抖阴社区

Chapter 13

3 1 0
                                        

Tama nga ang sabi-sabi na lahat may kapalit lalo na sa mundong kinagagalawan natin. Kapag masaya ka, may kapalit na lungkot. Ganiyan ang takbo ng buhay. Hindi pwedeng palagi ka nalang nasa itaas habang tumatawa dahil kailangan mo ring mapunta sa ibaba habang nagluluksa, pero lahat ng 'yon ay may rason.

Hindi pwedeng nasaktan ka lang dahil wala lang kasi bawa't galaw natin ay may dahilan at may aral tayong makukuha. Ganiyan ang buhay, ipapamukha niya sa atin na may magagawa tayong tama, pero meron ding mali na susubok sa atin. Kaso nga lang sa sitwasyon ko ngayon hindi ko alam kung paano ako kukuha ng lakas para bumangon.

Hindi ko alam kung kaya ko pa ba? "Dapat pa ba akong lumaban? Para saan? Para saan pa kung yung huling taong kinakapitan ko at kinukuhanan ko ng lakas ay sinukuan na rin ako? Para saan pa kung lahat ng taong malapit sa akin ay unti-onti na rin akong iniiwan. Para saan pa kung palagi nalang akong mag isa habang nasasaktan.

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa sahig malapit sa inuupuan ko. Ilang araw na akong nakakulong dito sa apartment ko, hindi lumalabas, hindi kumakain, at walang kinakausap. Ilang araw ko na ring naririnig na minu-minutong may tumatawag sa phone ko, pero ni-isa sa kanila ay wala akong sinagot.

Hindi ko kailangan ng kausap. Hindi ko kailangan ng ibang tao dahil walang ibang makakatulong sa akin kundi ang sarili ko. Ako ang may gustong ikulong yung sarili ko rito kaya ako rin dapat ang magkusang umalis dito. . . pero paano? Ni-hindi ko nga matulungan yung sarili ko.

Pagod na pagod na akong intindihin ang mga nakapaligid sa akin. Pagod na pagod na ako sa mundong 'to. Pagod na pagod na ako sa sarili ko. Pagod na pagod na akong intindihin lahat.

"Pagod na pagod na ako." bulong ko habang patuloy na naman sa pagbuhos yung luha ko.

Yumuko ako at niyakap ko nalang yung hita ko. Pinatong ko naman yung noo ko sa tuhod ko habang tahimik na umiiyak. Sa buong apartment ko ay walang ibang naririnig kundi ang bawa't paiit ng iyak na nararamdaman ko.

Nang mahimasmasan ako ay inangat ko na naman yung tingin ko. Kahit nahihirapan at pagod na pagod yung mata ko ay sinikap ko pa ring titigan ang madilim kong kwarto. Kinuha ko naman sa gilid ko yung bote ng beer at tinungga 'yon. Ilang araw na akong gano'n, puro beer nalang ang laman ng tiyan ko. Sa ngayon, wala pa naman akong ibang nararamdaman.

Muli na namang tumunog yung phone ko pero tinitigan ko lang 'yon. May ilang message rin akong natanggap pero hindi ko pa 'yon nababasa dahil wala pa akong gana. Nang makaramdam ako ng pamimigat ng mata ko at pinikit ko lang 'yon konti pero hindi ko alam na magtutuloy-tuloy na pala 'yon.

Nagising ako dahil sa pagtunog ng phone ko. Umupo ako galing sa pagkakahiga at hindi ko na namalayan na sa sahig na pala ako nakatulog. Nang makaupo ako ay sinalo ko yung ulo ko dahil sobrang bigat no'n at kinusot ko pa yung mata ko habang nag a-adjust pa rin sa kadiliman.

Hindi ko alam kung anong oras na dahil sobrang dilim dito sa buong apartment ko. Sinadya ko rin talagang isara lahat ng bintana, kurtina, pati na rin yung mga ilaw.  Para na rin kung may pumunta rito ay makikita nilang walang tao. Kaya nung tumunog yung phone ko at mapatingin ako rito ay halos mabulag ako dahil sa liwanag na dala no'n.

Dahil patuloy pa rin sa pagtunog nung phone ko ay napilitan na akong kunin 'yon kahit tinatamad ako. Hindi ko pa rin sinasagot yung mga tawag pero naglakas loob na akong basahin yung mga message.

From: Azi

gaga bakit umuwi ka kaagad? hindi pa tapos yung party natin, kj ka ba?

naneto ayaw sumagot oh, famous ka ba?!

luh, amputa

hoy namo, bakit hindi ka nag re-reply?!

gusto mo pa yatang sugurin ka namin dyan sa apartment mo eh

You've reached the end of published parts.

? Last updated: Jun 22 ?

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Favorite Melody (Family Series #3)Where stories live. Discover now