unedited.
Chapter 23:
Si Andrei... na ngayon ang gusto niya.
"Okay ka lang?" Natauhan ako nang hawakan ni Andrei ang balikat ko. Hindi ko namalayan na nakasakay na kami sa sasakyan nila at pauwi na.
"Ha? Ah, oo okay lang ako." Mahinang sagot ko saka yumuko.
"Sure ka?" Ulit na tanong niya.
Tumango lang ako bilang sagot saka ibinaling ang tingin sa bintana ng sasakyan.
"Maiiwan na lang siguro ako sa bahay, naalala kong may gagawin pa pala akong kailangan kong ipasa bukas agad." Pagsisinungaling ko. Ayaw ko na sumama sa kanila dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin dahil sa nalaman ko.
Ang dami kong iniisip, na kung hindi ko ipinilit noon na pagkasunduin sila Marco... ako pa rin kaya ang gusto ni Marco hanggang ngayon?
"Pero birthday ko ngayon, Cai." Bakas sa boses niya ang pagkadismaya, pero desedido rin akong huwag na sumama pa.
Alam kong wala naman siyang kasalanan sa mga nangyari, pero kasi... basta!
"S—sorry," sabi ko, tumingin ako sa kan'ya, pero agad din akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. "Babawi na lang ako sa susunod." Patuloy ko, saktong tumigil na ang sasakyan sa kanto papasok sa amin.
Ngumiti ako sa kan'ya bago ako mabilis na lumabas ng sasakyan.
"Cai!" Nang maglakad ako papasok sa eskenita ay sinundan niya pala ako. "May problema ba? May nagawa ba ako?" Tanong niya, napatigil ako at humarap sa kan'ya.
Wala naman siyang kasalanan. Wala naman siyang nagawa. Ako ang may problema... ang nararamdaman ko ang problema.
Ngumiti ako ng tipid sa kan'ya saka umiling, "Wala. May gagawin lang talaga ako ngayon." Sagot ko. "Sige na, sabihan ko na lang sila Papa na sumunod sa inyo. Happy birthday ulit." Patuloy ko at naglakad na ulit, hindi naman na siya sumunod sa'kin.
"Oh? Hindi ka ba pupunta kayla Andrei?" Tanong ni Papa nang pumasok ako ng bahay namin. Nakaayos na sila ni Cierra na mukhang excited pa.
"Hindi na, Pa. May kailangan pa akong gawin, e." Sagot ko kay Papa.
"Hindi ka sasama, Kuya? Bakit naman? Excited pa naman si Kuya Andrei para mamaya kasi pumayag si Mama na pumunta ka." Mahabang sabi niya, lumabi pa siya na parang nalungkot para kay Andrei.
Bumuntong-hininga ako, umupo ako para makapantay ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kan'ya.
"Busy lang talaga si Kuya, pangako babawi ako sa kan'ya sa susunod kapag hindi na ako busy." Sabi ko sa kan'ya.
"Okay po. Sabihan ko na lang si Kuya Andrei na babawi ka sa kan'ya po." Sagot niya, pero naroon pa rin ang bakas ng tampo niya.
Ngumiti ako sa kan'ya at ginulo ang buhok niya saka ako tumayo, lumapit na rin siya kay Papa.
"Ingat kayo, Pa." Paalam ko sa kanila. Tumango si Papa at sabay na silang lumabas ng bahay.
Nang isara ko ang pinto ng bahay namin ay huminga ako ng malalim.
Mabagal akong naglakad papunta sa kwarto, nagpalit lang ng damit saka ko kinuha ang mga notes ko at dumapa sa kama.
Ibinaling ko sa pag-aaral ang atensyon ko, tutal malapit naman na ang finals. Ayaw kong isipin ang ibang bagay. Pero napasabunot na lang ako sa sariling buhok dahil kahit anong gawin ko ay hindi ako makapag-focus.
Nabaling ang tingin ko sa phone ko nang tumunog iyon. Notif galing messenger.
Isla Rae:

BINABASA MO ANG
Under His Umbrella | Lavender Band Series #3]
RomanceSeries 3: uhu In life's downpour, his umbrella shields our fragile hearts. started: Dec. 1, 2024 ended: --- photo used as book cover is not mine. credit to the rightful owner.