Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papunta ako dun sa place na sinabi ni Krissa. Hindi ko nga alam kung papa'no pa ako nakarating don eh. And ganun na lang yung sakit na naramdaman ko nung nakita kong hinalikan ni Reya si Julie at imbes na umiwas sya, nakita kong gumanti pa ng halik yung girlfriend ko. Parang may kung anong matalas na bagay yung tumama sa puso ko nung makita ko yung eksenang yon. Gusto kong magalit sa kanilang dalawa, gusto ko silang sumbatan at saktan pero hindi ko kaya kase mahal na mahal ko si Julie. Masakit pero kailangan ko ng bumitiw dahil ako na lang naman yung nakahawak sa kung anong meron kaming dalawa. Pero ang sakit pala na makita mong masaya yung mahal mo sa iba pero dahil nga mahal mo, kung saan sya masaya, kailangan kong tanggapin diba? At sa ngayon, si Reya na yung happiness nya. Malungkot akong lumapit sa kanilang dalawa non, pero syempre nakangiti ako. Ayoko naman kasing magmukhang kawawa eh. Niloko na nga ako, magiging kawawa pa ba? So yun nga, kahit masakit sakin, pinilit kong hindi umiyak sa harap nila. Ayokong makita nila na sobrang nasaktan ako sa ginawa nila. Nagpaliwanag si Julie pero hindi naman ako tanga para maniwala sa kanya eh. Kitang-kita naman kasi ng dalawang mata ko yung nangyari diba? And bago ako tuluyang magpaalam, inabot ko muna kay Julie yung singsing na surprise ko sana sa kanya. Ang galing lang, imbes na sya yung masurprise, ako yung nasurprise sa nangyari.
Nung tumalikod ako sa kanila, dun lang bumuhos yung kanina ko pa pinipigil na luha. Ang sakit kase, ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ang hirap lang kasing tanggapin na hindi na ikaw yung mahal ng taong mahal na mahal mo. Habang naglalakad nga ako palayo, hinihintay kong habulin nya ako at sabihin na ako talaga yung mahal nya at ayaw nyang mawala ako sa buhay nya. Pero bigo akong sumakay sa kotse ko. Hindi na ako umuwi sa condo nung gabing 'yon. Hindi rin ako sa bahay umuwi, ayoko namang makita nila mommy na ganito yung ayos ko ngayon. Ayoko din na magalit sila kay Julie. May kasalanan din naman ako eh, nawalan ako ng oras sa kanya. Siguro yun yung dahilan kaya nabaling kay Reya yung nararamdaman nya.
At dahil sobrang nasaktan nga ako, bumalik na lang muna ako sa states. Naisip ko kase, baka mas okay pag malayo ako kay Julie, baka mawala din sya sa isip at puso ko. Pero syempre, sino bang niloloko ko diba? Eh kung noon nga, lumayo din ako sa kanya pero hindi naman sya nawala sa isip ko. Ngayon pa kaya na narasanan ko kung paano mahalin ng isang Julie Concepcion?
Kahit mahirap, sinubukan kong alisin si Julie sa isip ko. Nagpakabusy ako at sumali sa kung saan-saang competition sa U.S. and dun ko nga nakilala si Ate Charo at si Aries. Silang dalawa yung nagpasaya sakin habang nasa states ako. Kung anu-ano na nga yung ginawa nila para maaliw ako eh. Alam din nila pareho yung tungkol kay Julie. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanilang dalawa dahil sila yung nasasandalan ko kapag gusto kong magdrama.
Isang beses lang yata ako naging masaya nung nasa states ako. Yun yung time na nagpropose si Aries kay Ate Charo. At least,msa tinagal-tagal ng panahon na tinago nya yung nararamdaman nya, nasabi nya din. After 5 long years.
After non, ginusto ko na ulit bumalik sa Pilipinas. At yung dalawa, sumama din sakin, gusto rin daw kasi nila sa Pilipinas gawin yung kasal. At isa pa, natatakot daw kasi sila na baka kung ano yung gawin ko habang nasa Pinas ako. Baka daw bigla kong maisipan na gumanti kay Julie at kay Reya, pero syempre sinabi ko sa kanila na wala na sakin yon. Ang importante kasi sakin, kung saan masaya si Julie. Saka papa'no mo masasabi na mahal mo yung isang tao kung gugustuhin mo syang masaktan? Ang totoong nagmamahal, hindi magagawang magalit at saktan yung taong mahal nya.
Timing na timing naman yung pag-uwi namin kase nasabi nga ni Aries na hinahanap daw ako ng daddy nya kasi nga gusto akong ipasok sa National Team, alam nya kasing mas lalakas daw yung team kung nandon ako. Nung una, nagdalawang isip ako kase nasabi nga ni Aries na kasama sa team si Julie and assistant coach din ng team si Reya pero naisip ko rin na noon ko pa pangarap 'to. Actually, saming dalawa ni Julie. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko sya ulit, pero para sa Pinas at sa pangarap ko, tinanggap ko yung alok sakin ni Mr. Tan.

BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...
Chapter 45
Magsimula sa umpisa