"Ma please? Tagalog na lang? Mas magkakaintindihan tayo. Hindi naman ako yung yung asawa mo para englishin mo." pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi ko na kasi talaga kakayanin kapag nag-english pa sya ulit.
"Fine. Palibhasa hindi ka marunong mag-english kaya ka ganyan sakin. Hayaan mo, tuturuan na lang kita."
"No thanks Ma. Okay na ako sa tagalog. Sa'yo na yang english mo. Nga pala, bakit po pala kayo napatawag?"
"Miss na kasi kita anak. And gusto kong sabihin sa'yo na kahit NATALO kayo sa Sea Games, proud pa rin ako sa'yo kase nakita ko kung gaano ka kagaling maglaro. Natutuwa nga ako kase bumalik ka sa paglalaro nyan. Akala ko kinalimutan mo na yang volleyball na yan eh. Alam mo na, dahil sa ginawa noon ni Danielle sa'yo." Yes my dear friends, alam ni Mama yung ginawa sa akin ni Dandan noon. Alam nya rin kung gaano ako kagalit sa babaeng mahal ko nung time na yon.
"Oo nga Ma eh. Ang nakakatawa, sya din yung dahilan kung bakit ako naglaro ulit. Utang ko pa rin kay Danielle yung pagbalik ko sa paglalaro. At saka buti na lang, pinayagan nya ako nung nagpaalam ako sa kanya."
"Oo nga. Napakabait talaga ng batang yan, hindi talaga sya nagbabago, mula noon hanggang ngayon."
"Yes Ma, mabait po talaga si Danielle."
"Mabuti nga rin at naglaro na ulit sya. Akala namin noon hindi na talaga sya makakapaglaro dahil dun sa aksidente nyo nung mga bata kayo. Aba eh napilayan ng husto yang batang yan dahil sa pagliligtas sa'yo eh." Derederechong sabi ni Mama. Bigla namang nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi nya. Ano daw? Napilay si Danielle dahil sa pagliligtas sa akin noon?
"Napilay? Niligtas?" takang tanong ko.
"Hala! Hindi pa ba nila nasasabi sa'yo?"
"Nasasabi ang alin Ma?"
"Sabi nila JR nasabi na daw sa'yo ni Danielle ah."
"Wala po syang sinasabi sakin."
"Ganun ba? Siguro ayaw na rin nyang maalala mo yon kasi nga hindi naging maganda yung aksidente nyo nung mga bata pa kayo."
Kung si Dani yung nagligtas sakin noon, ibig bang sabihin sya din yung.....
"Ibig mong sabihin Ma, si Dani yung pinangakuan ko ng kasal noon?" seryosong tanong ko.
"Malamang. Sya lang naman yung naging kasintahan mo noon eh."
"At pumayag ka kahit pareho kaming babae at mga bata pa kami ng mga panahong yon?"
"Bata pa lang kase, nakitaan na kita ng pagiging maharot at alembong kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin ka na lang. At yung pareho kayong babae ni Danielle, wala namang kaso sakin yon. Ang importante, nagmamahalan kayo at masaya ka sa kanya."
"Maharot talaga?"
"Ahuh. Gano'n ka talaga Juliana. Hindi ko nga alam kung kanino ka nagmana eh."
"Wow at talagang hindi mo naisip yung sarili mo Ma."
"O sya maiba tayo" tingnan mo 'to, pag sya na yung topic, biglang binabago yung usapan. Tsk. "Kamusta na pala kayo ni Danielle? Hindi pa rin ba sya bumabalik sa'yo?" nakwento ko kasi kay Mama lahat-lahat ng nangyari dito simula nung umalis sya. Pati yung ginawa ko nga noon kay Dani. Ayun, pinagsabihan ako ng bongga, bakit ko daw ginawa yon. Hindi ko daw ba alam na malaki yung utang ko kay Dani. At yung pagliligtas pala nya nung mga bata kami yung tinutukoy ni Mama don. Aba malay ko naman kase diba? Eh sa hindi ko na nga maalala eh.
"Hindi pa rin Ma eh. Ayaw na po nya yata sakin."
"So susuko ka na lang?"
"Hinding-hindi ko sya susukuan Ma. Papatunayan ko sa kanya na nagbago na ako at hinding-hindi ko na gagawin yung panloloko ko sa kanya noon."

BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...
Chapter 44
Magsimula sa umpisa