抖阴社区

Hilot - Part 4 (Finale)

255 2 0
                                        


Mandy's POV

May natuklasan si Cedric sa aming lihim ng kanyang Kuya Karlo. Gustong masiguro ni Kuya Karlo na manatili munang lihim iyon kaya pinababantayan niya sa akin ang kanyang kapatid. Kung maari daw ay suyuin ko sa pamamgitan ng pagsuhol ng pagkain, chocolate o kahit na ano pa para hindi dumaldal. Pumayag naman ako. Kaya lang ay nagkaproblema kaagad, hindi ko pa man nasisimulan ang panunuyo.

Naglalakad ako habang nagbabasa ng text ng masagi ko si Cedric. Magso-sorry sana ako pero naunahan ako sa pagdada at kung ano anong sinabi. May sinabi pa siyang ibubulgar na masamang ginawa ko. Natigilan ako pero dahil nagalit na rin ako sa sobrang inis sa pagiging madada ay hinamon ko pa na ibulgar kung ano mang iyon.

Agad kong tinawagan ang kapatid niya para ma-update sa nangyari. Nabahala rin siya at sinabing gawin ko ang plano.

Inabangan ko siya sa kanto at nang magdaan na nga ay hinawakan ko ang braso niya at sinabing "Mag-usap nga muna tayo. Magkaliwanagan na nga tayo."

Parang natakot siya. Mahigpit kasi ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Alerto naman ako dahil baka biglang manuntok. Mag-sing tangkad lang kami at maaring talunin niya ako.

"Namumuro ka na Mandy, kanina ka pa nangaasar. Ano bang paguusapan natin. Bitiwan mo nga ako, para kang sanggano."

Iba talaga ang lalaking ito. Pero yun ang gusto ko sa mamahalin ko, marunong lumaban. Pinilit kong magpakalumanay. "Gusto ko lang kasi na magkalinawan tayo. Gusto ko malaman ang ipinagpuputok mo ng butse at nagalit ka sa akin. Basta ka na lang hindi kumibo at hindi ako kinausap. Iniiwasan mo pa ako. Ano ba talaga. Nahihirapan na ako alam mo ba?

"Aba! At bakit ka naman nagpapakahirap, kung iniiwasan ka eh di huwag kang magpakita. Problema ba yun. Saka ayaw kong makigulo, ayaw kong madawit kung ano mang ang meron sa inyo. Umiiwas na nga ako eh ikaw itong parang walang alam. Ikaw naman ang nakakaalam kung ano yun 'di ba?"

"Yun na nga. Makikiusap nga ako sa iyo. Kung ano man ang nalalaman mo ay sana manahimik ka muna. Wala pa lang sa tamang panahon. Aaminin din naman namin pareho eh. Ayaw kasi naming mabigla si Lolo, please naman Cedric."

"Ano ako hanggang please lang ay okay na."

"Ano bang gusto mo. Sige basta kaya ko ay ibibigay ko sa iyo. Gawin mo akong alipin, kahit ano ay gagawin ko."

"Talaga! Kahit ano! Tumalon ka doon sa tulay."

"Wala namang ganun. Baka nga gawin ko yun ay umiyak ka diyan"

"Ano kamo!"

"Wala. Sabi ko walang ganun, yung talon talon sa tulay."

"Sige na, sige na. Tatahimik na ako. Pwede na ba akong umuwi?"

"Sige, sabay na tayo." Medyo gumaan ng konti ang aking pakiramdam

-----oo00oo-----

Cedric's POV

Grrrrrrrrrrrr. Ngitngit na ngitngit talaga ako. Umamin din. Mga walanghiya. Ano na ba ang nangyari kay Kuya. Anong mangyayari kay Nanay kapag nalaman ang katotohanan na bakla ang anak niyang panganay. Bakit ba kasi natuklasan ko pa eh.

Tumahimik nga ako. Yun din naman ang gusto ni kuya kaya sinunod ko ang gusto niya. Nagtataka naman ako dito sa kupal na Mandy na ito. Parang nanliligaw. Aba! May pabigay-bigay pa ng chocolate at idinadaan pa kay Jenny. Tuloy ay naghihinala ang tao na nililigawan ako. Pero paborito ko talaga ang chocolate. Kahit nga choc-nut lang ang ibigay sa akin eh happy na ako.

Mini Series (Vol. I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon