"Putek ano ba! Bakit?" inis na sigaw ni Mars. Sinapok pa niya si Dan sa ulo. "Inaantok na ako dito ano!"
"Ssshh.." Roldan said in a loud whisper. "Don't steal the Missus's spot," sabay turo sa 'kin.
Mars' face lit up, as if a great idea popped inside her head. Oh no, this is bad. Real ba— "Ay ay! Sorry po, Missus!" nagbow pa siya sa 'kin. "Inyong-inyo na po yang pwesto! Sorry po ulit! Baka ihulog mo pa ako sa Kennon Road eh!" At ang tatlong epal, dali-daling pumasok sa backseat! Ugh sana po makatulog sila sa buong biyahe mamaya para walang mang-asar sa 'min ni Andreau!
Parang driver ko naman si Andreau na nakabantay sa may pintuan ng passenger seat. Ever the gentleman, he opened the door for me, grabbing my backpack off my hands. "Wag na wag mong itatapon yan sa Kennon Road, Francisco," banta ko sa kanya. "Seryoso ako. Mahal na mahal ko yang backpack na yan!"
"Fine, fine. I really value my life so here you go," maingat niyang pinatong ang backpack sa passenger seat. I took a quick peek inside the Jeep and shrieked a little. Ang ganda ng brown interior! Even the seats kulay brown ang leather! Isa na talaga 'to sa bibilhin ko kapag naging yamings ako mga 25 years from now!
"This is such a beautiful Jeep, Andreau. I know you don't like brown that much but this is definitely the right shade. Well done, Boss," I couldn't help but smile. Seryoso, ang ganda kasi talaga ng sasakyan niya.
Ngiting tagumpay naman si Andreau sa papuri ko. Hah, I knew it! Pasimpleng fishing of comments pa siya ha! "Glad you liked it, Zades."
**
So it turned out na si Andreau lang ang last man standing sa 'ming lima sa biyahe, dahil hello, he's the designated driver of this trip. Sinisisi ko ang aircon nitong baby (yuck) niya, ang lakas kasi! Wala pa atang 15 minutes sa biyahe nakatulog agad ako!
Anyway, ginising kami ni Andreau nang makarating kami sa isang gas station somewhere in Tarlac. It was 2:30 AM, at saktong gutom na gutom na kaming lahat kaya nagdecide kaming kumain sa.. (as expected) fastfood chain na ine-endorse ni Andreau. Buti na lang wala masyadong tao doon sa branch na tinigilan namin, pero hindi pa rin nawala ang mini photo op ni Andreau with the crew. (Bilib din ako sa tibay nitong si Cortez. Smile kung smile kahit pagod na sa pagdi-drive! Pero bakit kapag ako ang kumukuha ng picture niya naiinis siya? Hmm choosy kahit kelan!)
Walang pansinan sa table naming for like five minutes dahil sa sobrang gutom. Si Kesh nga, ang kaisa-isang vegetarian sa 'min, naubos ang isang tuna pie in just four big bites! Ibang usapan naman sina Dan at Andreau na ginawang chicken eating contest ang pagkain nila. Nakalimutan ko na Fuck diet! ang motto nila for the holidays. (Massacre ang itsura ng mga kinainan nila. So not photo worthy.)
Nang maubos na ni Dan ang pangatlong (!!) chicken niya, he opened his bag and brought out something. I noticed the grimace he sported as he stared at the thing on his hands. "Before I forget, invitations niyo pala." Inabutan niya ng tig-isang black envelope sina Mars, Andreau at Kesh. Ah, Ninna's wedding invitations! May monogram na B & N sa harap ng envelope in gold letters. So classy.
Andreau examined the envelope carefully. "Who's getting married?" he asked while carefully opening the envelope.
"Check the invitation," Dan grunted before attacking his fried chicken again.
Tumigil muna ako sa pagkain at pinanood ko ang reaction ni Andreau. Nung una nakangiti pa siya eh, ang ganda nga naman kasi ng design. Pero nang buksan na niya ang mismong invitation.. nanlaki ang mga mata niya. And oh boy, he suddenly mirrored Dan's facial expression earlier at the café. "Holy fuck! Is this serious?!" gulat na gulat niyang tanong kay Dan, na nagkibit-balikat na lang. "Maybe this is just a prank. Goodness, hindi talaga funny si Nins."

BINABASA MO ANG
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...
[43] Every Time The Bell Rings (And Other Christmas Stories)
Magsimula sa umpisa