SINJI'S POV:
"YOU CAN'T do this to me! I am your fiancé!" paghihisterikal ni Vivi habang kinakaladkad siya ni Griffin palabas ng opisina ni Kuya.
Bobita kasi.
Sukat ba namang magkwento kay Griffin habang nakabukas ang mini micro kaya rinig na rinig namin ang sinabi niya kung paano niyang dinukot si Sav.
Pabagsak akong naupo sa swivel chair ni Kuya at nasapo ang sarili kong noo.
"Kaya pala hindi pumunta si Sav sa CDC, nilipad na pala." Komento ni Calvin nang tuluyang mawala si Vivi sa harapan namin.
"Kuya, paano mo pala nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon?" usisa ko kay Kuya Luther dahil bago pa man makarating si Griffin sa sikretong lagusan ng HuPoFEL kung saan dumaan si Vivi, ipinatawag na niya kaming mga Elite Class sa loob ng kanyang opisina.
"I just know." Tipid na sagot niya na siyang ikinangiwi ko.
"What are our plans?" tanong naman ni Dezrail.
Lahat ng atensyon namin ay napunta kay Kuya Luther na ngayon ay nanatiling nakatayo pa rin sa gitna ng kaniyang opisina at mukhang pinapakalma ang sarili niya.
"Kuya..." tawag ko.
Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Kuya at saka siya nakapamulsang humarap sa amin ngunit lahat kami ay kinilabutan dahil sa kislap ng kulay dugo niyang mga mata. Mas intense yon kaysa sa mga dating kulay na nakikita namin sa kanya.
"Pre, kumalma ka," ani ni Tandang Gun at saka siya naglabas ng syringe kung saan naglalaman ng likido na ginawa niya para kumalma si Kuya Luther.
"Kalmado ako, Thorndike."
"Bakit ganyan ang kulay ng mga mata mo? Parang papatay ka na ng tao."
"Oo nga Boss."
"We can't handle your anger if you go wild here. Let's get Saviel first before you spread terror-- aray!" sigaw ni Thud nang makatanggap siya ng batok mula kay Dezrail, Calvin at Trev.
"Tumahimik ka muna!" Sabay-sabay naming sabi kaya napanguso na lang si Thud habang hinihimas ang nasaktan niyang ulo.
"Edi don't!"
Inirapan ko na lang si Thud at saka muling itinuon ang atensyon ko kay Kuya Luther.
"Tama si Thud, Kuya. Bago ka magalit, kailangan nating masiguro na ligtas na si Saviel at walang ginawa ang Neoearth sa kanya."
"We can't be sure if that group didn't do anything to her. Fynrell, check all the abandoned buildings in the vicinity near your mall."
"Okay, I'll take care of it."
"Thorndike and Dirkshied, prepare Homare for me."
"Blas, inform all the HuPoFEL members to cancel all their missions and make themselves ready for the possible war we will bring."
"Martin, check all the CCTV cameras and gather the information about where LaRough brought Hyuga. Prioritize her absence from LazyGrace until she and LaRough meet."
"I'm already working on it." Tamad na sagot naman ni Rent.
Isa sa mga hinahangaan ko kay Kuya Luther ay mabilis umandar ang utak niya para pagalawin ang mga taong nasasakupan niya at nagpaplano agad ng mga dapat gawin.
"Creighton, Devoncourt, Cohen, and De Chavez, prepare all the weapons you can use to burn down that damn group."
"Sigurado ka na ba?"
"Yes. This is the last time I will face Neoearth and take back Hyuga where she should be."
"I thought you didn't care about her?"

BINABASA MO ANG
Please me, Master
Romance[BLOODFIST SERIES 10] Saviel Hyuga, isang masayahin at pilyang dalaga na napadpad sa isang delikadong lugar na puno ng karahasan. Nang makilala niya si Luther Aqueros Bloodfist na isang Mafia Boss, nagkaroon siya ng layunin na paibigin ito at mapala...