Gusto ko lang talaga na magkaroon ng natural flush sa aking cheeks, na parang fresh lang at walang effort.
Para naman sa lashes, nagc-curl ako ng konti at naglalagay ng mascara.
Sa lips, naglalagay ako ng lip tint. Pinipili ko ang shade na hindi masyadong dark para bagay sa natural look ko.
Pagkatapos kong mag-makeup, dumiretso na ako sa kusina. Nakita ko ang pinsan ko na nagluluto. "Good morning, señorita," bati niya sa akin.
Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. Fried rice na may corned beef ang niluluto niya, nag-fried din siya ng itlog at hotdog.
"Kuya, nagpakulo ka ba ng tubig?" tanong ko sa kanya.
"Tubig ba?"
"Nasa loob ng ref, check mo don," sabi niya.
Hindi ako nag-atubiling hampasin siya sa braso. "Aray!"
"Sabi ko, mainit na tubig, hindi malamig," sagot ko sa kanya.
"Mainit na tubig ang hinahanap mo, mainit na nga ulo mo," dagdag niya pa. Hahampasin ko na sana siya ulit nang tinutukan niya ako ng sandok.
"Ano ba, Kuya?!" inis na sabi ko.
"Andon oh, nagpakulo na ako sa heater," sabi niya sabay tawa.
"Ang aga-aga," ani ko.
"Ibuhos ko kaya sa'yo 'tong mainit na tubig," bulong ko.
"Huwag mo na subukan na ibuhos sa'kin iyan," sagot niya.
"Pa'ano kung mamatay ako n'yan, sino magluluto sa'yo? Sino ang mahahatid sa'yo? Sino ang susunod sa'yo?" tugon niya.
"Ewan ko sa'yo," sabi ko, at inirapan ko siya ulit.
Kumuha ako ng mug at inilagay don ang mainit na tubig. Matapos kong ilagay, kumuha ako ng Milo at nilagay sa mug, saka hinalo ko din ng asukal.
Pagkatapos ko magtimpla, maghuhigas sana ako ng tumbler ko nang wala na ito sa pinaglalagyan ko. "Kuya, asan na yung tumbler ko?"
"Nasa loob ng ref, hinugasan ko na 'yan kanina," sabi niya sa'kin.
Binuksan ko ang ref namin at nakita ko ang Tumblr ko sa loob, kaya kinuha ko na agad ito. Pero bago ko isara ang ref, napansin ng mga mata ko ang isang box ng cupcakes.
"May cupcakes pala tayo dito?" tanong ko.
"Since kailan ka pa naging mahilig sa matamis-" Hindi ko na natuloy ang sinabi ko. Bigla kong naalala, si Ate Cali pala yung laging nagbibigay sa kanya ng cupcakes.
"Bigay ni Cali 'yan sa'kin kahapon."
"Sabay kayong umuwi?" Tanong ko habang tinaas ang kilay ko.
"Oo, bakit? Hindi ba pwede?" Tugon niya.
"Bakit may sinabi ba ako?" Ani ko, sabay tawa.
"Hinatid ko lang siya pauwi, total dadaanan ko naman yung bahay nila," sabi niya.
"Oo na, huwag ka nang magexplain," sagot ko.
I know my cousin well, and matagal na niyang crush si Ate Cali. He has liked her ever since they met, and his admiration for her has only grown stronger over the years as they've become close friends.
Hindi lang ito isang simpleng crush-genuinely, he cares for her and respects her deeply. May mindset siya na hindi muna niya ipapakita ang tunay niyang nararamdaman until they both finish their studies.
Para sa kanya, mahalaga na maging settled muna sila sa kanilang mga buhay bago gumawa ng anumang malaking hakbang. He believes that waiting will make their future stronger.

YOU ARE READING
Through Yesterday's Scenery
FanfictionA LOVE UNSEEN SERIES #1 In Through Yesterday's Scenery, Yeseniy Isha Yldres, a first-year Biology student at Ateneo, unexpectedly wakes up in the past, where her best friend, Ezeqeiel Darrell Marcellus, a budding architect, is still alive and blissf...
three.
Start from the beginning