Hello, Hi, Mabuhay! Kumusta? I hope mabuti ang kalagayan ng lahat. Ako mabuti naman, my life has been good lately and super busy lang due to responsibilities. I missed writing so bad!! Puro poems lang nagagawa ko lately na pinopost ko sa Instagram na I forgot I have stories here sa 抖阴社区. I'm sorry for the shortcomings, my love! Busy lang talaga as a College student of PUP and a Licensed Financial Advisor of Pru Life UK.If you want, you can follow me on my instagram account @gabriel.escio Thank you! Usap tayo about life, financial planning, safety net, and protections for yourself! Also, tomorrow is my Birthday!! 21 na me!😁🤍
***
Capítulo QuinceTatlong araw na simula nung sabay kaming naligo ni Duke at simula nung araw na 'yun ay mas lalo syang madikit sa akin. Minsan ay dun pa ako pinapakain sa kwarto ny kasama syang kumain.
"Riley, sa susunod na linggo pasukan nyo na. Ready ka na bang mag aral? Bago ang school nanpapasukan mo, 'Nak." bumalik ako sa wisyo nang bigla akong kinauesap ni Nanay.
"Opo." wala sa sariling bigkas ko. Hindi ko alam kung ready ba ako kasi kasama ko yung magkapatid sa iisang paaralan. Sigurado naman na panibagong kalbaryo haharapin ko dahil kasama ko yung demonyo. Dun sa isa okay pa pero dun sa isa hindi ko na alam.
"Riley, anak. Huwag susuko sa buhay ha? Hayaan mo, aayon din ang panahon sa atin." Niyakap ni Nanay ang ulo ko tsaka ginulo ang buhok ko.
"Syempre po, Nay. Malaki po ang pangarap ko para sa atin." sumilay naman ang maliit na ngiti sa labi ni Nanay.
Pahiga na sana kami ni Nanay nang may biglang kumatok sa kwarto namin. Tumayo si Nanay para tignan kung sino.
"Nang Cecil!" wika ni Gov sa labas ng kwarto namin kaya nagulat kami ni Nanay.
"Naku, Gob! Saglit ho mag ayos lang ho ako!" tarantang wika ni Nanay na ikinatawa ni Gob. "Huwag na ho. Pumunta po kayo ni Riley sa opinsina ko may ibibigay ho ako." ngiting wika ni Gob at umalis na.
Kumatok kami sa harapan ng opisina ni Gob at tsaka pumasok — nakita namin sya na nakaupo sa lamesa nya kaya binati namin sya. Dumako naman nya ang tingin nya sa amin kaya binati nya kami.
"Upo po kayo." Utos nya kay Nanay kaya umupo naman si Nanay at ako nanatiling nakatauo sa tabi nya. Tumayo naman si Gob at may kinuha na paper bag sa gilid ng opisina nya. "Gusto ko lang po ibigay itong bag kay Riley dahil magpapasukan na po. Kumpleto na po 'yan sa gamit. Mula sa notebooks hanggang clear folders ay meron na po." Nagulat naman ako dahil narinig ko ang pangalan ko at sa akin pala may ibibigay.
"Naku! Maraming salamat po, Gob!" Natutuwang wika ni nanay at tsaka inabot ang bag na may tatak na "Osprey"
"Ay 'wag po kayo sa akin magpasalamat — Kay Duke po at sa kanya galing lahat ng 'yan. Binili po nya sa allowance nya." tawa naman ni Gob. "Ito po ang bigay ko sa inyo, Nang." tsaka inabot ang red folder na may nakalagay na "Pru Life U.K"
"Life insurance policy po 'yan." Nagulat naman si Nanay dahil hindi naman sya pamilyar sa larangan at importansya ng insurance. "Importante po ang insurance, Nang. Kapag ho nagkasakit kayo na malala, babayaran po nila kayo. Kapag ho may nangyaring masama na humantong sa pagkamatay ng isang tao, babayaran ho nila kayo. Pero sana huwag naman po agad. At kahit po aksidente, babayaran nila kayo. Bukod pa po diyan ay may investment part din na pwede magamit sa pag aaral ni Riley kung sakali na gusto nuo na pong magresign at ipagpatuloy ang pag aaral ni Riley ng Kolehiyo." Mahabang bigkas ni Gob kay nanay.
"Hindi ko ho pinagdarasal na may mangyari sa inyo, Nang. Gusto ko lang ho kahit anong mangyari ay may proteksyon po kayo at assured si Riley. Kaya ko ho kayong ipa-ospital kung may mangyari, pero mas maganda ho na may Life insurance kayo para makita nyo po ang kagandahan ng may pinaghahandaan kung may mangyari man. Ika nga po ay "Prevention is better." diba?" tumango naman si Nanay.
"Magkano naman ho ang kaltas nito sa akin?" nahihiyang tanong ni nanay kay Gob. "Wala ho kayong kailangan bayaran, Nang. Ako ho ang bahala sa pagbabayad niyan." Nagulat naman si Nanay kaya sobra syang nagpasalamat kay Gob. Grabe sobrang bait!
"Meron ho kayong dalawang milyon na coverage sa critical illnesses, personal accidents, at meron naman po kayong apat na milyong sum assured." nagulat si nanay sa sinabi ni Gob dahil ang laking amount ng inilagay ni Gob sa insurance nya.
"Yung sum assured ho ay yung kapag kinuha tayo ni Lord. Yun po ang maiiwan kay Riley pero maari pong madagdagan." Paliwanag ni Gob.
Marami pa silang pinag uusapan ni Gob tungkol sa importance ng insurance pero nagpaalam ako na kukuha ako ng juice para sa kanila. Lumabas ako ng kwarto at ang bumungad sa akin ay Si Duke na nakatayo sa harapan ng pinto.
"Did you like my gift, boo?" tanong nito habang nakangit sa akin. Tumango naman ako at hinawakan ang brado nya.
"Salamat! Pero di mo naman kailangan gawin. Sabi ni Gob ginastos mo pa allowance mo. Nakakahiya. Infairness mabait sya ngayong linggo. Apat na sunod-sunod na araw na syang mahinahon.
"It's fine! I still have more. Tell me if you need anything, okay?" kaya tumango naman ako. Sumama sya sa kusina dahil kukuha ako ng juice.
"May insurance ba sina Gob?" biglang tanong ko sa kanya. "Yes. I think he hs a total of 47 policies from different agents and companies. Pero mostly Pru Life since it gives maximum protection with investment. Why?" tanong nito sa akin pabalik.
"Binigyan nya kasi si nanay." Natuwa naman sya sa sinabi ko. "Wow! As dad should! He's always advocated about the importance of insurance since then kaya lahat ng tao dito ay insured." Nagulat naman ako sa sinabi nya.
"I think myself and Axl will get 300 million from that 47 policies. Iba pa yung kay Mom. But I don't want him to die yet. He's a good father." nagulat naman ako sa laki ng makukuha nila. Grabe prepared nga si Gob.
"Don't worry, Boo. Kapag may anak tayo ganun din yung coverage nila." loko nito sa akin kaya nagulat naman ako. "Biro lang! Hindi ka naman mabubuntis. Pero malay mo?" Sa araw-araw na kasama ko sya ay nakita ko yung side nya na pilyo at laging nagbibiro about sa mga ganitong bagay. Demonyo pa rin pala talaga.
Nakarating kami sa opisina at iniabot kina Gob ang Juice. "Son, what makes you come here?" tanong ni Gob kay Duke.
"Nothing, Dad. just checking somebod- I mean something" tumango naman ang sya at bumaling ulit ng tingin kay Nanay.
"O pa'no, Nang? Ingatan nyo ho ang sarili ha?" wika nito kay nanay. Nagpaalam naman kami ni Nanay kina Gob at Duke dahil kakausapin pa raw ni Gob si Duke.
"Nanay Cecil, can I ask for a permission na sa kwarto ko po matulog si Riley?" bihlang sabi ni Duke bago pa kami makalabas ng silid. Tumango naman si Nanay at tsaka tumingin sa akin nang tila nagtataka. Nang makalabas kami ng silid ay bigla syang nagsalita.
"Anong meron at tila yata aligid nang aligid sayo ang panganay ng mga Lagdameo, Riley?"
Natuod naman ako sa kinatatayuan ko at lumunok ng laway...
***
Hello! Please like, comment, and follow!! Stay tuned for more updates. Mwa.*Promoting of some of the importance of Life insurance because it's that important*

YOU ARE READING
Lagdameo's Crazy Obsession (ON-HOLD)
General FictionIf anyone who hears the surname Lagdameo most people think about is not to mess with them or make them impress. The trajectory of your life can depend on their word and If there's one word that fits to them that will be "Power". People say they're h...