抖阴社区

CHAPTER 3

132 17 0
                                    

VANCE's POV

Grabe ang kalabog ng dibdib ko. Lumalapit sa akin si Gaara kaya naman napapaatras ako hanggang sa sumayad ang likod ko sa pinto. Mabilis akong tumalikod at pinihit ang doorknob pero hinila niya ang kwelyo ng uniform ko sa likod.

"Oh you're not going anywhere trash!" Sabi niya.

"Hindi! Ayoko! Ayoko dito! Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ko pero marahas niya akong hinarap at idiniin sa pinto. Sinuntok niya ang pinto at nakangisi siyang lumapit sa mukha ko. Kumuha siya ng bubble gum at kinain iyon.

"Strict rule, the last person who opened that door will be mine." Nakangisi siya.

"Anong mine? Hindi ako pumapatol sa basagulero noh!" Sabi ko at nagtawanan ang lahat.

"Stupid! Maglalaro tayo at ikaw ang kalaban ko! As if I will like you? You don't have a vertical lips stupid shit!" Napataas ang kilay ko.

"Vertical lips pinagsasabi mo? Laki-laki ng bunganga ko kagatin kita e tch!" Inirapan ko siya kaya naman sinakal niya ako gamit ang siko niya.

"You're so loud nakakarindi ka na!" Sabi niya at diniinan ang leeg ko.

"Ack! Ugh! A-Aray-

Napaubo ako at saka niya lang ako binitawan. Pumagitna si Noemi at siya na ang kumausap kay Gaara.

"Kael stop this stupid party! Scholar si Vance maawa ka naman sa kanya." Sabi ni Noemi.

"I don't care! Alis!" Malakas niyang hinawi si Noemi buti na lang nasalo siya ni Perseus.

Kinaladkad ako ni Gaara papunta sa gitna. May iba't-ibang klase ng alak sa harap ng lamesa at yung iba ay bawas na. Nagsimula na yata silang mag-inom pero hindi ko naamoy si Gaara kanina kasi kumain siya ng bubble gum.

"Yow everyone listen!" Sigaw ni Gaara.

"Do you want the 1 shot 1 hit party for us?" Sabi niya at naghiyawan ang mga students.

"1 shot! 1 hit! 1 shot! 1 hit!" Pagchi-cheer pa nila. Hindi ko maintindihan kung ano yun, napalunok na lang ako habang inililibot ang paningin ko sa paligid. Saktong dumako ang mata ko sa exit door at nandoon si Noemi na sumisenyas. Nakabukas ang pinto at niyayaya niya akong lumabas.

Inilagay ni Gaara ang golf club sa balikat niya at pumwesto siya sa harap ko.

"Uy si grandpa Karlito! Sir!" Turo ko sa main door at sabay-sabay na lumingon ang lahat sa pintuan. Mabilis akong yumukod at mabilis na gumapang papunta sa exit door.

"Ha? Saan?" Dinig kong sabi ni Jayden.

Saktong nakalagpas ako sa mga students ng biglang sumigaw si Jackson.

"Hoy saan ka pupunta?" Lumingon ako saglit at nakatingin na silang lahat sa akin.

"Ruuun!" Sigaw ni Noemi kaya tumayo ako at tinakbo ang exit door.

"Oh shit! Get him!" Sigaw din ni Gaara kaya iniwan ko na si Noemi. Kailangan kong iligtas ang sarili ko. Sana ilibre niya pa rin ako bukas.

"Bilisan niyo!" Sigaw ni Gaara. Paglingon ko sa likod ay hinahabol ako ng lahat. Mas lalo pang bumilis ang takbo ko hanggang sa makalabas ako ng court.

"Waaaaa tulooooooong!" Sigaw ko pero pati yung guard ay hindi nangialam. Tiniis ko na lang ang pagod at hingal ko hanggang sa makalabas ako ng gate.

"Wooh! Nakalabas akoooo! Yeaaaaah!" Nagdiwang pa ako sa tabi ng kalsada pero sinundan pa rin pala nila ako. Tumakbo na naman ako hanggang sa sakayan at sumabit sa jeep na dumaan.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon