抖阴社区

[43] Every Time The Bell Rings (And Other Christmas Stories)

Magsimula sa umpisa
                                    

"It's color brown!" I shrieked in excitement. Napatakbo na rin ako sa sasakyan ni Andreau sa sobrang tuwa. Bihira lang akong makakita ng brown na sasakyan dito sa campus, and well, sa lahat ng mapuntahan ko, pero itong kay Andreau na ata ang pinakamaganda! This is my favorite shade of brown, the dark one. Grabe hindi ko naman sasakyan 'to pero sobrang saya ko! I turned to Andreau, beaming. "You bought a brown jeep! Triple shit! Bakit ka bumili ng bagong sasakyan? Okay naman yung Dodge mo ah!"

"Holy shit, man," Roldan exclaimed as he surveyed the car's exterior. In fairness, chill mode na ulit siya! "I thought you were kidding. This is so beautiful!"

"Thanks, Dan," I joked.

Chuckling lightly, Andreau rolled his eyes. "He's talking about my baby, Zades. Not you."

"Potato, potahto. Zades, beautiful. Where is the lie?"

Tinabihan naman ako ni Mars na todo titig pa rin sa brown Jeep. "In fairness sa 'yo ha, hindi ka na kuripot this year. May bagong raket? Hoy ba't 'di dumaan sa 'kin 'yon?"

"Wala," he shrugged. "Christmas gift and advance grad gift ko yan sa sarili ko. And besides, I've been eyeing this baby for months now. Ask Dan, he knows about this."

Okay ewan ko ba kung bakit bigla akong nairita sa pagtawag ni Francisco ng baby dito sa Jeep ha. Masyado niyang pini-personify at sini-sexualize ang isang inanimate object! It creeped me out. Sa sobrang irita ko, pasimple akong umalis sa conversation nilang tatlo at nilapitan si Kesh na tahimik na ini-inspection ang brown Jeep. I took out my phone and handed it to her for a photo op. Sus, baby his face!

Saktong sasandal pa lang ako sa malaking gulong ni Baby nang mapatingin sa 'kin si Andreau. He looked so confused for a second. "What the hell are you doing there?"

"Uhh.. photo op with your baby?" medyo nadiinan ko ata yung baby sa sobrang irita. Whatever. Ayoko talaga ng endearment na 'yon!

Dan and Mars exchanged their patented (and super annoying) so married looks. But before the two of them could say anything stupid, inunahan na sila ni Kesh. "Andreau, pagpasensyahan mo na 'tong si Zades ha?" pabirong niyang sabi sabay kurot sa braso ko. "Medyo delusional talaga siya sa kahit anong bagay na brown."

"Eto naman! Minsan lang akong magfeeling!"

"Gaga, anong minsan ka dyan?" singit ni Mars. "Feelingera ka kaya!"

Andreau just watched us in disbelief, shaking his head. "Okay okay, that's enough," saway niya sa 'min ni Mars. "We really have to go now. We lost 45 minutes of our travel time because of that traffic."

Bumalik kaming apat sa table at kinuha ang mga bag namin. Himala ngang backpack at maliit na maleta lang ang dala ko ngayon eh. December 25 pa ako babalik ng San Ignacio para magcelebratae ng Christmas kina Nana Tinang. Proud na proud nga si Kesh na napagkasya ko lahat ng regalo at pasalubong sa maleta ko! At least napapractice ko na ang pagiging super packer ko!

"And I thought this Christmas would be Choleric Andreau free," narinig kong sabi ni Dan habang nilalagay niya ang mga gamit namin sa likuran ng Jeep. He said it loudly, pero mukhang pinalagpas na lang ni Andreau kasi titig na titig ito sa relo niya. Hay, life. Ang strict talaga niya sa oras!

Once everything was settled, finigure out naming apat ang seating arrangement sa Jeep. Well, more of finigure out nilang tatlo ang seating arrangement dahil busy pa ako sa pag-aayos ng deadly backpack ko. (Kasalanan kasi ni Francisco eh! Ang ayos ayos na ng pagkaka-empake ko tapos ginulo niya kasi I just want to check if you really bought me a gift, Zades. Hindi ko ginulo yang bag mo! Ugh! Kahit kailan epal!) Binuksan ni Mars ang pintuan ng passenger seat at sasakay na sana siya nang pigilan siya ni Dan.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon