"Oo naman, ok na ako," sagot ko, kahit medyo kinakabahan pa rin ako. "Pwede na ba akong lumabas?" tanong ko, sabay tayong tumayo at inaayos ang sarili ko.
Parang gusto pa akong pigilan ni Fyang, pero kita ko sa mata niya na gusto rin niyang maniwala sa sinabi ko. "Sigurado ka na?" muling tanong niya, na parang naghihintay ng kumpirmasyon.
Tumango ako at ngumiti ng konti, pilit na pinapakita na kaya ko na. “Oo, kaya ko na,” sabi ko, kahit may kaba pa rin sa loob ko.
Nagpaalam kami sa nurse ng school clinic, at sabay-sabay kaming naglakad palabas. Bitbit ni Fyang ang bag ko habang naglalakad kami, at naiisip ko kung paano ako nakalabas ng clinic nang hindi nag-aalala.
Habang naglalakad, nagtataka ako kung ano ang nararamdaman ng mga tao na mahimatay. Akala ko kasi, madalas sa mga ganitong sitwasyon, matagal ang recovery at kailangan ng oras bago bumalik sa normal.
Pero ako, parang bigla na lang akong bumangon mula sa pagkakauntog, kaya't nagulat ang mga kasama ko.
Parang ako na ang kauna-unahang tao sa mundo na nakaranas ng ganito at naging okay kaagad. Wala akong pakialam sa nangyari; ang mahalaga ay bumalik ako sa aking normal na kondisyon.
Isipin mo, ang daming tao ang nakaka-experience ng matagal na pag-recover, ngunit ako, parang walang nangyari.
Kahit nga ang school nurse namin ay nagulat sa sinabi ko na naging okay kaagad ang pakiramdam ko. Para bang sa kanyang mga mata, parang kakaiba ako. Sabi nga nila, ang mga ganitong sitwasyon ay may mga sintomas na kadalasang matagal bago maglaho, ngunit sa akin, parang mabilis na proseso.

YOU ARE READING
Through Yesterday's Scenery
FanfictionA LOVE UNSEEN SERIES #1 In Through Yesterday's Scenery, Yeseniy Isha Yldres, a first-year Biology student at Ateneo, unexpectedly wakes up in the past, where her best friend, Ezeqeiel Darrell Marcellus, a budding architect, is still alive and blissf...