抖阴社区

Three Brothers (Part 4/4)

323 0 0
                                        


Nagkatotoo ang pantasya kong makasiping ang crush kong si Leo. Siya ang nakasama ko sa pagtulog. Nakainom kami pareho at nangyari ang inaasam kong mangyari.

Hindi naman kami nagkailangan matapos mangyari iyon, naniniwala akong mas lalo pa kaming magkakalapit, mababalik ang dati naming pagkakaibigan

"Promise, sa susunod, papakantot na ako sa iyo. Mag-aaral pa ako ng ibang mas masasarapan ka. Maghahanap ako ng mga video sa net," sabi ko.

Ngumiti naman siya at tumalikod na sa akin para matulog.

Ako naman ay ninanamnam pa ang nangyari itong araw lang ito. Sigurado akong manunumbalik uli ang magandang pagkakaibigan namin ni Leo, mas magiging mainit hehehe.

-----o0o-----

Nang sumunod na gabi, alas otso na, ay wala pang dumadating kahit na sino sa magkakapatid para samahan ako sa pagtulog. Hindi rin tumatawag si Auntie para ipaalam sa akin na walang pupunta rito sa amin. Hindi pa naman ako inaantok kaya nanood pa rin ako ng palabas sa TV. Maya-maya ay nag ring ang aking CP, si Auntie Sabel at nasa galaan pa raw ang mga anak.

"Dito ka na lang kaya matulog Macmac," aya pa ni Auntie.

"Auntie... okay lang po ako kahit na walang kasama, kaya ko po naman ang sarili ko, ang laki ko na kaya."

"Hindi pwede, nakakahiya sa Nanay mo. Hintay ka lang diyan at papupunatahin ko diyan kahit na sino sa kanila. Sandali, sandali ha. Mukhang narito na si Leo," sabi ni Auntie.

Natuwa ako, kasi mas gusto ko naman na si Leo ang makasama ko dito, hindi dahil sa gusto kong may mangyari sa amin. Basta, mas gusto ko siya.

"Mac, papunta na riyan si Jomarie, siya pala ang dumating," wika ni Auntie sa kabilang linya.

"Ah ganon po ba, Sige na po at lalabasin ko na siya, baka nasa gate na namin." Tinapos ko na ang paguusap namin.

Napabuntong hininga ako. "Bakit si Jom? Okay na sana kahit si Kuya Dathan eh. Wala naman akong magagawa na, lumabas at tinungo ko na ang gate. Naroon na nga siya dahil nag-buzzer na.

Si Jom ang pangalawa sa magkakapatid. Gwapo rin siya, nakakahawig nga niya si Ruru Madrid eh, payat nga lang. Kung tutuusin si Leo ang pinakahuli sa pagwapuhan sa kanila, si Kuya Dathan pa rin ang pinaka-pogi. Kaya lang ay iba kasi ang vibes ko kay Leo, siguro dahil sa mabait siya.

Makulit kasi itong si Jom, kapag naglalaro kami ni Leo ay nanggugulo siya kaya palagi naming nakaka-away. Kahit na sinasaway na siya ni Auntie ay sige pa rin.

Hanggang ngayon nga ay palagi pa rin niya akong kinukulit, hindi naman ako nakikipag-biruan. Inis na inis talaga ako sa kanya. "Halika, pasok na. Nagpapa-cute ka pa riyan," sabi ko, pinakita ko ang pagkainis.

"Aba, kung ayaw mo ay huwag. Akala naman nito ay gusto ko siyang samahan," sagot naman niya.

"O sige, umuwi ka na."

"Hehehe, joke lang. Mapapalo ako ni Nanay. Lika na sa loob. May makakain ba diyan. Hindi pa ako naghahapunan, kaagad akong itinaboy ni Mama dito."

Wala talagang hiya. Ganon talaga ang ugali niya, walang hiya. Kahit kay Nanay ay hindi siya nahihiya. Kapag hindi niya gusto ang ulam nila ay dito sa amin pupunta at makikikain. Gustong-gusto naman ni Nanay ang ganon. Malapit din kasi siya sa parents ko, siya kasi ang paborito niya sa tatlo.

Inahinan ko naman siya. Nag-prito lang naman ako ng manok at naglaga ng soup yung instant na nabibili sa pakete. Mabuti at talagang dinagdagan ko dahil akala ko ay si Leo uli ang sasama sa akin.

Lagtawan na natin yung ibang pinag-usapan namin, puro pagtatalo lang naman at asaran. Doon na tayo sa matutulog na kami.

"Inaantok na ako, maiwan ka pa ba muna diyan?" sabi ko.

Mini Series (Vol. I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon