"What the fuck?! Ano 'yon?!" sigaw ni Salvino. "Bakit mas malala na sila ngayon?"
"I don't know!" Cleon was blinking. His expression showed how horrified he was.
"I think this is the effect when the parasite has been in the human system for too long!" Rayne frantically answered, adjusting the grip on Ate Naomi's child. "They get stronger every day."
"Fuck it!" Salvino kept driving.
Sa bilis niya, napaikot na kami sa likod ng Mall. Binaybay namin ang parking lot bago makarating sa door exit. Ang tahimik ng lugar. Masyadong bakante ang paligid at kumukurap-kurap ang mga ilaw, bagay na nakakapagpakababa sa'kin.
"Look, over there!" turo ni Maximus.
Doon, naaninag namin sa mga building, may mga nagsitalunan mula roon. Sunod-sunod. Sabay-sabay. Hanggang sa para bang naging tambakan ng bangkay ang kalsada. Pero ang nakakakilabot sa pagbagsak nila ay para bang wala lang sa kanila ang natamong pinsala.
I saw one of them. Tumayo siya kahit nakalabas na ang buto sa hita niya. He stood up with his open tummy. Nakalitaw ang bituka niya nang ini-stretch niya ang leeg. Then, before I realized it, he was fucking running! Para bang walang bali ang hita niya! At sunod-sunod sinundan siya ng iba.
They were growling and running towards our lives. Sinundan sila ng ibang mga nasa building na lumitaw sa dilim. Doon nakita namin 'yung mga rungaw na aso na tumatakbo rin patungo sa amin. Sa sobrang bukang-buka ng wasak nilang bibig, malinaw sa paningin ko ang laman-loob nila na nakalaylay. Tinugis nila kami ng sabay-sabay.
Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon, we all rushed back into the van when we heard the loud pop of one of our tires! The sound was sharp and sudden, like something had stabbed it so hard. We were thrown from our seats, feeling dizzy, with pain shooting through our bodies.
Before we could even react, we heard Ate Naomi's baby crying in panic, his voice mixing with the chaos. Along with his cries, we could hear the growls and heavy footsteps of the infected getting closer, surrounding us quickly and frighteningly.
That was the moment Cleon stood up, grabbing his gun as he faced us. "What are you waiting for? Run inside now!" he shouted. The panic was contagious, and we scrambled out, fear gripping us as the growls of the infected grew louder, closing in on us from all sides.
Kaagad bumukas ang pinto ng van, kasabay noon ang paghawak ko sa baril ko at paghawak sa'kin ni Gelo nang makababa kami. Kinuha ko si Talia na ngayo'y natataranta na rin habang hawak niya rin ang pistol gun na binigay ko sa kanya.
Sumunod naman sa amin sila Rayne at ate Naomi habang sina Cleon at Salvino naman ay naiwan sa labas ng van, naririnig na naming pinapaputukan na nila ang mga palapit na zombie sa amin.
"Shit, putang-ina, ang dilim!" sigaw ni Ellie nang makapasok kami sa loob ng mall. Paalis pa lang kami para tumakbo nang biglang mapahinto dahil sa mga paparating na infected. Rinig na rinig namin ang ingay ng mga nagsisitakbuhan sa iba't ibang direksyon. Dahil doon, napilitan kaming tumabi sa madilim na bahagi ng pasilyo.
Mahigpit ang hawak ni Gelo sa kamay ko habang hinila niya ako patungo sa kabilang dako. Wala kaming ideya kung saan kami pupunta. Pareho kaming nanginginig sa takot at halos bumigay na sa kaba. Sa isang maliwanag na bahagi ng mall, tumambad sa amin ang tambak na mga zombies.
Lahat sila ay nakabukas ang mga bibig, tumutulo ang dugo na parang walang katapusan. Ang iba naman, halos wala nang mukha, durog na ang harapan, natatakpan na lang ng naaagnas at nangingitim na laman. Isang nakakapangilabot na tanawin na hindi ko malilimutan kahit kailan.
Sa sulok ng madilim na bahagi ng gilid, nagtago kami. Doon rin dumating sina Salvino at Cleon hanggang sa napansin ko ang isang Starbucks na kalahating salamin ang harapan at pader ang ilalim. "Doon, Gelo!" Itinuro ko ang pintuan. Kung yuyuko kami, walang zombie ang makakakita sa amin. Wala na kaming sinayang na oras at tumakbo kami papunta roon nang mabilis.
Habang papalapit kami sa Starbucks, lalo kaming nataranta nang marinig ang basag ng salamin sa exit. Sakto namang nakapasok kaming lahat sa loob at agad kaming yumuko. Si Maximus, mabilis na isinara ang pinto habang sumesenyas sa amin na huwag gumawa ng ingay. Si Rayne naman, kahit nanginginig, tinakpan ang bibig ng sanggol na kanyang karga para pigilan ang pag-iyak nito.
Sa labas, rinig namin ang mabibigat na yabag ng mga infected. May naririnig kaming mga mababangis na ungol sa likod ng pintuan. Lahat kami'y parang inaatake na ng takot, nanginginig habang mahigpit na nagtatago. Nagulat na lang ako nang yakapin ako ni Gelo nang makita niya akong nanginginig na sa sobrang kilabot.
"May elevator sa gitna ng mall," sabi ni Cleon habang nakasilip sa gasgas na salamin, ang mga mata niya lang ang nakalabas. "Kaso hanggang second floor lang ang kaya nitong abutin."
"Bakit?" tanong ko, pabulong at puno ng pagtataka.
"Halika, tingnan niyo," sagot niya nang mahina.
Dahan-dahan kaming gumapang ni Gelo papunta sa tabi niya. Maingat kaming sumilip sa salamin, nakayuko at halos pigil ang paghinga. Sa una'y wala akong makita, pero nang dumako ang tingin ko sa elevator, napuno ang dibdib ko ng kaba.
Pag-angat ko ng tingin, agad kong nakita ang elevator na tinutukoy ni Cleon. Pero hindi iyon ang unang nakakuha ng pansin ko. Ang mas nakakakilabot ay ang makapal na dugo na kumakalat sa paligid ng salamin nito.
Sa taas ng elevator, siksikan ang mga kumpol na zombies, at sa tuwing umaangat ito, naririnig ko ang tunog ng nadudurog na katawan nila. Lumuluwal ang mga laman-loob nila, dumadaloy pababa na parang agos ang dugo. Sa sobrang bigat nila, hanggang pangalawang palapag lang ang kaya nitong itaas bago ito muling bumaba.
Kapag bumababa naman, kusa itong bumubukas, pero bigla rin agad nagsasara. Kumikislap ang ilaw sa loob, parang mapupundi na at malapit ng masira. Napapangiwi ako sa tanawin, mga nagkalat na laman-loob, nadurog sa gilid ng pinto. Gusto kong masuka habang patuloy kong naririnig ang mga tunog ng katawan nilang naiipit.
"May binabalak ka bang gawin?" tanong ko sa kanya, pilit pinapakalma ang kaba ko.
"Tatakbo tayong lahat papunta doon," sagot niya. "pero bago iyon, kailangan kong lumabas. Magtatago ako sa dilim at magtatapon ng baril para doon sila magpuntahan dahil sa ingay."
Nanlaki ang mata ni Salvino, agad siyang tumingin kay Cleon nang may pag-aalala. "Delikado ang gagawin mo." mariin niyang bulong.
"Eh anong gusto mo, Salvino? Maghintay tayo dito hanggang makita nila tayo?" mabilis na bwelta niya. "Kailangang may kumilos. Mag-iingat ako."
"Sasamahan kita, Cleon," alok nito.
"Hindi na," mabilis na sagot ni Cleon, bahagyang umiiling. "Kailangan may kasama silang -"
"We can handle it," putol ni Gelo sa kanya. "Magpasama ka na kay Salvino para mas ligtas. Hindi puwedeng mag-isa ka sa labas."
Tumango ako kahit na nanginginig pa rin sa kaba. "We can handle our group, Cleon."

YOU ARE READING
Cosmic Dawn (Where Monsters Rise)
HorrorWith the line between humanity and monstrosity blurring, can they escape the virus, or will it consume them all?
Season 1: Episode 30
Start from the beginning