抖阴社区

4

3.1K 139 33
                                        

Chapter 4



"Okay ka lang?" tanong ni Wyatt sa akin, kakatapos ko lang mag-review. Buong araw na yata akong review lang nang review. Kung wala ako sa review center ay dito sa bahay ay review pa rin ang ginagawa ko.

Tumango ako at saka kumuha na ng pagkain na inorder ni Wyatt. Ngayong linggo ay puro na lang yata kami order dahil hindi na ako nakakapag-luto at sobrang busy ko. Next month na ang exam namin.

"Kapag hindi ako nakapasa baka mas lalong magalit si Dad sa'kin," I told him. "Kaya sobrang na-pressure ako. Kasi baka kapag nag top ako sa exam, baka sakaling magbago pa ang isip niya."

Bahagya siyang natigilan dahil sa sinabi ko.

"Gusto mo talagang pumasok sa kumbento, 'no?" tanong niya sa'kin.

I smiled softly. "I really feel like it's my calling."

"But what if it's not? Paano kung..." he paused for a second "What if you're meant for something else?"

"Like what?" kumunot ang noo ko.

"I don't know... maybe marrying me?" saka siya ngumisi.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

"Bakit gusto mo po ba akong pakasalan?" I asked.

Akala ko ay magbibiro si Wyatt pero hindi. Hinihintay kong tumawa siya at inisin ako pero ngumiti pa siya.

"Kapag ba sinabi kong oo, would you change your mind? Would you consider marrying me?"

And I was stunned. Literal na parang huminto ang puso ko.

Nagkatinginan lang kami ni Wyatt, and for a second, walang lumalabas sa bibig namin.

He's considering marrying me for real?

I waited for him to laugh it off, to say it was a joke, but he didn't. His eyes held mine like he really meant it.

I couldn't process it right away. I mean, someone like Wyatt—handsome, talented, practically adored by so many girls—and someone like me? A plain, boring girl who lived a quiet life?

He must be joking.

"Marriage is sacred, right?" he said casually, leaning back. "So if we end up married, then we'll have no choice but to deal with it. Deal with each other for the rest of our lives."

He was right. Kung maikasal nga kami, then we should learn how to live and love each other kasi sagrado ang kasal namin. Sa mata ng Diyos at tao, kahit pa set up lang ito ay kasal pa rin kami.

I took a deep breath. "Okay."

"Grabe naman. Ganoon ba ako ka-unattractive sa mata mo para ganiyan ka-obvious na napipilitan ka lang sa'kin?" he teased.

"'Di naman. Actually you're okay. You're fine. Hindi ko lang inisip na ang katulad ko? I mean tayo..." I struggled to find the right words. "To be honest, I feel like you're too much for me. And I'm too boring for you. That's why I don't understand how our parents thought this was a good match."

He laughed at that, then took a sip of water. "You know what, sometimes I do feel like I'm too much. But don't worry. I'll tone it down."

"I didn't mean—"

"I want to," he said, cutting me off gently. "Not because you asked. It's for myself, too. I'll adjust for you."

Napatigil uli ako at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

At bigla kong naisip na kung mag-adjust para sa akin si Wyatt? Should I do that for myself too? Kailangan ko bang maging carefree and extrovert katulad niya? Sasanayin ko na rin ba ang sarili ko na mag-inom at pumunta sa maiingay na lugar?

SAGADAWhere stories live. Discover now